Chapter 11: Revelations

146 21 19
                                    

Chapter 11: Revelations

Heaven Jean Castillejo's Point of View

Yung feeling na pinepressure ka masyado ng parents mo at pilit na gusto mong mag-enjoy na lang sa kabila nito.

0.0

Isa pa! Yung feeling na pati ikaw, apektado sa mga nangyayari sa section mo. Eh, siyempre, namatayan kami ng dalawa, alam mo naman hindi ako maapektuhan. Unless na katulad ako ni Zen Castaño na walang nakakaalam sa pinagdadaanan niya na mukhang sanay na siya sa mga ganitong may namamatay. Still, nakakalungkot yung nangyari kina Knowell at Faithlyn.

-_-

I wonder kung ano ang dahilan ito. Aling teoriya ang dapat kong kapitan? Yung killer na buhay? Yung paranormal na events, na magsasabing haunted ang school namin, kaya ganun, ang mga multo ang pumapatay? O kaya naman..nagpakamatay lamang yung dalawa?

Ugh..

:/

At isa na lang! Yung feeling na may kaaway ka sa mga layuning dapat mong kamitin, at siya pala ay nagiging bukod pa roon para sa iyo. Hihihihi.

^_^

Juan Samuel W. Ausan. Siya ang pinakamatalino sa buong klase, at pumapangalawa lang ako. Dikit kami sa grades at pinipilit ako mga magulang ko na taasan siya kahit hindi ko naman kaya.

Agh..

-_-

Pero, teka! Kakabanggit ko lang na may kalaban akong bukod na pala sa kalaban para sa akin! Siya yun. Si Samuel yun! Bakit? Kasi, na-develop na rin ako, nagkaroon ako ng crush sa kanya. Pero, crush lang naman. Wala nang makakahigit doon. Bawal pa ako ng girlfriend. Naku, bugbog-sarado ako kay papa kapag nalaman niyang kay boyfriend na ako at yung buhok ko gulo gulo na sa mga pagsasabunot ni mama. Saka, studies muna dapat! Pabayaan mo na ang #AJYuri, #NoeChi, #SandMich at siyempre ang #HaVin sa mga relasyon nila. Dati pa ako nagkaka-crush sa kanya, actually, ngunit magiging malakas na ba loob ko para sabihin ito sa kanya?

EWAN.

O.O

Nakita ko, si Chachi, maaga rin. Nakapila siya sa Canteen 1, may binibili, ngunit nagkaroon ng poblema.

NAKULANGAN SIYA NG PERA. Ugh..

0.0

Pero dumating naman si Thirteen. UH-OH. ALERT, ALERT, ALERT! AGENT 4A, nandiyan ka na ba? Kailangan ka ni Noel! Paano na ang #NoeChi? Biggest fan and shipper ako, kaya inspiration ko yan pagdating sa love life, haha.

"OMG. Kulang pala pera ko sa almusal ko. Ang iba ay para sa lunch ko na mamaya, eh. Okay lang siguro kung nakapag-almusal na ako kanina, eh..panget kasi yung naluto." reaksyon niya, habang hinahalungkat pitaka niya.

"Chachi! Chachi!" tinawag siya ni Thirteen.

Lumingon naman si Chachi at tila nadismaya nang malaman niyang si Thirteen ang tumatawag sa kanya.

Hindi na lang niya pinansin.

"Haiisstt..like what babe Noel said..ignore the guy."

"Chachi! Chachi! Pansinin mo naman na ako, o! Tutulungan na nga kita, eh! Ito, 20 pesos para sa iyo! Para makabili ka na without worrying na mauubusan ka para mamayang lunch!" sabi ni Thirteen.

"Ah, no thanks. Bibigyan naman na ako ni Noel mamaya, kung kukulangin ako. Kung hindi man si Noel, pwedeng isa sa iba pa naming friends tulad nina AJ, Yuri, KJ, Chantellia at Axle." ang tugon naman ni Chachi rito.

Hehehehe. Ang sarap talagang asarin si Thirteen ng "REJECTED" ngayon!!!

:P

"Sige na, tanggapin mo na. Tulong na rin yan kay Noel. Gagamit pa talaga siya ng pera? Sige na, para di na kayong lovebirds mahirapan. Kaaway ko si Noel, pero pilit na sinusubukan kong maging mabait sa kanya. Sige na..para naman makabawi ako kay Noel. Ayoko na talaga ng away sa kanya. Dapat, kahit kaaway mo, tinutulungan mo pa rin at mabait ka sa kanya." pinilit talaga ni Thirteen.

Periodical Death Exam 2: HAUNTED Where stories live. Discover now