PART25

1.2K 44 0
                                    

"Pinapatawag nyo daw po kami." Bungad ni Gregor ng makarating kami kay Tandang Luzila.

"Oo Gregor" sagot naman ni Tandang Luzila.

"Bakit po?" Tanong ko.

"Nahanap ko na ang susi kung paano mo matatalo ang halimaw."nagniningning ang mga matang sagot ni Tandang Luzila.

"Talaga ho?" Tanong ko.

"Ou, dahil ang kahinaan niya ay ang itim na libro na nasa pakamay niya. Kasabay ng pagpatay niya sa kaniyang kapatid na si reyna Ehra ay tuluyan nang nakuha ng libro ang kaniyang kaluluwa."paliwanag ni Tandang Luzila.

"Paano po yun? Eh sigurado na iniingatan niya na mabuti ang libro."nag aalalang wika ko.

"Wag ka mag alala dahil pinakita sa salamin na nasa tuktok ng tore niya ang libro. Hangga't buo ang libro ay di siya magagapi."wika ni Tandang Luzila.

"Mabuti at nalaman na natin ang kahinaan niya." Wika ni Gregor.

"Tama ka Gregor at kaya ko kayo pinapunta dito dahil may importante akong gustong sabihin sa ito Maria." Malungkot na salaysay ni Tandang Luzila.

"Ano ho iyon Tandang Luzila?" Tanong ko.

"Kanina pagkatapos ipakita sa salamin ang itim na libro ay ipinakita nito ang dalawang rehas na gawa sa bakal. Ang isa na nasa loob ay ang iyong kaibigan. Ang isa naman ay ang iyong ina na nakagapos ang mga kamay at paa."malungkot na sagot ni Tandang Luzila.

"Ano ho yun? Paki ulit nga po? Ang aking ina ay buhay?" Nalilito at naguguluhan kong tanong.

"Tama ang iyong narinig. Buhay ang iyong ina. Mali ang impormasyon na dumating sa amin. Itinago pala siya ni Shamir."sagot niya.

"Pero bakit?" Nagtatakang tanong ko.

"Sa tingin ko gagamitin niya itong panlaban sa iyo." Sagot ni Gregor.

"Ang hayop na halimaw na iyon." Nagngangalit kong sabi habang nakatitig sa bote na may lamang likido.

Biglang sumabog ang bote at nagkalat ang bubog nito sa pinaglalagyang kabinet.
Huli na ng mapagtanto ko ang aking ginawa.
Nanatili namang tahimik ang dalawa habang titig na titig sila sa akin.

"Paumanhin pero babalik na muna ako sa aking kwarto. Masyado na akong napagod sa pagsasanay namin ni Gregor."paalam ko sa kanila.

Nanatili silang nakatitig sa akin kaya tumayo na ako at tahimik na lumabas ng silid na iyon.
Nagtungo ako sa aking kwarto at agad na nahiga sa aking kama.

"Maghintay ka Shamir. Konting panahon na lang babawiin ko na sayo ang aking ina at kaibigan. Ipaghihiganti ko ang pagpatay mo para lamang sa kapangyarihan. Lahat ay gagawin ko upang tapusin na ang iyong kahangalan." Bulong ko sa sarili ko.

Naramdaman ko na lang na kusang umaagos ang masaganang luha mula sa aking mata. Sinubsob ko ang aking mukha upang muli ay itago ang aking pag iyak. Ayoko na makita na mahina ako.
Ilang sandali lang ay may kumatok sa pinto.

"Sino yan?" Pilit kong tinatagan ang tinig ko.

"Ako ito si Gregor." Sagot sa ng nasa kabilang panig ng pinto.

Pinunasan ko ang aking mukha at pilit na inayos ang aking sarili. Tumayo ako at binuksan ang pintuan.

"Halika pumasok ka"paanyaya ko.

Naupo kami sa kama ko. Tahimik siya na nakatitig sa akin. Naiilang ako sa ginagawa niya kaya tinitigan ko na lamang ang aking mga kamay na nakapatong sa aking hita.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong ni Gregor.

"Hindi ako umiiyak." Tanggi ko.

"Alam ko na umiyak ka dahil namumugto pa ang iyong mga mata." Paniniguradong wika nito.

Tumingin ako sa kanya at di ko na napigilan pa ang aking sarili. Sinubsob ko ang aking mukha sa kanyang dibdib at duon ko inilabas ang lahat ng pighati ko. Umiyak ako sa kanya at niyakap niya ako ng mahigpit.
Ilang minuto din kaming nanatili sa ganoong ayos.
Nang naramdaman ko maayos na ang aking pakiramdam ay agad akong umayos ng pagkakaupo.

"Ngayon pwede mo na ba sagutin ang tanong ko kung bakit ka umiiyak?" Tanong ni Gregor ng may pag aalala.

Yumuko ako dahil di ko matagalan ang pagtitig niya sa akin.

"Nasasaktan ako sa lahat ng mga nangyari sa aking buhay. Hanggang ngayon ay gabi gabi pa rin akong dinadalaw sa panaginip ng malagim na kaganapang iyon." Paliwanag ko.

"Bakit di mo sinasabi sa amin?"

"Dahil ayokong makita nyo na hanggang ngayon ay may takot pa rin akong nararamdaman sa puso ko." Malungkot kong wika.

Hinawakan nya ako sa aking baba at inangat niya ang aking mukha. Iniharap niya ang aking mukha sa kaniyang mukha. Nakita ko sa mata niya ang sinaseridad.

"Wag ka mag alala. Pangako di ko hahayaan na may mangyaring masama sa iyo kahit na ang kapalit nito ay ang sarili ko pang buhay." Sabi ni Gregor na nakatitig sa aking mata.

Hinaplos niya ang aking mukha at niyakap niya ako ng mahigpit.

MARIA (Book1) Complete✔ --editing--Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon