PART24

1.2K 38 6
                                    

"Saan tayo ngayon papunta,Gregor?" tanong ko habang naglalakad kami sa isa sa mga pasilyo ng palasyo.

"Isa sa mga silid dito ang gagamitin natin para sa gagawin kong pagsasanay sa iyo" sagot ni Gregor.

Huminto kami sa isang pinto. Pumasok kami dito.
Walang kahit na ano mang gamit ang nandito maliban sa dalawang tela na nakalatag ng magkatapat sa sahig.
Umupo siya sa isa sa mga telang nasa gitna ng kwartong iyon.

"Halika maupo ka." Paanyaya niya.

Naupo ako sa katapat na telang inupuan niya.
Nakaupo kami pareho ng naka Indian seat.

"Ipikit mo ang iyong mata. Damhin mo ang aura na umiikot sa buo mong katawan. Pagnaramdaman mo na nabibilot ka ng sarili mong aura ispin mo na isa kang ibon na lumilipad sa himpapawid." Malumanay nya na paliwanag sa akin.

Tahimik lang akong nakikinig sa kaniya.

"Panoorin mo muna ako"dugtong pa nito.

Ipinikit ni Gregor ang kanyang mata. Katahimikan ang bumalot sa silid na iyon.
Nakatitig lamang ako sa kanya ngunit bumibilis ang tibok ng puso.

"Hindi ito ang tamang oras para kumerengkeng ka." Bulong ko sa sarili ko at muli ay binalik ko ang konsentrasyon sa aming ginagawa.

Ilang sandali lang ay tila ba may mahinang ilaw na nagmumula sa kanyang buong katawan na umiikot.
Uunti siyang umaangat sa kaniyang kinauupuan na ikinagulat ko.
Nanlalaki ang mata ko dahil patuloy pa rin siya sa pag taas. Huminto siya ng konti na lang ay mauuntog na siya sa kisame.
Dinilat niya ang kaniyang mata at tumayo siya na nanatili pa rin na nakalutang sa ere.
Tumingin siya sa akin.

"Ngayon ikaw naman ang gumawa."wika niya.

Ipinikit ko ang aking mata. Pinilit ko damhin ang aura sa buo kong katawan ng maramdan ko na parang tumaas ng kaunti ang aking temperatura. Inisip ko na ako ay isang ibon na malayang lumilipad. Naramdaman ko na unti unting umaangat ang katawan ko mula sa sahig.

Blag!

"Aray ko po!" Impit na hiyaw ko ng tumama ang puwet ko sa sahig.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Gregor na ngayon ay naka upo na ulit.

"Bakit ako bumagsak?" Nagtataka kong tanong.

"Kailangan makontrol mo ang aura na iyon gamit ang iyong isip. Para makontrol mo ang sarili mo na manatili sa paglutang. Para sa isang  baguhan maganda ang  ipinakita mo. Kailangang ulit-ulitin mo iyan hanggang sa magawa mo." Sagot ni Gregor.

Muli akong bumalik sa puwesto ko at inulit ko ang ginawa ko kanina.
Araw araw ay paulit-ulit kong ginagawa iyon.
Ilang buwan ang inilaan ko para matutunan iyon. Hindi lang ang tinuturo nya ang natutunan ko dahil kasabay niyon ay may ibang natutunan ang puso ko. Sa araw araw na dalawa lang kaming magkasama sa silid na iyon ay parang ayoko nang matapos pa ang mga araw na iyon.

"Ngayon sabay na natin gawin." Wika ni Gregor.

Sabay kaming pumikit. Saglit lang ay lumulutang na kami sa ere. Dinilat ko ang aking mata at napatingin ako sa kanyang mukha. Nararamdaman ko na bumilis ulit ang tibok ng puso ko.
Idinalat nya na rin ang kanyang mata at tumitig din siya sa akin. Ngayon ay nakatitig kami sa isa't isa, mata sa mata. Lalong bumibilis ang tibok ng puso ko ng papalapit na siya ng papalapit sa akin hanggang maramdaman ko na ang hininga niya sa aking mukha. Nanatili pa rin kaming nakalutang sa ere. Napapikit ako dahil di ko malaman ang aking gagawin ng kabigin niya ako sa may beywang. Parang nagkaroon naman ng sariling buhay ang kamay ko na humaplos ang kanang kamay ko sa buhok niya at ang kaliwa naman ay nakahawak sa batok niya. Mas lalo pa niyang inilapit ang kanyang mukha sa aking mukha. Konti na lang at maglalapat na ang aming mga labi ng biglang bumukas ang pinto.

Blag!

Sabay kaming nahulog.
Sabay din kaming tumingin sa pinto upang tignan kung sino ito.
Tinitigan kong masama ang pumasok ng makilala ko kung sino ito,si Edhar.

"Di ka ba marunong kumatok?" Singhal ko dito.

"Kumatok ako kaya lang masyado kayo seryoso sa pinag aaralan nyo. Pwede bang umayos kayo bago nyo ako kausapin" nakangising wika ni Edhar.

Doon ko lang napansin ang ayos namin ni Gregor. Nasa ibabaw nya ako habang si Gregor naman ay nakahiga sa ilalim ko. Magkalapit ang mukha naming dalawa. Ganito ang naging ayos namin matapos kaming mahulog ng mawala ang konsentrasyon namin. Agad akong bumangon at umupo.

"Ha ha ha"tawa ni Edhar.

Naramdaman kong namula ang buo kong mukha.
Umayos na din ng upo si Gregor.

"Tumigil ka nga Edhar." Sigaw ni Gregor.

Agad naman na sumeryoso ang mukha nito.

"Bakit ka ba andito?"tanong ni Gregor

"Pinapatawag kayo ni Tandang Luzila."sagot ni Edhar.

Tumayo kami at agad na nagtungo sa silid ng mahika.

MARIA (Book1) Complete✔ --editing--Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon