Chapter 2

53 8 0
                                    

Chapter 2: Bestfriend

Jade POV

Ano ba yan, kailangan may pag higit talaga? Diba pwedeng sabay na lang sa paglakad?

"Andrew napapasarap ka ata ah? " sabi ko sa kanya ng pabiro.

Agad naman syang napabitaw sa kamay ko at napahawak sya sa kanyang ulo.

"Ah-eh sorry, hehe. Nadala lang ako." Sabi nya na parang nahihiya.

Para syang bakla, ang gwapo pa naman. Hindi ko na lang yun pinansin at nagpatuloy na lang sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa canteen.

"Jade, ako na lang ang bibili, ikaw na lang ang humanap ng upuan natin." Sabi nya.

"Ah, sige. Hamburger na lang tsaka juice." Sabi ko.

"Ah. Sige." Sabi nya. Kaya naghanap na ako ng mauupuan namen. At... ayun! meron nga.

Agad naman akong umupo. Maya maya biglang may lumapit sa kin.

"Hi jade." Sabi ng lalaki. Pagka angat ng aking ulo.. YUNG LALAKI KANINA!

"H-hi din." Sabi ko sabay ngiti.

"Can i join you here?" Sabi nya.

"A-ah y-yes ofcourse." Sabi ko. Bakit ba ako nabubulol? Bakit parang sumasakit nanaman yung ulo ko. Siguro parte sya ng nakaraan ko. Kailangan ko syang matandaan.

"Don't force yourself to remember me. Baka makasama sayo." Sabi nya sabay upo sa tabi ko.

"Kilala ba talaga kita? Isa ka ba sa mga taong nawala sa memorya ko?" Sabi ko ng may halong pagtataka.

"Yep. Childhood friend nga diba?" Sabi nya sabay tawa. At biglang pinisil ang magkabila kong pisngi.

Bigla nanaman akong napahawak sa aking sentido.

"Aaaahhhh!!!"

And everything went black.

"Bestfriend , tara manuod na tayo ng tom and jerry bahala ka." Sabi ko habang niyuyugyog itong batang lalaki.

"Ayoko nga! Di tayo bati." Sabi nya at nagsimula nang umiyak. Anu ba yan kalalaking tao iyakin!

"Hala~ di ko naman sinasadyang masira yung robot mong iron man. Papaltan ko nalang ng barbie." Sabi ko habang niyayakap ang bestfriend kong lalaki. Pero mas lalo syang umiyak.

"Waaaaahhh!! Pambabae naman yun ehhh." Sabi nya habang patuloy na umiiyak.
Ngee. Kala ko titigil na sa pag iyak hehe.

"Eh lutu lutuan?"

"AYOKO!"mas lalong lumakas ang pag iyak ng bestfriend ko.

"A-ah E-eh. Haysst sige na nga. Papayag na akong mag sleep over sa inyo." Sabi ko sa kanya ng nakanguso.

"T-talaga bestfriend?" Sabi nya at unti unti na syang tumitigil sa pag iyak. Walanjong lalaki to napakabakla.

"Oo na! " sabi ko .

"Hahaha. Yes!! Ang galing ko talagang umacting . Sira na nanaman talaga yung iron man ko. Yess! Dito sya matutulog !" Sabi nya at saka nagtatalon talon.
Nauto nanaman ako.

"Anduga mo talaga!" Sigaw ko sa kanya. Kaya bigla syang lumapit sakin at pinisil ang magkabilaang pisngi ko.

"Hayaan mo na cute ka naman eh."

"Jade!"

Agad akong napabangon pero biglang sumakit yung ulo ko.

"Arayyy."

"Best-- jade. Ayos ka lang?. Sabi ko naman saiyo eh wag mo nang pilitin." Sabi nya na may kasamang pag aalala.

Bakit.. kamukha nya yung lalaking napanaginipan ko kanina?

"A-ayos lang ako. Siguro uuwi na lang ako." Sabi ko at saka sinubukang tumayo.

"Haysst kahit kailan talaga makulit pa din." Sabi nya ng pabulong, pero narinig ko parin.

"Anong ibig mong sabihin? " sabi ko. Baka.. isa sya sa nabura kong alaala.

