Chapter 37: Camping without AJ, Part 4
Aileen Grace "Aila" Hancher's Point of View
Nagising na ako. Umaga na.
Pangalawang araw ng camping namin.
So far, masasabi kong hindi naging maganda ang gabi kagabi dahil sa atake ng mga multo, pero ako mismo, inspired kay 4A. Hinarap niya ang takot niya, at nailigtas ang iba, lalong lalo na si Raffy, my ice cream cake.
Kami mismo, natuto mula kay 4A na maging matapang sa larong hawak ng Mauleon Brothers sa amin. At nakakatuwa rin, may third eye pala all along si 4A. Napatay man si Anna, subalit ang kamatayan niya ay ang naging susi upang maging aktibo naman muli ang third eye ni 4A at maging matapang na siya.
Lumabas na ako ng tent ko. Tumingin-tingin ako sa paligid ko. Nakita kong gising na sina Axle, Dana, KJ, Jerome, V, Yuri, Samuel, Heaven at Chantellia. Pati pala ang mga guro at mga tour guide, gising na rin. Yung driver, ewan ko kung nasaan.
Nakita ko ang katabing tent, ang tent ni Raffy, walang tao rito. Nasaan na siya?
Naglakad pa ako upang subukan siyang hanapin, hanggang sa maramdaman kong may sumusunod sa akin.
Lumingon ako, hanggang sa makita ko, isang matangkad na lalaking nakasuot ng maskara at cloak, naka-hood. Mga 5'8 siguro ang height niya. Mukhang hindi niya ipinapahalata ang multo niyang katawan masyado, at nakatulong ang mahabang cloak niya.
"AWOOO.....ako si Victarion Mauleon. Tatapusin ko na ang hindi ko natapos kagabi. Tatapusin na natin ang hindi namin natapos ni Vincent kagabi. NGAYONG CAMPING NA. MWAHAHAHAHA!" sabi niya sa isang nakakatakot ngunit parang iniibang boses.
Nagulat at natakot ako rito. Never ko talaga nakita in person yung Victarion, o narinig man lang ang boses. Ganon din kay Sir Vincent Mauleon, pero narinig ko na ang boses niya.
Ngunit naalala ko yung sinabi ni 4A. Naging matapang ako at nilabas naman ang rosaryo ko. Tinapat ko ito sa kanya.
Tinagalan ko ito sa kanya at hindi pa siya nasusunog o natatakot.
Kinapa ko ang kabilang bulsa at napagtanto ko na naroroon lang pala ang bote ng holy water na dinadala ko na rin bilang self-defense sa mga multo. Ganon din naman silang lahat, eh.
Tinama ko ito ng tinama kay Victarion habang lumalayo, ngunit wala pa ring nangyayari, palapit lang siya ng palapit.
"Maghanda ka na, Aileen Grace. May matatanggap ka na rin sa akin ngayon." sabi niya at lumapit pa sa akin.
"LUMAYO KA!!! LUMAYO KA!!! TULONG!!! TULUNGAN NIYO AKO, SI VICTARION!!!" sigaw ko.
Lumingon naman sila, ngunit hindi nila ako pinansin. Ang karamihan ay natawa lamang. Ang iba naman, tumingin lang talaga at nagbalik na sa mga gawain nila.
Nakakainis na itong mga ito! May etok na ba sila? Tatawanan lang ako at hindi ako papansinin? 4A, gumising ka nga, baka hindi nila nakikita!
Nakadikit na sa akin si Victarion. Hinila niya ako sa kamay.
"BITAWAN MO AKO!!! BITAWAN MO AKO!!!" sigaw ko at sinuntok-suntok siya, pero hindi gumagana, masyado siyang mas malakas kaysa sa akin.
Dinikit niya ang mukha ko sa kanya. Buwiset, ano ito? Hahalikan ko? Yuck. Multong kriminal na mas matanda sa akin at walang itsura, hindi katulad ni Raffy!
Tinanggal niya ang maskara niya at hinalikan agad ako, kaya hindi ko nakita talaga ang mukha niya. Basta, parang gwapo ata. WOW. GWAPO SI VICTARION? AY WEH?
Pinilit kong tanggalin ang mukha niya sa mukha ko habang hinahalikan niya ako, ngunit lalo niyang hinigpitan, hanggang sa matumba kaming naghahalikan.

YOU ARE READING
Periodical Death Exam 2: HAUNTED
HorrorAfter surviving a horrific death game plotted by a killer, where their classmates are killed, AJ and his remaining friends carry on and adjust to a new environment with new classmates. However, they soon discover that they are haunted by mysterious...