PART10

1.6K 48 0
                                    

"Ahhhh" sigaw ni Alice ng hatakin siya sa buhok ng halimaw palabas ng sasakyan.

Hinagis ng halimaw si Alice sa tabi ni Xander matapos niya makuha ito sa loob ng sasakyan.

"Hhhmmm." Impit na sigaw muli ni Alice.

Duguan ang kanyang mukha at mga braso ng makita ko siya.
Pilit akong tumayo pero tanging pag upo lamang ang nagawa ko.
Nagtataka ako dahil wala man lang tao o sasakyan na dumadaan sa lugar na ito upang mahingan ko ng tulong. Wala man lang taong lumalapit o mga pulis para rumesponde.

" kahit na anong gawin mo walang makakakita o makakarinig sa iyo dahil sa kapangyarihan ko na binalot ko sa lugar na ito." sigaw ng halimaw habang papalapit sa katawan ng mga kaibigan ko na nakahandusay sa kalsada.

"Di ko maintindihan" sagot ko na pilit ko tinatagan ang aking boses upang itago ang takot na aking nararamdaman.

"Sabihin na lang natin na huminto ang oras maliban na lamang sa lugar na ito." Sagot ng halimaw na ngayon ay nasa pagitan na nila Alice at Xander.

"Ano ba talaga ang gusto mo? Bakit mo ginagawa ang mga bagay na ito?"

"Ang kamatayan mo." Sagot ng halimaw.

"Bakit Hindi mo na lang ako patayin? Bakit kailangan mo pa mang damay ng ibang tao?"

"Sabihin na lang natin na nasisiyahan ako na pahirapan sila at pahirapan ka. Bwahahaha."sagot nang halimaw habang nakangisi.

"Halimaw ka. Wala kang puso."

"Hahaha. . .masyado nang mahaba ang usapan na ito. Sino kaya sa kanila ang uunahin ko?" Nagpapalipat lipat ng tingin ang halimaw sa katawan ni Xander at Alice.

"Ahhh mabuti pa unahin ko na ang lalaking ito."pagkasabi nito ay inangat ng halimaw ang kanyang kaliwang kamay.

Kasabay nito ang paglutang sa ere ng katawan ni Xander.

"Huwag! Maawa ka!" Sigaw ko.

"Awa! Hindi ko alam ang salitang yan. Bwahahaha" sagot ng halimaw.

Iwinasiwas niya ang kaniyang kaliwang kamay pababa kasabay nito ay humampas sa kalsada ang katawan ni xander.

"Aaaahh" sigaw ni Xander pagkatapos lumapat ng kanyang katawan sa semento.

Duguan ang kanyang mga braso at mukha.
Namimilipit sa sakit si Xander ng muli itong umangat ng patihaya sa lupa.

"Tama na itigil muna ang lahat ng ito.". Umiiyak Kong sigaw sa halimaw.

Tahimik na umiiyak si Alice dahil sa kalagayan ng kaniyang nobyo pero tulad ko wala din siyang magawa dahil sa natamo niyang pinsala sa katawan.
Hindi na muling sumagot ang halimaw sa halip muli niyang inihampas si Xander sa kalsada sa pagkumpas lamang ng kaniyang kamay paibaba.

"Aaaah." Sigaw ko dulot ng pinaghalo halong emosyon. Awa, sakit, takot ngunit ang nangibabaw sa lahat ay galit.
Itinaas ko ang aking kamay sa kagustuhan kong pigilan ang halimaw sa kanyang ginagawa.

Nakahandusay sa sahig ngayon ang nawalan na ng malay na si Xander.

"Tapos na ang paglalaro ko kaya tatapusin na kita." Sabi ng halimaw.

Itinapat ng halimaw ang kanyang kamay sa dibdib ni xander.
Humaba at tinusok ng mga kuko nito ang tapat ng puso ng walang kalaban laban na biktima.

"Wag! Wag!" Sigaw ko ng makita kong unti unting pumapasok ang kamay nito sa dibdib ng aking kaibigan.

Ilang sandali lang ay inilabas na nito ang kaniyang kamay mula sa katawan ni Xander. Ngunit walang mababanaag man lang na dinukot ang dibdib nito kahit man lang patak ng dugo.
May hawak na laman ang halimaw na kasing laki ng kamao ng tao.
Tumutulo pa ang pula't malapot na likido mula dito.
Kumikibot kibot pa ang laman na iyon.
Dahan dahan itong lumingon sa kinalalagyan ko tapos ay tumingin ito sa kinakalagyan ni
Alice.

" puso! Ang pusong nasa panaginip ko ay Kay Xander." Bulong ko sa sarili ko at tuluyan ng bumilis ang tibok ng puso ko.Hindi dahil sa takot kundi dahil sa galit.
Nanginginig ang buong kalamnan ko.

Nakangisi namang binitawan ng halimaw ang tangan niyang puso at tinapakan ito.
Pumuslit ang dugo mula dito.

Nagliwanag ang kamay ko na nakataas. May usok na bumalot dito at ilang saglit pa nabuo ang hugis bola na ngayon ay binabalot ng apoy. Ngunit hindi ito kulay pula o asul man lang dahil kulay puti ang apoy na bumabalot dito.
Ito rin ang liwanag na nakita ko ng araw na mamatay si tiya Nelya.

"Ngayon tapos na ko sa lalaking iyon ikaw naman ang isusunod ko. Mukhang mas masarap ka kasing paglaruan." Sabi ng halimaw na ngayon ay papalapit na kay Alice.

Hindi na ko nagdalawang isip pa at ibinato ko ang bola ng puting apoy sa direksyon ng halimaw.

"Aaaah". Sigaw ng halimaw ng tamaan siya nito.

Binalot ng puting apoy ang buong katawan nito.
Muli akong pumikit at itunuon ang isip sa aking kamay at muli isang bola ng puting apoy ang nabuo at ibinato ko ulit iyon sa halimaw.

"Aaaaah"sigaw nito ng muli itong tamaan.

Sa isang iglap naglaho ang halimaw. Tiningnan ko ang kinaroroonan ni Alice ngunit pati ito ay naglaho din.
Natataranta ako ngunit mas namutawi ang sakit at pagod na aking nararamdaman.bumagsak ako sa kalsada at tuluyan na akong binalot ng kadiliman.

MARIA (Book1) Complete✔ --editing--Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon