Chapter 3

44 8 3
                                        

Chapter 3: Him

Someone's POV

Shit ! Shit ! Late na pala ako.

Habang tumatakbo ako ay may nakabangga akong... babae?
Hay naman. Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan itong babaeng ito.

Agad naman akong pumunta sa harap ng babae. Magsasalita na sana ako kaso nung makita ko yung mukha nya..

"Eury.."

Jade POV

"Jade ayos ka lang ? Napaano ka kahapon? May masakit pa ba?..blah..blah..blah" ano ba yan tanong ng tanong si Andrew ano kayang problema nito? Hindi ba sapat yung salitang "OK" Ngayong ayos naman ako. Buhay pa naman ako diba?

"Hoy! Jade!"

"Ay ! Kalabaw!" Sabi ko. Nakakagulat naman itong si Andrew. Bigla nalang sumisigaw.

"Pati ba naman kalabaw iniisip mo? Ibang klase ka talaga." Kanina pa to si Andrew ah? Kanina tanong ng tanong ngayon naman tumatawa. Baliw ba to?

"Oy. Bakit wala kang imik? Wala ka na bang bibig? Hahaha." Si Andrew nanaman.

"Alam mo Andrew nababaliw ka na. Haha. Bipolar ka ata eh. Hahaha." Sabi ko sabay tawa. May nakakatawa ba sa sinabi ko? Ako ata ang nababaliw ?__?

"Huy, tawa ka ng tawa gusto mo na atang mag asawa eh. Ako ba ang gusto mong mapangasawa? Ayos lang pogi naman ako..blah..blah.." haysst.. ang daldal talaga ni Andrew.

Napahalumbaba nalang ako. Dahil sa kaboringan napatingin ako sa pintuan at saktong pumasok si matthew. Nang magtama ang mga mata namin ay bigla syang ngumiti.

*dug dug* *dug dug*

Ano yun? Tambol ba yun? Nagpalinga linga ako kaso wala naman akong naririnig na nagtatambol.

*dug dug* *dug dug*

Agad naman akong napahawak sa kaliwang dibdib ko.

*dug dug* *dug dug*

Ang puso ko nga? Pero bakit ? Hindi kaya....

"*snap* *snap* Ayos ka lang best friend?" Sabi ni matthew. Oo ang bestfriend ko. Naalala ko na sya.

"Ah--oo. Bestfriend hehe." Sabi ko naman. Hayssst. Kung ano ano naiisip ko eh.

Sakto namang dumating ang aming prof. kaya ayan discussion.
Hanggang sa uwian na agad dahil cut daw ang klase.

"Oy. Jade tara sa mall! Mag arcade tayo bili !" Sabi naman ni Andrew.

"Ah . Eh sige tara."

"Bestfriend gusto mo bang sumama samin?" Sabi ko sa bestfriend ko.

"Wag na. Sa susunod na lang."

"Ngee. Baka nahihiya ka lang, naalala ko nung bata pa tayo, diba--" sabi ko . Si matthew talaga parang bakla. Tinakpan ba naman yung bibig ko.

"Huy bestfriend ! Wag ka namang ganyan. Porket naalala mo na ako ha? Bullying ka pa rin." Sabi nya tsaka tinanggal yung kamay nya sa bibig ko at inakbayan ako.

"Hoy ! Anung ako ang bullying? Ikaw nga dyan! Acting acting ka pang nalalaman. Haha" sabi ko sabay hampas sa kanyang braso. Syempre mahina lang hehe.

Nagtatawanan kami ni Matthew ng biglang

"*ehem* *ehem*" sino pa ba? Eh di si Andrew . Ay oo nga pala pupunta kaming Mall. Agad naman akong napakamot ulo.

"Hehe. Sorry Andrew, I mean tara na pala. Oy Matthew di ka ba talaga sasama?" Sabi ko habang niyuyugyog si Matthew.

"Wag na. Kayo nalang busy kasi ako." Sabi nya sabay yakap. Eh di yumakap na rin ako. "Bye Bestfriend." Sabi namin sa isa't isa. Bakit parang ayaw ko kumalas sa yakap nya? Haysst nababaliw na siguro ako. Kaya ayan naglakad na sya papalayo.

"Oy! Jade. Tara na !" Sabi nya sabay pulupot ng kanyang kamay sa braso ko.

//Mall//

Ang ingay talaga dito. Mabuti pa itong si Andrew enjoy na enjoy sa paglalaro ng tekken.

"Oy akala ko ba TAYO ang mag eenjoy dito? Bakit ikaw lang ang nag eenjoy?" Sabi ko habang niyuyugyug ang balikat nya.

"Ha? Eh anu bang gusto mong gawin-- Yesss!!! Panalo ! Whhooo!!"

Letsugas ka talagang Andrew ka! Kakanta na lang ako sa live. Puro puno sa mga videoke room eh.

Nang makapunta ako sa kantahan ay agad na napatigil ako.

*dug dug* *dug dug*

Agad naman akong napahawak sa dibdib ko. Bakit ganito, bakit parang kinikilig ako na parang ewan?

Napatigil ako kasi may kumakanta sa live na lalaki. At nakanta sya habang nakatingin sakin.

Beautiful by EXO Baekhyun

annyeong naege dagawa,
sujubeun hyanggireul angyeo judeon neo.
humihan kkum sogeseo,
nuni busidorok banjjagyeosseo.

seolleime nado moreuge, hanbal dubal nege dagaga neoui gyeote nama

Bakit sya kumakanta habang nakatingin sa akin? Bakit parang gusto ko syang ......yakapin?

Neoui misoe nae maeumi noganaeryo, nuni majuchyeosseul ttaen dugeun goryeo. Oh neoui gasume nae misoreul gieokhaejwo hareudo myeoccbeonssik saenggakhaejwo. Oh neoege hago sipeun geu mal, you're beautiful.

Ako ba yung kinakantahan nya. Kasi kumakanta sya habang nakatingin sakin. Hindi ko sya masyado maaninag kasi naka cap kasi sya na kulay black.

Hanggang sa natapos syang kumanta ay ningitian nya ako, at heto ako nadala din sa ngiti nya. Bakit parang matagal ko na syang kilala. Kasi damang dama ko yung bawat pag titig nya. Bakit ganito ang nararamdaman ko?

Lalapitan ko na sana sya kaso bigla nya akong niyakap. Hindi ko alam kung bakit yumakap din ako at hinigpitan ito. Bakit ayaw ko syang itulak.?

"Eury, sobrang namiss kita, sana maalala mo na ako." Bulong sakin nung lalaki tsaka papalayong naglakad. Agad namang may tumulong luha galing sa mata ko. Nabigla ako dahil napaluha ako.

Sya namimiss ako? Bakit ? Sino ba sya? Bakit kailangan ko syang maalala? Bakit parang ang gaan ng loob ko sa kanya?

Someone's POV

Kumakanta ako habang nakatingin sa maganda nyang mata. Sobrang namimiss ko na talaga ang babaeng ito.

Hanggang sa natapos na akong kumanta ay di ako nag dalawang isip na lapitan sya at yakapin sya. Alam ko namang magugulat sya kasi nakalimutan na nya ako.

Nabigla ako ng bigla nya akong yakapin. Bigla na lang tumulo ang luha ko at saka binulong sa kanya
"Eury, sobrang namiss kita, sana maalala mo na ako." Kaso bigla kong nakita si Andrew na nakatayo malapit samin. Kaya agad akong kumawala sa mga yakap nya at unti unting naglakad papalayo sa kanya.

Nakakabakla man sabihin pero gusto na talagang umiyak dahil sobrang namiss ko sya. Akala ko kasi patay na sya dahil sa aksidenteng nangyari sa kanya 7 years ago. Pero hindi pala. Tama na siguro yung sakripisyo ko nung nawala sya. Kasi babawiin ko na sya ulit

Andrew POV

Busy ako sa paglalaro ng tekken ng bigla kong naalala si Jade. Kaya agad naman akong umalis sa nilalaro ko at hinanap si Jade.

Sa paghahanap ko ay nakita ko syang may kayakap na lalaki at umalis din yung lalaki agad ng makita ako.

Teka kilala ko yun ah? Si.. f*ck. Di pwede to . Di pwedeng mapalapit sya kay Jade. Sh*t!

--------
A/N:
Feel free to LIKE & COMMENT

Pakiplay na lang po nung video sa taas. Beautiful by Baekhyun. Ahhexx Kainlabb \♡o♡/

Kamsa~♡♡

Thinking Of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon