Chapter 18: To the power of books!

148 18 66
                                    

Chapter 18: To the power of books!

Alexander "Xander" Pangilinan's Point of View

Magkasama kami ni Raffy na naglalakad, at kanina pa kami nakakarinig ng iba't ibang mga misteryosong hiyawan at iyakan.

"Kuya, puntahan kaya natin yun? Kanina pa, eh. Ano na kaya nangyayari, noh? Baka pwede tayong makatulong." sabi sa akin ni Raffy.

"O, sige. That's a good idea. Tara!" sabi ko naman.

Tumakbo na kaming dalawa patungo sa direksyon ng mga naririnig naming misteryosong tunog.

Takbo kami ng takbo hanggang sa biglang sumulpot si Seren mula sa isang side na hindi namin napansin.

"O? Seren? Babes, musta na? What's with the running?" tanong ko sa kanya.

Hinihingal na siya at napatigil nang makita kami ni Raffy.

"Xander, Raffy..maraming mga nangyari. Napakahabang kuwento. Pero sa ngayon, kailangan ko na talagang tumakbo. Hinahabol ako ni Zen! Dali na, ayan na siya!" sabi ni Seren at biglang tumakbo na muli ng napakabilis.

Nakita namin, napakabilis ng takbo ni Zen at galit na galit siya. Binunggo niya kaming dalawa at hinabol na si Seren.

Nadulas si Raffy sa pagkabunggo, kaya tinulungan ko siyang makabangon. Dumating naman si Aila.

"Aila, ano ba ang nangyayari?" tanong ni Raffy kay Aila.

"Nagkapoblema kami noong ginamit namin ang Ouija Board. Napatay si Ashley nang itulak siya ni Seren doon sa killer dahil parehas na silang mamamatay na ikinagalit ni Zen. Kaya..yun." sagot ni Aila.

"ANO?" sabay naming reaksyon ni Raffy.

"Tara na. There is no time to waste. Malamang, nahuli na ni Zen si Seren. Kailangan natin siyang pakalmain! Nasasaktan si Seren, eh!" Ani Aila, at tumakbo na.

Sumunod na kami.

Naabutan namin na nakatumba sa sahig si Seren at sinuntok ng sinuntok paulit-ulit ng maraming beses ni Zen si Seren habang tumba siya.

"Zen!!! Itigil mo yan!" sabi ko at binilisan ang takbo, agad siyang sinipa ng malakas na nagpatumba bigla sa kanya.

Pagkatapos ay hinawakan namin siya sa damit ni Raffy.

Pinuntahan ni Aila ang kakambal niyang si Seren.

"Kalma lang tayo rito.." sabi ko.

"PINATAY NIYA SI ASHLEY!!! PINATAY NIYA SI ASHLEY!!! KAILANGAN NIYA RING MAMATAY!!!" galit na bulyaw ni Zen.

Tinulungan naman na ni Aila si Seren maglakad. Umalis na sila.

Pinakalma namin ni Raffy si Zen kahit pilit na sinusubukan niyang makalaya mula sa amin at sugurin muli si Seren.

Naku. Naalala ko bigla. Ouija Board? Buti na lang talaga at hindi kami sumama ni Raffy. Tama ang desisyon kong hindi pasamahin si Raffy doon. I care more for his safety, as an overprotective older brother to him.

"Kyaaaah. Time na yata, guys. Akyat na tayo." sabi ni Zen na medyo kumakalma na.

Naglakad na kaming tatlo paakyat. Yup, tama siya. Time na nga. Nagsisiakyatan na ang iba.

Nakasabay namin sina KJ, Jerome at Andrei. Kapansin-pansin ang mga malulungkot nilang mga mukha.

"Ano nangyari?" tanong ni Raffy.

"Noong ginamit nila ang Ouija Board, nagpakita ang kaluluwa nina Eugene Jackson at Sophia Pamular, dalawa sa dati naming mga kaklase na umatake at nagpahamak sa amin. Nagkahiwalay ang labing-anim na nakilahok sa session. Sina Seren, Aila, Andrei, Sam, Zen at Ashley ay lumayo ngunit sinugod naman si Sophia. Nang papatayin na parehas sina Seren at Ashley, naisipan ni Seren na ibigay na lang si Ashley para makatakas at makaligtas siya. Tapos sunod na nangyari ay noong humiwalay si Seren hinabol siya ni Zen sa galit at hinabol naman ni Aila si Zen. Nang sina Andrei at Sam na lang ang natira, umatake nanaman si Sophia at niligtas ni Sam si Andrei mula sa tama kaya siya ang napapatay. At..nangyari ang harapan ng magkapatid na Pamular pala. Ginawa naman ni Jerome ang dapat kay Sophia na masamang espiritu na ngayon." pagkukuwento na sagot ni KJ.

Periodical Death Exam 2: HAUNTED Where stories live. Discover now