"Wala tara na kanina pa uwian. Hatid na kita sa inyo." Sabi nya at inalalayan akong tumayo.

"Salamat." Sabi ko at naglakad na kami. Sa aming paglalakad bigla kong naalala si Andrew.

"Teka. Si Andrew nasaan? " sabi ko sa lalaking to.

"Ahh. Yung lalaking kasama mo kanina? Umalis agad kasi may emergency daw." Sabi naman nya habang naglalakad hanggang sa makasakay na kami sa kotse nya.

Dahil sobrang tahimik ng atmosphere ay binasag ko ito.

"Uhm. Ano nga palang pangalan mo? " sabi ko. Bakit kaya ngayon ko lang naitanong yan?

"Uhh, Matthew." Sabi sabay ngiti sakin.

"Ahh. " iyon na lamang ang tanging nasambit ko.

Hindi mapagkakailang gwapo itong si matthew. Matangos ang ilong. Lalaking lalaki ang dating. Ang ganda ng kanyang mga mata. At ang pula ng kanyang labi--wait. Mukha na akong pervert .

Ehhh . Ang gwapo kasi eh.

"We're here." Sabi nya saka ako pinagbuksan ng pinto.

"Thanks, gusto mo pasok ka muna sa loob? " sabi ko.

Agad naman syang umiling."Ayaw ko. Baka bigla nanaman akong yakapin ni--" naputol ang sasabihin ni matthew ng biglang..

"Matthew ikaw na ba yan? Ang laki mo na ah?" Sabi ni mommy. And guess what ? Niyakap lang naman ni mommy si Matthew. Magkakilala sila?!!

"Mommy. Mag kakilala kayo? " naguguluhan kong tanong kay mommy. Agad namang bumitaw si mommy kay Matthew.

"Ofcourse iha. He's you're childhood bestfriend." Sabi ni mommy.

"Told yah." Agad namang sabi ni matthew.

"Anak naaalala mo na ba sya?" Sabi ni mommy.

"Not yet mommy. Not yet." Sabi ko.

"Oh, iho. Pasok ka muna sa loob." Sabi ni mommy.

"Wag na po tita. Next time na lang po. Bye tita. Bye Jade." Sabi ni matthew at sumakay na sa kanyang kotse at umalis na.

Agad naman akong pumasok sa loob at kinausap si mommy.

"Mommy, parte ba sya ng nakaraan ko?" Pero hindi manlang umiimik si mommy at ngumiti na parang sinasabing it's for you to figure out . Hayssst andaming alam ni mommy.

So pumunta na lang ako sa kwarto ko. Magpapahinga muna ako. Sobrang sama ng pakiramdam ko. Matutulog na sana ako ng biglang...

~kruu~ ~kruu~~

Ay oo nga pala . Hindi pa ako kumakain. \>~</. Pumunta akong kusina at nang akmang bubuksan ko na ang refrigerator ay may note na nakadikit.

Anak alis muna ako. Ikaw muna bahala sa bahay. Mamamalengke lang ako .
-mommy

Iyan ang sulat na nakalagay sa ref. Nagkibit balikat na lang ako at kumuha ng juice at tinapay .

Then pumunta na ako sa kwarto at dun kumain. Pagkatapos kong kumain, Time check *06:30 PM* Inaantok na ako. Bago pa man pumikit ang mga mata ko ay naalala ko nanaman ang lahat ng nangyari sa buong araw ko.

Masyado palang epic ang first day ko, hanggang sa naalala ko nanaman yung lalaki kanina.

"Nasisigurado kong isa ka sa pinakamahalagang parte ng aking memorya."

Sana mag patuloy na ang pagbalik ng mga nawawala kong memorya.
At dahan dahan nang pumikit ang mga mata ko.

------
A/N:
Hi mianhe ulit masyadong lame ang chapter na to (baka lahat ng chapter!) Che ! Haha.

Baliw na si awtor kinakausap ang sarili. Mwehehe pag paswnsyahan na at di lang maka get over sa new song ng EXO na Stronger *O*.

Vote & feel free to comment :)

Kamsa ♡♡

Thinking Of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon