Chapter 14: Out of my mind
Eurydice POV
Nagpalinga linga ako sa paligid pero hindi ko nakita si Pei. Saan ba pumunta ang babaeng yun? Bumili lang kami saglit ni Athena biglang nawala.
"Nakakastress talaga ang babaeng iyon. Nakakaloka, baka mabawasan ang ganda ko!" Nagdadabog na sabi ni Athena. Hay nako kahit kailan, ang taas lagi ng confidence sa sarili.
Kaya kumain na lang kami at nagtungo na sa sunod na klase. Napansin ko ding wala din sya sa buong hapon na klase namin ah?
Hanggang sa dumating na ang last subject namin. Business Math, Isa sa mga major subject ko.
Habang nagtuturo si Ma'am ay nagpalinga linga ako baka sakaling nandyan na si Pei, pero wala pa rin. Pati nga si Matthew hindi ko din napansin.
"Ms. Virstein!" Tawag sa akin ni Ma'am. Jusko po, Mataray at mahilig pa naman din itong mamahiya.
"M-ma'am?" Sabi ko tsaka tumayo. Tinignan ako ni Ma'am ng seryoso.
"It seems you're not with us, so answer this. " Mataray na sabi nya at nagbuklat ng libro.
"The original price of toy was Php 150. If the price is reduced by 20%, what is the new price of the toy? " Mataray na tanong nya.
A-ano daw? H-hala p-paano ko yun s-sasagutin? Napatungo ako at iniisip ang sagot. Bakit naman kasi nahuli ako nito ni Ma'am.
"Oh, ano na Ms. Virstein? Do you know the answer?" nanunukso pang tanong nya.
"Psst. 120" bulong ng katabi ko. Bakit naging 120? Hmmm…
"Remain standing hangga't di mo pa--"
"Ma'am Php120" sabi ko. Napansin kong medyo sumeryoso si ma'am.
"Why Php120?" Tila naghahamong sabi ni Ma'am.
"Because 150 times 20% is equal 30, then 150 minus 30 is equal 120 that's all Ma'am. "
"Okay. " sabi nya at nagpatuloy na ang klase.
"Bakit kasi palinga linga ka pa." Bulong nanaman ng katabi ko.
"Hinahanap ko kasi si Cassiopeia, kanina ko pa hindi makita." Bulong ko din ngunit sa unahan pa rin ang tingin.
Narinig ko ang pagbuntong hininga nya." Thanks Andrew." Tanging nasambit ko.
Natapos na ang klase pero hindi ko pa rin mahagilap si Pei. Nag aayos na ako ng gamit ng biglang may namalo sa akin sa braso, pero mahina lang.
"Girl! Ano bang nangyayari sa iyo at bigla kang tinawag ni Ma'am! Hala ka. Baka mapag initan ka niyon.Balita ko pa naman mataray yung chakang iyon." Sabi ni Athena habang nakatingin sa akin. Bumuntong hininga na lang ako at isinukbit ang bag ko.
"Hay nako girl, wag mo namang papangitin ang dyosa! Kalerki ka! Kung ang iniisip mo ay si Pei, baka masama lang ang pakiramdam nun kaya di na pumasok." Maarte pang sabi nya.
Kaya nagsimula na kaming pumunta sa parking lot at pasakay na sana kami ni Athena sa kotse nya ng biglang may tumawag sa akin.
"Jade!" Sigaw ng isang lalaki kaya napalingon ako.
"Oh? Bakit Andrew?" Nagtatakang sabi ko. Kasi mukha syang hingal na hingal. Atsaka bakit may pasa sya sa mukha?
"Sa akin ka na sumabay. Ako na lang ang maghahatid sa iyo." Sabi nya at hinihingal pa rin.
Agad kaming nagkatinginan ni Athena at nakataas ang kilay nyang nakatingin sa akin. "Ikaw Jade ha, baka nanliligaw na sa iyo yang si Andrew, hindi mo pa sinasabi sa akin." Bulong sa akin ni Athena.

BINABASA MO ANG
Thinking Of You
Teen FictionA memories that just lost because of one mistake, and then she gone. If she came back , will you just forget all the memories you spent together or you will wait until she remember you. But in one condition, you should not fall inlove to her.