PART 2

2.8K 72 0
                                    

-MARIA POV-

"Kanina pa naka alis si tiya Nelya pero wala pa akong ganang pumasok sa eskwelahan pero pag nanatili lang ako sa bahay ay baka lalo lang lumala ang isipin ko. Mabuti pa nga siguro pumasok na lang ako."

Nag bihis at naglagay lamang ako ng bahagyang kolorete sa mukha upang maitago ang Eyebag sa aking mata.

Nagsimula na ako maglakad patungo sa unibersidad. Malapit lang naman ito sa aming bahay. Maraming puno ang tabi ng daan kaya malilim ang kalsada na nilalakaran ko dito kahit pa tirik na ang araw.

Habang naglalakad isinuot ko ang headset sa aking tainga. Pinindot ko ang play button sa aking cellphone at nagsimulang tumugtog ang isang love song.

Kanina pa ako may nararamdaman na nakatingin sa akin simula ng lumabas ako sa gate ng aming bahay. Hindi ko ito pinapansin dahil baka guni-guni ko lamang iyon pero habang tumatagal sa pakiramdam ko ay papalapit na siya sa akin.
Nasa kalagitnaan na ako ng paglalakad ng umihip ang napakalamig na hangin na tila ba may kilabot na dala dahil bigla na lamang nagtayuan ang balahibo ko sa aking batok.
Sa sobrang takot ko ay kumaripas ako ng takbo.

Nang malapit na ko sa may gate ng eskwelahan ay huminto na ako tutal nawala na rin ung takot ko dahil may iilan-ilan na rin akong kasabayan na naglalakad.

Bigla na lamang may humawak sa balikat ko.
Bumilis ang tibok ng aking puso ko sa takot.

"Aaaahh" sigaw ko.

"Besty ano bang nangyayari sayo?"tanong ni Alice na halatang nagulat sa pagsigaw ko dahil bigla nya ko pinihit paharap sa kanya.

"Wala, wala best. Nagulat lang ako sayo." tugon ko at tinanggal ko na rin ang aking headset sabay silid sa bag.

"Eh kanina pa kita tinatawag pero di ka man lang lumilingon."

"Naka headset kasi ako baka kaya di kita narinig"tugon ko kay alicena pilit kong tinatago ang pagkatakot.

Sabay na kaming naglakad papunta sa unibersidad.
Si Alice ang best friend ko. Magkababata kami at pareho lagi ng eskwelahan na pinapasukan. Magkasundo kasi kami sa lahat ng bagay.
Kaya ng makapagtapos kami ng high school ay parehong kurso ang kinuha namin sa kolehiyo.

"Best bakit para bang takot na takot ka kasi namumutla ka kanina habang tumatakbo?"
Biglang tanong niya sa akin.

"Ah yun ba, nakakita kasi ako ng ahas sa may puno kaya nagtatakbo ako." Pagsisinungaling ko.

"Nag alala ako kaya nilapitan kita kaagad. Akala ko multo na nakita mo. He he he."

Ngumiti na lang ako upang di na humaba ang usaping iyon.

Natapos ang klase namin na lumilipad ang isip ko.
Sabi nga nila 'physically present but mentally absent'.
Kaya nang pumunta na kami sa canteen ay nasa isip ko pa rin ang mga nangyayaring kakaiba sa akin nitong mga nagdaang araw.

Ang hirap kasi ipaliwanag,kagaya na lang ng bigla na lamang di ako makakilos sa kina uupuan ko habang nasa klase kami para bang may malakas na enerhiya ang bumalot sa akin buti na lang biglang hinampas ng prof namin ung table ko dahil kanina pa niya pala ako tinawag pero tila di ko daw sya naririnig.Kung kelan malapit na ako mag debut syaka pa nangyayari ang mga ito.


"Hoy! Kanina ka pa tahimik dyan. Ano bang problema mo?" Untag sa akin ni Alice.

"Ah wala ito."sagot ko

"Hayaan ka na naman eh. Ayaw mo na naman magsabi ng problema mo. Para saan pa at naging mag bff tayo."

Dahil dun napaisip ako bigla.
Maniniwala ba sya kung sasabihin ko sa kanya ang mga weird na nangyayari sa akin.Wala naman mawawala kung subukan kong sabihin sa kanya ang mga pangyayaring iyon.

"Maniniwala ka ba kung sasabihin ko sayo?"tanong ko.

"Asus di mo pa nga kinukwento eh. He he he. . .pero seryoso ako pa ba di maniniwala sayo sa tagal ng pinagsamahan natin."

Kaya ipinasya ko na ikwento sa kanya ang mga kakaibang pangyayari sa akin nito mga nakaraang araw.

"Ano ngayon ang balak mo gawin para malaman kung bakit nangyayari iyan sa iyo?" Tanong ni Alice ng matapos ko isalaysay sa kaniya ang lahat.

"Di ko nga alam best."

"Bakit di mo tanungin ang tiya Nelya mo baka may alam siya."

"Susubukan ko mamaya. Ayoko kasing mag alala pa sya sa akin. Nahihiya na ako dagdagan ang pasanin nya sa akin."

"Alam mo naman na mabait si aling Nelya at mahal ka nun kaya maiintidihan ka nya."

"Kaya nga nahihiya lalo ako."

"Sa tingin mo ba di yun nag aalala ngayon. Eh nitong mga nakaraang araw iba ang ikinikilos mo."paliwanag sa akin ni Alice

Siguro nga dapat ko na itong sabihin Kay Tiya Nelya.

"Ou best mamaya sasabihin ko na sa kanya ang tungkol dito."

"Ganyan nga best." Pag sang ayon naman niya sa akin.

Pagkatapos ng klase ay sabay na kami umuwi ni Alice. Hinatid nya ako pauwi kasama ng boyfriend nya na si Xander dahil baka kung ano pa daw ang mangyari sa akin na masama.

MARIA (Book1) Complete✔ --editing--Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon