Chapter 31: Outbound, Part 1
Andrei Perez's Point of View
Marami talagang nangyari noong Christmas Party. Puro kasoyahan, maliban sa pagkawala ni Myla na biglaan at hindi mapaliwanag. Naniniwala kami sa maganda't matalinong teoriya ni Samuel upang mapaliwanag ito, ngunit wala pa rin itong kasiguruhan. Wala kasing nakonpirmang multo na nakita si Anna, o napanaginipan si AJ. Saka, hindi masyado mukhang haunted kasi yung murder, nangyari sa harapan naming lahat na parang aksidente lang at medyo tricky talaga.
Pero pagkatapos nun, a bit relieved na kami. Christmas Vacation. Nagkanya-kanya muna kami. Tama iyon. Oras muna para sa pamilya. Yung iba, hangouts hangouts. Kasama na ako roon. Hihihi. Kasama kami ng best friend kong si Raffy doon. Nagkaroon kami ng mga sleepover at lakwatsiya sa mga lugar sa labas, tulad ng mall. Ganon din sa girlfriend kong si Gerica. Naku. Sino ba ang dapat mong mas priyoridad; ang girlfriend mo, o ang best friend mo?
By the way. Speaking of which, nalaman na rin namin ang napakaspesyal at napakagandang regalo ni Yuri kay AJ na hindi namin nalaman noong mismong Christmas Party.Isa itong scrapbook. Simple, pero kakaiba at malambing. Nasa loob ng scrapbook ang mga litrato nina AJ at Yuri simula pa noong batang bata pa sila, kung saan naroroon na ang pagtatandem ng dalawa bilang presidente at bise ng mga klase nila. Makikita rin sa scrapbook ang litrato ni AJ kasama ang mga kaibigan niya simula pa nung Nursery sila. Pinakamaraming larawan siya roon kay Blake De Villa, ang orihinal na best friend ni AJ since Nursery pa na naging biktima rin ni Sir Vincent Mauleon sa naunang patayan nilang naranasan. Marami pang mga dating kaibigan na mula rin sa 10-Asia last school year ang makikita roon, kasama niya, tulad nina KJ na kasama pa ang orihinal na Jerome niya na si ROFL Losada, tapos si Chantellia, si Axle, si Leofan Nilalang, si Noel na kasama pa ang kakambal niyang si Joel saka si Chachi na kasama pa ang kakambal naman niyang si LJ. Kasama rin yung nabiktima ring anak ng mga may-ari ng paaralan, si Daphne Lopez. Pati nga yung mga siga nila sina Bruce o BOY Yamamoto at Wendell Husmillo. Kasama rin si Alexandra Buenavantura, ang pinsan ni Ashley, si Sophia, ang pinsan ni Jerome at siyempre, ang ngayon lang na yugtong patayan na nabiktima, si Faithlyn na ibang iba pa dati, weirdo na weirdo pa noon bago magbago na last year lang. Marami pang iba ang nakikita rito, pero pinaka-priyoridad talaga yung #AJYuri moments. Pati yung pictures nilang eight survivors, yung larawan ng tagumpay nila kay Sir Vincent Mauleon, kasama na yung warehouse niya at ang mga masasaklap na larawan ng mga kamatayan ng mga kaklase nila sa 10-Asia saka yung labing-lima ngayong 11-Asia. At ang pinakakumuha ng atensyon ko ay yung mga litrato naming 11-Asia, katulad na lang nung first day, nung intrams, nung Christmas Party at yung class picture. Mayroong labing-anim class pictures doon, una yung orihinal, tapos yung iba pang labing-lima edited na. Pabawas kami ng pabawas sa picture, nawawala sa picture kung sino yung nabibiktima, tapos may date at description, mula kay Faithlyn hanggang kay Myla, depende sa biktima. Mayroon din sila nun sa 10-Asia, hanggang sa maging "eight survivors" na lang sila. Simple lang ang scrapbook, pero ang ganda talaga, lalo na dahil sa mga larawan na makikita rito. Ang astig talaga ng regalo ni Yuri. Parang album of memories siya, pero scrapbook pa rin ang style at structure. Grabe. Pinaghirapan talaga niya gamit ang buong puso niya. Masuwerte talaga si AJ para kay Yuri. Ngayon, alam ko na kung bakit talaga pa-third wheel si V sa kanila. Hindi, biro lang yun, hahahaha.
Anyways, pagkatapos ng bakasyon ay outbound agad. Sa ika-walo ng Enero kami bumalik. Pupunta kami sa Biak na Bato National Park.
Ay, magiging masaya ito.
Maaga kami dapat nasa school. Alasais aalis ang bus. 5:30 ang checking sa classroom.
Mga 4:30 ako gumising. Nakarating ako ng school ng mga alasinko. Deretso classroom na agad, kaya hindi na ako pumuntang Quadrangle 2 pa, dumeretso na ako. Nadaanan ko naman ito sa ruta ko, at wala roon sina Raffy, Gerica, Samuel, Heaven at Aila.

YOU ARE READING
Periodical Death Exam 2: HAUNTED
HorrorAfter surviving a horrific death game plotted by a killer, where their classmates are killed, AJ and his remaining friends carry on and adjust to a new environment with new classmates. However, they soon discover that they are haunted by mysterious...