PART22

1.3K 45 0
                                    

"Bago natin simulan ang pagsasanay sa iyong mental na lakas titignan ko muna ang mga natutunan mo." Wika ni Gregor.

Nasa gitna kami ng malawak na savanna. Kasama ang mandirigma sa palasyo at ang pinuno nitong si Michael. Si Edhar naman ay nakapaymewang sa isang gilid. Si Makio ay nakatayo sa tabi ni Edhar.
Nakatayo ako sa gitna sa  harapan nilang lahat.

"Galingan Tol! Ipakita mo malupet na tinuro ko sa iyo." Sigaw ni Edhar sa akin.

"Simulan na natin." Wika ni Gregor at kumumpas.

Isang mandirigma ang sumugod sa akin ng suntok at agad ko itong sinalag.
Sinipa ko ito ng ubod ng lakas na ikinatalsik nito pabalik sa mga kasama niya.

Muling kumumpas si Gregor.
Dalawang mandirigma ang sumugod sa akin.
Sinalag ko ang bawat sipa at suntok nila ng magkaroon ako ng tiyempo ay sinuntok ko sa mukha ang isa na ikinabaliktad nito.

Nagpalitan kami ng sipa at suntok ng natirang mandirigma. Nang makita kong bukas ang panga nito ay agad ko itong sinuntok ng ubod lakas. Bumaliktad ito at di na bumangon.

Sumugod muli ang isa pang mandirigma. Bago pa ito makalapit ay umikot ako at sinipa ko ito sa kaniyang leeg.
Tumumba din ito at di na muling nakatayo.
Hinihingal ako pero alam kong kaya ko pa.
Kumumpas muli ang kamay ni Gregor.

Hindi na isa o dalawa lang ang sumusugod sa akin. Higit pa sa sampu ang mga ito.

"Gusto ba ko lamugin ni Gregor?" Tanong ko sa sarili ko.

"Kakayanin ko kayo." Sigaw ko habang sinasalubong ko sila.

Sipa at suntok ang sinalubong ko sa kanila. Ang iba naman ay inilagan ko ang mga suntok at sipa.
Nang magkadistansya ako sa kanila ay tinignan ko sila. Nakahandusay pa ang mga tinamaan ko at may anim pa na nakatayo. Muli ay sumugod sila ng sabay sabay.

"Aah" sigaw ko.

Iniwasan ko ang unang nakarating sa akin.
Sinuntok at sinipa ang pangalawang nakasalubong ko.
Iniwasan ko ang pangatlo ngunit tinamaan ako ng suntok niyon na ikinatalsik ko.
Agad akong bumangon dahil pasugod na ang isa sa kanila.

Muli akong umikot at sinipa ko siya sa beywang na ikinapilipit niya.
Apat na lang ang natitira.
Ako naman ang sumugod sa isa sa kanila.
Agad ko itong sinutok ko ito sa tiyan pagkatapos ay sinangga ko ang sipa ng sumugod sa akin.
Nagpalitan kami ng suntok. Tinatamaan ako ngunit di ko ininda ang aking nararamdaman. Hanggang sa nakita ko ang mahinang dipensa nya. Mabilis ako pumunta sa likuran niya at sinipa ko ng ubod lakas ang balakang niya. Tumumba siya paharap at tulad ng nauna ay namilipit ito sa sakit.
Habol hininga na ako ng muling humarap sa dalawa pang natitira kong katunggali.

"Tapusin na natin ito." Wika ko.

Sumugod ako sa pagitan ng dalawa kong kalaban.
Tumayo ako sa likuran ng isa at sinipa ko ito ng ubod lakas. Humampas ito sa kasamahan nitong nakahandusay.
Nagpalitan kami ng suntok at sipa. Tinamaan ako nito sa hita na ikinaluhod ko. Sinangga ko ang suntok na galing dito. Mabilis akong tumayo at ginantihan ko ito ng suntok. Tinamaan ko ang gitnang bahagi ng dibdib nito. Habol hininga itong umatras palayo sa akin.

"Tama na tapos na ang labanang ito. Magaling ang ginawa mo Maria." Wika ni Gregor habang pumapalakpak.

Napaluhod ako sa sobrang pagod.
Lahat sila ay pumalakpak sa akin.

"Magpahinga ka na at sa susunod naman natin susubukin ang tinuro sa iyo ni Makio." Wika nito at inalalayan ako sa pagtayo.

"Paano ba yan nanalo ako sa pustahan" wika ni Edhar kay Makio.

"Anong pustahan?" Tanong ko.

"Nagpustahan kami kung sino ang mananalo. Ang galing talaga ng panabong ko." Sagot ni Edhar habang nakangiti.

"Ginawa mo pa akong manok. Bwiset ka."wika ko Kay Edhar.

"At ikaw naman Makio. Bakit mo pinatulan yan. Eh siraulo pa yan sa siraulo."wika ko kay Makio habang nakangiti.
Nagtawanan ang lahat.

"Halika na sa silid mo at magpahinga ka na."wika ni Gregor.

Nagsimula na akong maglakad pabalik sa palasyo habang inaalalayan ako ni Gregor.

"Kayo na sweet." Sigaw ni Edhar ng makalayo na kami.

" bwiseeet" sigaw ko.

"Ha ha ha" malakas na tawa ni Edhar.

MARIA (Book1) Complete✔ --editing--Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon