PART32

1.2K 39 5
                                    

"Ngayon nakaplano na ang lahat. Maghanda na kayo sa gagawing pagsalakay." Wika ni Gregor matapos na pag usapan ang mga plano.

Lumabas na ang lahat sa silid na iyon upang gawin ang mga nasa plano.
Naiwan ako at si Gregor.

"Kanina ko pa napapansin na tahimik ka?" May pag alala sa matang tanong ni Gregor.

"Marami lang akong iniisip." Sagot ko.

"Bakit di mo sabihin sa akin? Malay mo matulungan kita."

Lumakad siya papunta sa kinauupuan. Sa katabing bangko ko siya naupo.
Hinawakan niya ang kamay ko na nasa lamesa.

"Natatakot ako sa gagawin natin. Paano kung di ko sya matalo? Paano ko ililigtas ang ina ko at kaibigan? Paano kung ganun din gawin niya kagaya Kay tiya Nelya kila Alice? Ayoko na may mamatay pa dahil sa akin. Paano kung...?

Napahinto ako dahil bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Dun ko lang napansin na basa na ng luha ang pisngi ko. Umiiyak na pala ako habang nagsasalita. Pilit kong pinipigilan ang pagtulo nito ngunit di ko magawa. Hinahaplos niya ang aking buhok.

"Wag ka mag alala lagi ako nandito para protektahan ka. Hindi dahil sa yun ang posisyon ko. Poprotektahan kita dahil mahal kita. Ayokong nakikita na umiiyak ka."nakayakap habang hinahaplos ang buhok ko na sabi ni Gregor.

Tumingala ako upang tignan ang kaniyang mukha. Di ko alam kung ano ang sasabihin o gagawin ko. Ngayong alam ko na mahal nya din ako. Nakatitig lamang ako sa kaniya. Unti unti niyang inilalapit ang kaniya mukha sa akin. Bumibilis ang tibok ng puso ko na parang sasabog. Maraming nagliliparang mga paro paro sa akin tiyan. Napapikit ako sa sensasyong aking nararamdaman. Naghinang ang aming mga labi. Para akong nakukuryente sa hatid ng halik na iyon. Naghiwalay ang aming labi at tinitigan niya ako sa mata.

"Mahal kita Maria" malambing na wika niya.

"Mahal din kita Gregor"sagot ko.

Para akong nasa ulap. Lahat ng pangamba na nararamdaman ko ay napalitan ng pag asa dahil alam ko na may mga taong handang tumulong sa akin.
Ayoko na matapos pa ang mga sandaling iyon pero may mga tao ako na dapat iligtas.
Kumalas ako sa pagkakayakap nya kahit na mabigat sa kalooban ko.

"Ayoko man matapos ang magandang pangyayari ito sa buhay ko pero alam natin na may naka atang na mabigat na responsibilidad sa atin. Di ako lubusan magiging masaya hanggat di ko na ililigtas sila sa kamay ng walang pusong halimaw na iyon."paliwanag ko

"Naiintindihan ko." Sagot ni Gregor at hinalikan ako sa noo.

"Pagkatapos ng labanang ito syaka natin harapin ang ating nararamdaman."

"Oo Maria, lahat gagawin ko para sayo"

"Halika na sa labas at gawin natin ang nararapat"

Hinawakan nya ang kamay ko at sabay kaming lumabas ng silid na iyon.
Magkahawak kami ng kamay na naglalakad sa pasilyo ng palasyo.

"Ehem!"

Sabay kaming lumingon sa likuran upang tignan kung sino ang umubo na iyon. Si Edhar.

"Ikaw lang pala yan" wika ko.

"Parang may bago sa inyong dalawa ngayon" nakakunot noong sabi ni Edhar.

"Parang may di kami alam sa inyo. Parang may tinatago kayo" dugtong pa nito na nakangisi.

Napakunot ako ng noo sa sinasabi nito. Nagtataka ako.

"Ano bang sinasabi mong kolokoy ka? Wala naman nagbago sa amin ah!" Nagtataka kong tanong.

"Asus, wala daw. Eh bakit magkahawak pa kayo nang kamay kung mag lakad?" Nakangiting sabi nito.

Dun ko lang naalala na magkahinang ang aming kamay na tulad sa magkasintahan. Agad akong bumitiw Kay Gregor. Ramdam ko na nagiinit ang mga pisngi ko.

"Uyyy, namumula sya. Wag ka na mahiya. Alam ko naman na patay na Patay ka Kay utol."pang aasar ni Edhar

Napangiti lang si Gregor.

"Ikaw talaga Edhar. . .bwiset ka sa buhay ko. ." nang gigil na sabi ko.

Susuntukin ko na sana sya sa mukha pero mabilis itong tumakbo. Hinabol ko sya pero masyado sya mabilis kaya may na isip akong gawin. Itinaas ko ang aking kamay at tinapat sa tumatakbong si Edhar.

"Salam" usal ko.

Bigla itong huminto sa paghakbang. Ikinumpas ko ang aking kamay. Dahan dahan sya lumalapit pabalik sa akin ng nakatalikod.

"Akala mo di kita mahuhuli ah! Hahaha" Sabi ko sabay batok dito.

"Pakawalan mo ko. Di ko na uulitin pa." pakiusap nito.

Pinakawalan ko sya at nagtatakbong ito palayo.

"Magkasintahan na si Maria at Gregor. Ha ha ha" sigaw nito habang tumatawa ng makalayo na sa akin.

"Bwiset ka talaga. Madaya ka nauto mo ko!" Nanggigil kong sabi sa kanya.

Paulit ulit syang sumisigaw habang tumatakbo. Lahat ng dinaraanan namin ay napapatingin sa akin. Lalo tuloy namumula ang pisngi ko sa hiya.

"Humanda ka talaga sa akin pag naabutan kitang bwiset ka!" Nanggigil kong sigaw.

"Ha ha ha ha lumalaki na butas ng Ilong mo sa galit!" Balik na sigaw nito habang tumatawa.

"Bwiset ka talaga Edhar."

Bigla na lamang akong napangiti dahil naisip ko na kahit nasa mahirap na sitwasyon kami si Edhar ang nagpapagaan ng aming pakiramdam.

MARIA (Book1) Complete✔ --editing--Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon