Chapter 19: Our Last Romance
Serenity "Seren" Hancher's Point of View
I have a pen. Ay mali.
I have a boyfriend. Siya ay walang iba kung hindi si Parker Alexander "Xander" F. Pangilinan.
He is great talaga. He is as tall as 5'10. Ako, 5'5 lang. Medyo malaki rin ang difference namin in height. Anyway, going back. Ang galing galing talaga nun sa basketball. Lalo na kapag tulungan sila ng kapatid niyang si Raffy sa court. Napakahusay niyang mag lay-up, kaya rin niya mag-three points at higit sa lahat accurate sa mga free throw. Well, alis na tayo sa mundo ng basketball. Basta magaling siya, that's it.
Hindi naging magandang balita ang pagkamatay ni Faye. Bigla na lang natagpuan ang bangkay niya sa library. Hindi namin alam kung bakit at paano dahil wala nanaman ito sa CCTV na pakana rin ng mga multo, pero ito ang nakakainis.... Sila na nga ang dating naniwala at nag-effort na ipabless ang school, tapos ngayon biglang hindi na maniniwala? Ano kaya yun, di ba? Ano kaya ang pumasok sa kokote nila? Pero, ayon kay Father Marion, nakausap daw niya si Faye, humihingi siya ng sampung rosaryo at scapular na pinlano niyang ilagay sa lugar na kinamatayan ng mga dating biktima ng 10-Asia last school year, kaya nahulaan naming napatay siya ng mga multo dahil dito. Tinulungan kami ni Father Marion na pilitin ang iba na maniwala muli sa mga multo at may plano silang mga pari para talagang mapigilan na ng tuluyan ang mga multo. Gagawin daw nila ang nabigong plano ni Faye. Salamat sa mga pari, at nabalik na rin sa dati mula sa pagkakaroon ng mga etok ang mga ito..
Isang linggo kaming nahirapan nanaman mula sa mga pagkamatay ng apat naming mga kaklase.
Apektado ang #NoeChi sa pagkamatay ni Thirteen, siyempre. In fact, Chachi herself confessed na inibig niya ng saglit si Thirteen noong mga oras na nasa ospital si Noel. Pero..Noel didn't mind that. He has respect for Thirteen already after his heroic sacrifice for he and Chachi's lives.
Tapos, si Zen, lumala simula nang pagkamatay ni Ashley. Ako lagi target niya, sinisisi sa pagkamatay niya. Ako ba? Ako ba may kasalanan? Hindi, di ba? Ako ba ang pumatay? Hindi, di ba? Mas mabuti kung tigilan na lang niya ako at sisihin sarili niya sa pagiging pabaya kay Ashley. Tinulak ko naman siya para matulungan niya ako at natulungan nga niya ako, nakatakas at nakaligtas ako. Wala na akong paki pa sa nasayang na buhay ni Ashley o kung anoman. Kasama naman niya ang pinsan niyang si Alexandra sa itaas, ah? Dapat masaya na lang tayo roon, hindi yung kung anu-ano pa iisipin na magpapalungkot at magpapagalit lang sa iyo..
At para kay Sam? Si Andrei ang pinakaapektado. Sayang daw at hindi niya nasabi ang nararamdaman niya para sa kanya bago siya mamatay. Jusme. That is life naman, eh. Mabilis na mawala ang mga bagay kaya dapat matuto na tayong huwag patagalin ang ibang mga bagay na dapat matapos na bago pa matapos ang iba pang mga bagay. Kaya nga make the most of svery moment while life is still there. Wala naman talagang forever eh..jusko kayong mga tao hindi ko alam kung famehorse na ba masyado or what tungkol sa pag-ibig.
Kami naman ni Xander ay..well okay talaga. Wala kami masyadong paki sa mga nangyayari sa mundo. Basta masaya kami. Ganun naman talaga eh. Ano yuh, makikidrama pa kami? No way. Halos parang normal na kasi na may namamatay bigla surprisingly by means of paranormal activity, tapos kakausapin ng mga guro na dating naniniwala at ngayon hindi na. Although, ang mga kapatid namin na sina Aila at Raffy themselves ay apektadong apektado.
Buti na nga lang, ang tropa namin, ang "Tropang Harley Quinn" ay hindi masyado apektado, through my influence. Ang kakambal kong si Aila lang siguro ang nasosobrahan, pero I understand her. Sina Hade at Gerica, cool na cool lang, lalo na si Hade na may Gavin Rocker na boyfriend naman para lalong maginhawa ang pakiramdam.
Monday nanaman, time for assembly. Pero umuulan, haha. Pero okay lang. Papanoorin ko naman sa gym si babes Xander sa court, may friendly game sila ni Raffy kina AJ at Noel nanaman. Si 4A ay tumatayo bilang referee, sapagkat wala siyang mga spy mission ngayon. Hehe.
![](https://img.wattpad.com/cover/82892109-288-k447234.jpg)
YOU ARE READING
Periodical Death Exam 2: HAUNTED
HorrorAfter surviving a horrific death game plotted by a killer, where their classmates are killed, AJ and his remaining friends carry on and adjust to a new environment with new classmates. However, they soon discover that they are haunted by mysterious...