Chapter 18: Long Time No See
Andrew's POV
Bukas pala ay may pasok nanaman. Tsk.
Paglabas ko ng kwarto ko ay nakita ko si Kuya Matt na nakapang alis. Huh? Magang maga may lakad agad?
"Kuya saan ka pupunta?" Tanong ko sa kanya. Ngunit nagkibit balikat lang sya at nagtungo sa kusina.
Baliw.
Hindi ko na lang sya kinulit at pumunta sa salas. Naabutan ko naman doon si Cristine. Umupo nalang ako sa tabi nya.
"Ano ba kuya! Doon ka nga sa kabila! Meron pa namang mga upuan dito pa sisiksik!" Sigaw nya sakin saka sumimangot.
Muntik pa akong matawa pero pinigilan ko nalang. Meron siguro ito ngayon hahaha. Kaya naglipat nalang ako sa ibang upuan at nanuod na lang ng tv.
Seriously? Tom and Jerry? Psh. Isip bata.
"Tao po!" Sino naman kaya iyon? Aba! Hindi ko bubuksan yung pinto, nakakatamad.
"Hoy! Kuya! Di mo ba titignan kung sino yung nasa labas ng gate natin!" Sigaw ulit sa akin ni Cristine.
Aba! Walang galang ang batang ito ah! Pasalamat ka at bunso ka eh. Psh.
Wala naman akong magagawa kaya tumayo na ako at tinignan kung sino yung nasa labas. Nakakainis naman! Pag pinatulan ko kasi yung batang yun ay yari ako kay kuya.
Pagkalabas ko ay binuksan ko ang gate.
"Hoy! Pre! Ang tagal mo namang pagbuksan kami ng pinto! Ang init kaya dito." Sabi ni Xiumin
"Mga siraulo." Sabi ko at akmang sasaraduhan na ang gate ng bigla akong pigilan ni Kris.
"Ganyan ka ba makitungo sa mga bisita mo?" Cold na sabi nya. Agad naman akong tumabi at binuksan ng tuluyan yung gate.
"Ikaw naman Kris, parang hindi ka naman mabiro hehehe." Sabi ko.
Kaya pumasok na rin ng tuluyan si Kris at pumasok na rin sina D.o, Tao at Xiumin.
Nakita ko namang tumawa ng tumawa si Tao. "Hahahaha!Pak Ganern!" Sabi nya saka ako binelatan. Isa pa itong isip bata, pareho lang sila ni Cristine -_-||.
Kaya pumasok na kaming lahat sa loob. Pagkapasok namin ay naandun parin si Cristine at nanunuod ng T.V.
"Tom and Jerry!" Sigaw ni Tao at nagmamadaling umupo sa sofa saka nanuod din ng T.V.Natawa naman kami sa inasal ni Tao.
Himala at ngayon lang uli sila nagpakita sa amin.Magkakaibigan kaming lahat.
Magkapatid si Kris at Tao.Mas matanda si Kris kesa kay Tao, kaya wag na kayong magtaka kung isip bata ang isang yan.
Sandali akong napatngin sa kinaroroonan nina Cristine at Tao.Ang totoo niyan ay parang aso at pusa yang dalawang yan.Parehong isip bata eh.
Si D.o naman ay pinsan namin, pero sa aming lahi sya ang pinakamaliit.Paano ba naman ay matatangkad kami tapos sya maliit hahaha.
Lastly, si Xiumin.Hindi ko kilala yun.Sino ba yun?
Hahaha joke *derp*
Si Xiumin ay bestfriend ng kapatid kong si Cristine at kaibigan ko yan simula pagkabata.Si Xiumin syempre ang pinakamalakas magdiet sa amin.At sa tingin ko nga rin ay may lihim na nagaganap, basta! Hahaha I smell something fishy.
Bakit nga pala ako nagkekwento?Pssshh.Ayos lang pogi naman ako diba? *super derp*
Naiwan si Tao sa sala at nagtungo na kami sa kusina.

BINABASA MO ANG
Thinking Of You
Teen FictionA memories that just lost because of one mistake, and then she gone. If she came back , will you just forget all the memories you spent together or you will wait until she remember you. But in one condition, you should not fall inlove to her.