Chapter 38: Ang pagbukas sa mga nakatagong bagay

152 14 35
                                    

Chapter 38: Ang pagbukas sa mga nakatagong bagay

Vince "V" Kim's Point of View

Nalaman namin noong halos hating-gabi nang pangalawang araw ng aming camping na patay na talaga sina Dana at Axle pagkatapos ng ilang oras nilang pagkawala. Akala namin sa una, nanatili lang sila sa cottage at humiwalay sa amin, ngunit pinatay na pala sila. Naisip namin na baka si Victarion ang pumatay, o si Vincent Mauleon mismo, ngunit nahulaan ni Samuel ang mga pumatay. SINA WENDELL AT ALEXANDRA. Bakit? Noong narating namin ang lawang kinamatayan nila, nakita naming parang nagkaroon ng tsunami, abot sa buong lugar ng maliit na kagubatan sa kaliwa bago ang lawa. Nakita naming lumulutang ang mga sombrero nina cowboy Axle at Dana na rin. Sa ilalim naman ng bahaging napakalalim sa lawa, sa bandang eight feet, nakalubog ang mga bangkay nina Dana at Axle. Maraming nakasaksak na mga bote ng alak sa iba't ibang bahagi ng katawan ni Dana, samantala si Axle ay wala namang sugat, ngunit mukhang nalunod.

Alalang-alala ko pa ang eksaktong sinabing teoriya ni Samuel:

"Ganito yan. Di ba, si Alexandra Buenavantura tapos Wendell Husmillo ang naunang mga biniktima sa 10-Asia bago kay Freddy Fernandez? Okay, tumango ang limang mga old students. Edi sila ang pumatay. Isipin niyo. May mga kapangyarihan na yung mga multo, di ba? Base sa kinamatay nila? Sa pagkakaalam ko, si Alexandra, yung pinsan ni Ashley, namatay habang naglalasing ng alak at naging hadlang ito sa kaligtasan niya, kaya yun ay ang naging sandata niya bilang enhanced ghost killer. Tignan niyo ang bangkay ni Dana, nasaksak ng maraming mga bote, di ba? Si Wendell naman..isang napakahusay na swimmer..pinatay sa swimming pool. Kapangyarihan niya na yun, kaya parang may tsunami na talaga, siguro sa pag-atake niya at nilunod niya si Axle. Saka di ba, lovebirds yung dalawang yun? O, tumango yung limang old students. Lovebirds din ang #DaXle, kaya saktong sakto sila rito. Pati pala itong pattern na napansin ko. Single-lovebirds killings. Zen, single, unang biktima. Pangalawa't pangatlo, yung #HaVin, lovebirds. Pang-apat, Myla, single. Pang-lima't pang-anim, #GeriDrei, lovebirds. Pang-pito si Anna, single. Pang-walo't pang-siyam, ang #DaXle, lovebirds na lovebirds. So..yeah. Yun."

-Juan Samuel Wong Ausan, 11-Asia's smartest student (TOP 1)

Grabe ang lungkot namin dito. Ngunit ako, masayang masaya talaga. Hehe. Bakit? Alalanin ko nga ulit ang hindi malilimutang pangyayari na ito.

**Flashback**

Noong umaga ng pangatlong araw ng camping namin...

Pagkagising ko, naisipan kong umihi muna. Nakita ko sa tent ni Yuri, wala siya, at hindi ko siya makita sa paligid. Baka nasa cottage room namin. Nakita ko ang iba, mukhang nalulungkot pa rin. Pati sina KJ at Jerome.

Nakita kong umiiyak na si KJ. Wow. Bihira ito. Seryoso. Tinatahan naman siya ni Jerome.

"Isa si Axle sa mga pinakauna kong mga kaibigan. Noong Grade 1 siya at transferee siya..kami ni ROFL ang naging una niyang mga kaibigan. Lagi niya ako tinutulungan na makapasa sa mga grades ko. Ngayon, wala na rin siya." sabi ni KJ.

"Nakasama na natin ng matagal si Axle. Isa siyang mabuting tao. Masarap din siyang kasama at isa ring mabait na matalinong estudyante. Sinubukan niyang lumaban para mapatigil ang Mauleon Brothers kasama natin ngayon at para sa inyo, last school year pa. Mahirap talagang maka-move on dito tungkol kay Axle. Isa siya sa mga old students natin. Ngayon, anim na lang kayo." sabi naman ni Jerome na naiiyak na rin.

Oo nga, noh. Anim na lang sila from 10-Asia. Ito ang roaster:

1. Antonio Jonathan Duhaylungsod Magnifico (ALIVE)

2. Yuri Arissa Medalla Sandoval (ALIVE)

3. Noel Logronio Abear (ALIVE)

4. Charity Faith Irinco Montgomery (ALIVE)

Periodical Death Exam 2: HAUNTED Where stories live. Discover now