PART35

1.2K 42 0
                                    

"Bitawan mo ang anak ko." Sigaw ng aking ina at binato nya ng bolang apoy si Shamir.

Nabitawan ako ni Shamir. Nanghihina akong bumagsak sa sahig. Idinilat ko ang aking mata at natanaw ko ang punyal ko. Agad ko itong kinuha. Lumingon ako sa aking ina at Kay Shamir.

"Hadlang ka talaga sa pagpatay ko Kay Maria kaya ikaw na ang uunahin ko." Wika ni Shamir.

Unti unting nagbago ang anyo ni Shamir. Lumabas ang dalawang sungay sa ulo nito. Umusli ang matalim na ngipin nito sa kanyang bibig. Ang balat nito ay naging kagaya sa bangkay na naagnas. May mga uod na lumalawit sa butas ng katawan nito. Napaatras ang aking ina sa takot.

Hinablot ni Shamir ang aking ina sa buhok at iniangat ito hanggang sa di na sumasayad pa sa sahig ang mga paa. Hinawakan niya sa leeg ang aking ina.

"Gusto ko makita kung ano ba ang laman ng utak mo." Nakangisi nitong sabi.

Pilit akong tumayo upang iligtas ito. Biglang lumingon si Shamir sa akin na hindi pa rin binibitiwan ang aking ina. Isang malakas na hanging ang humampas sa akin. Tumalsik ako at halos madurog ang buto ko sa likod ng tumama ako sa pader. Lupaypay akong bumagsak sa sahig.

"Aaarrrggh" ungol ko.

"Manood ka!" Sigaw ni Shamir.

Hinatak niya ng ubod lakas ang buhok ng aking ina. Humiwalay ang buhok ng aking ina kasama pati ang anit sa ulo niya.

"Aaaaahhh" malakas na sigaw ng aking ina.

Umagos ang malapot na dugo mula sa ulo nito.

"Ngayon tignan natin ang laman ng puso mo!" Wika ni Shamir.

Pilit kong inabot ang punyal sa tabi ko. Napatayo ako sa aking narinig.

"Papatayin nya ang aking ina. Paano ko sya ililigtas? Ang itim na libro nasaan ito?" Natataranta kong tanong sa sarili ko.

Ipinasok ni Shamir ang kamay niya sa dibdib ng aking ina.

"Huwag! Itigil mo yan!" Sigaw ko.

"Huli ka na Maria!" Sagot nito.

Dinukot niya ang kaniyang kamay palabas sa katawan ng aking ina habang hawak ang puso nito. Inihagis nya sa aking harapan ang tumitibok na puso.
Napatulala ako sa aking nasaksihan at ngayon nasa harapan ko pa ang pusong ito.

"Ngayon ikaw naman!" Wika niya.

Sumugod siya sa akin upang hablutin ang aking leeg. Umilag ako at inindayog ang punyal sa kanyang leeg. Nahati ito sa kalahati at sumirit ang dugo ni Shamir.
Nagulat ako dahil ilang saglit lang ay nagdikit muli ang leeg nito.

"Di mo ako basta basta  matatalo."wika niya.

"Nasan ka nang libro ka?"paulit ulit kong bulong sa isip ko.

Hinawakan nya ako sa buhok at kinaladkad papunta sa nakahandusay na aking ina. Nang makita ko sya na wala ng buhay ay agad na tumulo ang aking luha. Hahawakan ko na ang kaniyang kamay nang may mapansin akong kakaiba. Nakaturo ito sa gawing paanan ni Alice na kanina pa walang malay. Doon ko napansin ang kakaibang hiwa sa pader sa gilid ng paa nito. Marahil ay nandoon ang libro. Tatakbo sana ako papunta doon ng hatakin nya ang aking buhok.

"Bakit di ka ba masaya sa muli ninyong pagkikita ng iyong ina?" Tanong nito habang nakangisi.

"Hayop ka!" Sigaw ko at agad kong iwinasiwas ang punyal sa kaniyang kamay.

"Aaaahhh"sigaw nito.

Nabitiwan nya ako at agad akong tumakbo sa paanan ni Alice. Hinatak ko ang kakaibang hugis na pader na nandun at nalaglag ang itim na libro.

Itinaas ko ang punyal upang saksakin at sirain ang libro.

"Subukan mong sirain yan ng balatan ko ng buhay ang kaibigan mo!" Sigaw ni Shamir.

Napatingala ako sa kanya. Hawak niya sa braso si Alice. Piniga niya ang braso nito na dahilan upang magising ito.

"Bitawan mo sya!" Sigaw ko. Tumayo ako na hawak ang itim na libro.

"Ibalik mo sa akin ang libro" sigaw nito.

Bumaon ang kuko nito sa braso ni Alice.

"Hindi!" Sagot ko.

Itinarak ko ang punyal sa libro. Umilaw ang punyal at ang butas sa libro.

"Aaaahhh" sigaw ni Shamir.

Nabitawan niya si Alice. May lumabas na liwanag sa kaniyang mukha.
Sunod sunod kong sinaksak ng nagliliwanag na punyal ang itim na libro kasabay nun ay nabubutas ang katawan ni Shamir at may liwanag na lumalabas sa katawan niya.

"Aaaaah itigil mo yan!" Sigaw ni Shamir.

Inilapag ko sa sahig ang libro at ubod lakas kong tinarak ito ng punyal na patuloy pa din sa pagliwanag. Tumagos ito hanggang sa kabilang balot ng libro. Nag apoy ang libro kaya binitiwan ko ang punyal na nakatarak pa rin dito.

MARIA (Book1) Complete✔ --editing--Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon