Chapter 24: Intramurals, Part 2

124 16 38
                                    

Chapter 24: Intramurals, Part 2
I
Zen Castaño's Point of View

Kinabukasan, nagpatuloy ang intrams. Day 2. Wala pang laban sa cheer, magpapatuloy lang ang mga game.

7:30-8:30.

May game kami sa soccer.

ASIA VS. AUSTRALIA.

Putek itong Australia nanaman na ito malalakas sa sports. Strive for twice, pero balita ko naman last school year natalo sila nang Asia sa "strive for five" nila. Baka naman matalo namin sila ngayon, hehe.

Kasali ako, as defender, right wing-back, to be specific.

Panalo kami sa Australia. Pero muntik na matalo. 5-4 ang score. Nakakuha kami ng dalawang goals mula kay KJ, dalawa kay V at isa kay Axle, surprisingly (siguro nung nilakasan ni Dana ang cheer niya sa kanya at malapit siya sa goal nun, pinasa sa kanya ni Gavin ang bola, tapos sinipa niya agad)

Malakas ang Australia, at sa lakas na itong sinusubukan naming talunin, nainjured sina Samuel at Heaven. Pinalitan naman sila nina Cane at Chachi sa posisyon. Nakakuha ako ng foul sa rage ko, pero hindi naman ako na-out. Phew. And so far, Jerome is doing good talaga as goalkeeper.

8:30-9:30, game nanaman sa soccer.

ANTARCTICA VS. ASIA.

2-0 ang score. Dahil sa malakas na depensa at mahusay na goalkeeping ni Jerome, walang nakuhang goal ang mga kalaban. Ang mga naka-goal ay sina Gavin at Andrei. Walang goals si KJ this time. Pinalaro naman namin ang hindi pa nakakalaro na mga subs. Pinalit kami ni Myla nina Yuri (sa akin) at Aila (kay Myla). Si Gavin ay na-injure ng isang nandadaya na player ng Antarctica. Dinala siya sa clinic at agad na pinalitan siya ng concerned girlfriend niya na si Hade.

Kahit substituted ang karamihan, nanalo pa rin kami at no match pa rin sila.

9:30-10:30, may basketball game na rin.

ASIA VS. SOUTH AMERICA

Gumraduate ako mula sa mga foul nang fourth quarter. At nang fourth quarter din, pinalitan ni Axle si Gavin sa posisyong Point Guard na hanggang ngayon ay injured pa rin at hindi makakalaro mula sa injury niya sa soccer kanina. Kawawang Gavin :(

Ito mga points namin:

PANGILINAN, 19 - 27 points

KIM, 7 -  18 points

CASTAÑO, 5 - 18 points

MAGNIFICO, 8 - 14 points

ABEAR, 17 - 11 points

ANG, 18 - 9 points

PEREZ, 11 - 9 points

BUENAVISTA, 6 - 3 points

QUEBRAL, 23 - 2 points

PABLO, 9 (not in game) - 0 points

TOTAL: 111

FINAL SCORE: 111-69, in favor of ASIA, oh yeah!

Next, may basketball game nanaman. Ang huli ngunit pinakamahirap, sapagkat AUSTRALIA ang kalaban namin.

Nahirapan kami, marami kaming mga foul nakuha at may nakuhang injury. Buti na lang, si Gavin, na kakarecover lang mula sa previous injury niya ay hindi na-injure muli sa paglalaro niya sa fourth quarter.

Na-injured sina Axle at V, pero ang mas malala ay yung kay V. Siguro, makakarecover na agad si Axle mamaya, pero si V, baka hindi pa. Pinilayan yata siya ng kalaban. Kawawang V talaga. :(

At hindi lang yun..talo pa kami. Grrrr..nakakainis. Gumraduate agad ako nang second quarter sa galit ko. Ang pumalit sa akin ay si AJ sa pagiging small forward, since First and Third, siya naman ang small forward. Ang pumalit kay V para sa pagiging shooting guard ng second quarter, samantalang para sa pagiging power forward niya ng fourth quarter, si Andrei ang pumalit sa kanya. Tungkol kay Axle, simple lang naman, pinalitan agad siya ni Gavin.

Periodical Death Exam 2: HAUNTED Where stories live. Discover now