Chapter 16: New
Eurydice's POV
Mabilis na lumipas ang araw at ganoon pa rin ang pakikitungo sa akin nina Matthew at Pei. Bakit kaya?
Atsaka nung nahimatay ako? Inaasahan ko na pag mulat ng mata ko ay una kong makikita si Matthew, pero hindi.
Bakit nasasaktan ako sa ginagawang ito ni Matthew. Nakatungo akong nagtungo ng canteen mag isa. Absent kasi si Athena at may family reunion sila.
"Waaahh!! I love you na Jade!"
"Ang ganda mo po talaga ate Jade!"
"How to be you po?"
"Marry me Jade!"
Pagkabili ko ng pagkain ko ay agad akong umupo sa upuan at nagsimula nang kumain. Napaisip ako. Kailan kaya sila titigil kakasigaw ng ganyan? Tsaka paano nila nalaman ang pangalan ko?
Napailing ako sa naisip ko at kumain na lang. Sa paglipas din ng araw. Napansin ko ding dikit ng dikit sa akin si Orpheus? Parang baliw. Mabuti nga't natakasan ko kanina.
Si Andrew? Ayun. Hindi rin pumasok. Nilalagnat daw sya. Sabi din sa text nya sa akin kanina, dalawin ko daw sya sa bahay nila. Ano sya patay? Hahaha joke.
Habang kumakain ako, nakita kong tila nagkukumpulan ang mga junior students na babae sa tabi ng canteen.
"Hoy salot! Paano ka nakapasok sa school na ito? Mukha ka namang squatter!"
"Oo nga! Yuck! "
"Hindi ka bagay sa school na ito!"
Lumapit ako sa kinaroroonan ng mga estudyante. Nakita kong pinaggigitnaan nila yung babaeng nakatungo.
"Hey, stop that! Masamang mangbully. Magaganda nga kayo masama naman ugali nyo." Napapailing kong sabi at nilapitan ang babaeng kanina pa nila binubully.
"Sorry po ate Jade." Sabi nung mga babae at nagsitakbuhan.
Inilahad ko ang kamay ko sa babae at agad naman nya itong tinanggap. Tinitigan ko yung babae. Parang kabatch ko sya kasi pareho kami ng kulay ng necktie at lace ng I.D.
Maganda naman sya, maputi, straight ang buhok na maikli. Okay, mukha syang nerd. Hindi naman sya mukhang squatter gaya ng sabi ng mga babaeng estudyante. Mukha syang transferee.
"Ayos ka lang ba?" Sabi ko sa kanya.
"A-ah , O-oo. S-salamat." Nauutal nyang sabi kaya agad ko naman syang ningitian.
"Ako pala si Jade , ikaw anong pangalan mo?" Nakangiting sabi ko sa kanya.
"A-ako si A-alexandra." Nakangiti nya ding sabi.
"Bago ka lang ba dito?" Tanong ko at nagsimula na kaming maglakad patungo sa classroom namin.
"Ah oo eh." Nahihiya nyang tugon. So it means wala syang kilala dito?
"Friends na tayo ha?" Sabi ko sa kanya ng makita ko ka ang classroom ko.
"Ah. Oo sige salamat at may kaibigan na ako dito." Sabi naman nya na tila ay tuwang tuwang. Nagpaalam na kami sa isa't isa at nagtungo na aming classroom.
Nagpatuloy ang klase hanggang sa sumapit na ang uwian.
"Eury tara punta tayong mall." Sabi ni Orpheus.
Ngumiti ako sa kanya." Sorry orpheus pero may pupuntahan kasi ako." Sabi ko sa kanya at inayos na ang mga gamit ko. Isusukbit ko na sana ang bag ko ng bigla nya itong kinuha at sya na ang nagdala.

BINABASA MO ANG
Thinking Of You
Teen FictionA memories that just lost because of one mistake, and then she gone. If she came back , will you just forget all the memories you spent together or you will wait until she remember you. But in one condition, you should not fall inlove to her.