Chapter 22: Mga Paghahanda

168 20 37
                                    

Chapter 22: Mga Paghahanda

Noel Abear's Point of View

Wew. Another day. Second day of the second semester. Hehe.

Nang-galing kami ni Arnold mula sa medyo malayong lugar lungsod. Kaya bihira kami dumadating ng maaga.

Ngayon, medyo maaga kami. Mga 6:42.

Bumaba kami mula sa kotse ni Tito Alvin, ang ama ni Arnold, o mas kilala ng marami bilang "4A."

Sabay iami naglakad ni Arnold. Nakita namin si V sa Canteen 4.

"Ano, may spy mission ka?" tanong ko sa kanya.

Tumingin siya sa akin at binigyan na lang ako ng ngiti.

"Hindi na. Nothing to be suspicious about V. Nothing yet." sagot niya.

"Okay, sige. Sa Canteen 2 muna tayo. Nandoon ang iba, eh." tugon ko.

Dumeretso kami sa Canteen 2, pero bago yun, binati namin si V, na lagi na mag-isa ever since na sumakabilang buhay na si Thirteen.

Nakasuot ng polo shirt na makulay at maraming stripes si V. Bagay naman sa kanya. Ang gwapo ni V ngayon, hehe.

"Hi, V. Musta?" sabi ko.

"Hello. Ayos lang ako, guys." tugon niya at nagpatuloy lang sa kakagamit ng iPhone niya. Naka-earphones siya, pero narinig niya ako.

"Sige, that's good. Enjoy ka lang, ha?" sabi naman ni Arnold.

Dumaan kaming Quadrangle 2 at nakita namin sina Aila at Gerica. Wews. Ang cute talaga ni Aila, although mas at pinakacute pa rin talaga si baby girl Chantellia. Ang ganda rin talaga ni Gerica, pero loyal talaga ako at kahit hindi ako loyal, talagang pinakamaganda pa rin sa lahat si babe Chachi, ang girlfriend ko.

Pagkalabas ng Quadrangle 2, nadaanan namin sina Gavin at Hade na nagtatawanan. Nagtinginan kami ni Arnold.

"Ang sweet, noh?" bulong ko.

"Spy kaya natin?" pagyaya niya.

"Hmm. Pwede. Let's go! Ay, wait. Mag-spy tayo kapag wala nang bag. Iwan muna natin sa Canteen 2."

"Ge."

Pumunta muna kaming Canteen 2 at iniwan mga bag namin doon. Ang bag ko ay plain green lang na Jansport samantala ang kay Arnold ay plain blue lang na Jansport. Asking what am I wearing? Blue checkered, na may white undershirt at blue na maong pants, ganun din si Arnold pero green checkered naman siya, haha, nagkabaliktad sa kulay ng bag.

Ang mga nandoon pa lang ay sina AJ, Yuri, Axle, Dana, Chantellia at Myla.

"Ah, iwan lang namin, ah. May pupuntahan lang kami." pagpapaalam ko.

"Saan? Sa mga stealth missions ninyo?" tanong ni AJ.

Nagtinginan lang kami ni Arnold at medyo nahiya na.

"Obyus naman, eh. Pero pati ikaw, Noel?" ani Myla.

"Hayaan mo na, cousin to cousin bond yan, eh." ang tugon ni Chantellia rito.

"Sige, sige. Okay na kayo. Pwede na kayong umalis at mag-spy." pag-aaproba ni AJ.

Pansin na pansin ko na patuloy lang ang lambingan nina Dana at Axle. Ay, #DaXle nga talaga.

"Sige, ah. Dito na kami sa..well nahulaan niyo na." sabi ni Arnold.

Tumakbo na kami papunta sa Quadrangle 2.

"Nice talaga, may bonding na tayo kung ako na pala ang bago mong partner-in-crime sa mga ganito.." sabi ko kay Arnold habang tumatakbo.

"Oo nga, sanay akong mag-isa tapos ilang linggo makalipas nasanay ako na kasama ko lagi si Knowell hanggang sa tumagal ako nang mag-isa at nasanay na rin doon. Kaya huwag ka nang puro basketball, hihi. Pero kung kailangan mo ng time kay Chachi, pagbibigyan ko kayo. Ayos lang naman kahit mag-isa ako." tugon ni Arnold.

Periodical Death Exam 2: HAUNTED Where stories live. Discover now