PART26

1.2K 40 0
                                    

"May dalawang buwan pa tayo upang magsanay bago natin puntahan ang babaylan." Wika ni Gregor sa akin nang makapasok ako sa silid na aming ginagamit sa pagsasanay.

"Kailangan mo na matutunan ang pinakamahirap na bahagi ng pagsasanay. Ito ay pagkontrol ng bagay o kahit na ng katawan gamit ang iyong isip."dugtong pa nito at naupo kami ng magkaharap.

"Mukhang mahirap yan ah." Nakakunot na noo kong sabi.

"Oo kaya simulan na muna natin sa mga bagay. Lahat ng bagay, hayop, o tao ay may taglay na aura. Magsimula muna tayo sa bagay."

Tumango lang ako bilang pagsang ayon.

"Nakikita mo ba ang dalawang tubo sa sulok na iyon" wika niya sabay turo sa isang sulok ng silid na iyon.

Lumingon ako sa bahagi ng kwartong kanyang tinuturo. Nakita ko ang dalawang piraso ng bakal.

"Kailangan makita mo ang aura na mayroon ito at idugtong mo ang sarili mong aura. Usalin mo ang salitang 'SALAM' para iyong isang tali na magkokontrol dito." Paliwanag niya.

Itinaas ni Gregor ang kaniyang kamay sa tapat ng tubo.

"SALAM"usual ni Gregor.

Lumutang ang isa dito. Kinumpas ni Gregor ang kaniyang kamay kasabay niyon ay tila may buhay ang bakal dahil sumasabay ito sa galaw ng kamay ni Gregor. Huminto siya sa pagkumpas at isinara niya ang kaniyang kamay
Kusang nagkapalipalipit ang bakal.
Bigla ko tuloy naalala si Tiya Nelya kaya napapikit ako ng madiin.
Narinig ako ang tunog ng bakal na nalaglag na nakapagpadilat sa akin.

"Bakit nakapikit ka?" Tanong ni Gregor.

"Naalala ko lang ang ginawa ni Shamir sa Tiya Nelya ko." Sagot ko.

"Ahh ganun ba, kailangan mong gawin ito ng makumpleto na ang pagsasanay mo." Wika nito.

"Naiintindihan ko." Wika ko.

Tumingin ako sa isa pang  bakal na nandun.
Itinapat ko ang aking kamay dito. Inisip ko na isang tali ang aura na iyon.

"SALAM" usal ko ng maramdaman ko ang koneksyon ko sa bakal.

Ikinumpas ko ang kamay ko paitaas. Lumutang ang bakal. Ikinumpas ko pakaliwa at pakanan ang aking kamay ngunit nanatili lamang na nakalutang sa ere ang ang bakal.
Napakunot ang noo ko.

"Matinding konsentrasyon para magawa mong pasunurin ang bakal." Sabi ni Gregor ng mapansin ang pagtataka ko.

Tumango lamang ako.

"Mas mahirap pag may buhay na ang kokontrolin mo dahil kakayahan na itong gumalaw sa paraang gusto nito." Dugtong pa ni Gregor.

Bumagsak sa sahig ang bakal. Paulit ulit ko itong ginawa.
Ilang araw lang naman natutunan ko iyon.

"Ngayon dito na kaya mo nang kontrolin ang mga bagay dumako na tayo sa mga may buhay."wika ni Gregor.

Dito naman kami sa labas ng palasyo nagsanay.
Sa may tabi ng talon.
May mga hayop dito na umiinom ng tubig sa gilid ng talon. May mga isda din na lumalangoy dito.

"Paano yun eh gumagalaw sila?" Nagtatakang tanong ko.

"Kailangan mabilis mo maikonekta ang aura mo sa kanya bago pa siya muling makagalaw." Paliwanag ni Gregor.

"Panoorin mo ang gagawin ko." Dugtong pa nito.

Itinapat niya ang kaniyang kamay sa isdang tumalon sa tubig.

"SALAM" mabilis niyang usal.

Imbis na malaglag sa tubig ay tumigil sa ere ang isda. Napamangha ako dahil napakabilis niya. Ikinumpas niya ang kaniyang kamay kasabay nun ay bumagsak ang isda sa tubig at muli na itong lumangoy palayo sa amin.

"Ikaw naman."wika niya pagkatapos.

"Ang bilis naman nun. Makakaya ko ba yun?" Nag aalangan na tanong ko.

"Oo kakayanin mo yan. Kailangan mo lang ng ensayo."sagot niya.

"Susubukan ko."

Itinapat ko sa isda na lumalangoy na malapit sa amin. Inihanda ko na ang aura na ikokonekta ko dito. Tumalon ito mula sa tubig.

"SALAM" mabilis na wika ko.

Walang nangyari dahil bumagsak lamang sa tubig ang isda at multi lang itong lumangoy.

"Paulit ulit mo lang na gawin iyan hanggang sa matutunan mo."wika ni Gregor.

Tumango ako at nagsimula muli ako.

"Siya nga pala Maria may naalala akong itanong sa iyo."wika ni Gregor.

"Ano yun?" Tanong ko at humarap ako sa kanya.

"Yung nangyari sa silid ni Tandang Luzila. Mukhang iyon ang iyong espesyal na kapangyarihan."

"Sa totoo lang di ko alam kung paano ko nagawa iyon." Sagot ko.

"Mabuti pa ay wag mo na lang pansinin ang sinabi ko. Ibuhos mo na lang muna ang atensyon mo sa pagsasanay."

"Ahnm OK."

Muli kong binalik ang atensyon ko sa aking ginagawa.

MARIA (Book1) Complete✔ --editing--Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon