Chapter 10

31 5 0
                                    

Chapter 10: Jealous 1.2?

Jade POV

Pagkaalis ni Andrew ay pumasok na ako. Pagkapasok ko naman ay nakita ko ang ngiti ni mommy na tila nanunudyo.

"What?" Sabi ko kay mommy.i Paano ba naman ngumingiti na parang ewan.

"Anak hindi mo ba talaga sya suitor?" Sabi ni mommy. Haysst lagi na lang yan ang tanong ni mommy sakin. Paulit ulit na.

"Mommy, hindi nga po, were just friends" sabi ko. Friends nga lang ba ? O more than friends?  Sabi nang utak ko. Aba pati ba naman utak author nagsasalita?

(A/n : hahaha. Hayaan mo na iimagine mo na lang)

Ah. Sige sige. Ayon nga sabi ng utak ko kung Friends nga lang ba ? O kung more than friends . Friends nga lang ba?

"Ayiee. Nag iisip pa. Wag mo na kasing ideny. Di naman ako tutol" sabi ni mommy saka umupo sa sofa at nanunuod ng tv.

"Mommy naman eh ! Hindi nga po" sabi ko na namumula na. Kinikilig ba ako kay Andrew?

"Hayss hayaan mo anak naiintindihan kita . Nasa deny stage ka pa."sabi ni mommy saka nagtatatawa.

Oo nga pala wala na akong daddy. Matagal na . He's already dead when Im 6 yrs. old pa. Because of his cancer.

"Ang mabuti pa ay ibili mo na lang ako ng cappuccino (a/n: guys di ko alam kung tama ba ang spell nan ha?) " sabi ni mom habang nanunuod pa din.

"Mom wala ka po bang work?"sabi ko. Meron kasi kaming company. Eh nagtataka ako kung bakit di sya pumasok sa company namen.

"Wala anak. Tinatamad akong pumasok. Magpapahinga muna ako ngayong araw. Baka bukas o mamayang gabi." Sabi nya.

Kaya nagbihis na lang ako ng simpleng t shirt, pants and rubber shoes para pumunta sa coffee shop.

Pagkalabas ko ay naghanap agad ako ng taxi. Hindi ko ginamit ang kotse namin. Tinatamad ako, wala din naman ang driver namin kaya no choice ako.

Nang makahanap ako ng taxi ay sumakay na ako at tumungo na sa coffee shop.

Pagkarating ko sa coffee shop ay bumababa na ako sa taxi at iniabot ang bayad.

Pagkapasok ko ay agad kong nakita si Andrew, lalapitan ko na sana sya, kaso may kasama syang babae. Si Athena?

Akala ko ba uuwi na sya? Bakit kasama nya si Athena?

Di ko maiwasang mainis dahil nag sinungaling si Andrew sakin.

Nagdadate siguro sila. Pero ano naman ang masama dun? Diba dapat pa akong matuwa para sa kanila?

Bakit parang ang sakit nila sa mata?

Athena POV

Nandito kami ngayon ni Andrew sa isang coffee shop. Oo KAMI . As in KAMI ?!!! omy geeee !!! Pinahiram nya ako ng jacket kasi baka mabastos nanaman daw ako.

My gosshhhh !!!! Is he concern about me ?

Pinagmasdan ko lang ang mukha nya na abala sa pagtetext. Maya maya'y umorder kami ng kape.

"Athena. Next time kung magjojogging ka huwag kang magsusuot ng ganyan ha? Baka mabastos ka nanaman."sabi nya habang nakatingin sakin.

Ayieee !!! Kinikilig ang dyosa ! Ang pogi talaga ni Andrew my loves. 'My loves agad? ' Che! Ginugulo pa ako ng maganda kong isip.

Nagkekwentuhan kami ng biglang tumingin si Andrew sa likod ko.

"Jade !"sigaw nito na parang nabuhayan at nagkakakaway pa.

Si bessy?!!! What the .!

Maayos na sana kami eh. Bakit dumating pa si Bessy?

"Jade come here." Sabi ni andrew at nakita ko namang lumapit si bessy at umupo sa tabi ni Andrew.

Aisshhhh !!!! Kasura !!
Bakit ganun ! T______T Ngayong magkatabi na sila ay mukha silang magbf/gf at mukha naman akong itsupwera !

"Anong ginagawa mo dito?"sabi ko. Mag iinsert pa sana ako ng sarcastic tone pero wag na baka mahalata nila ako !

"Uhmmm. Im here to buy my mommy a capuccino." Sabi nya na parang may lungkot sa kanyang mata? Haleerr ! Anung problema ng babaeng ito?

" Ah okay ako na ang oorder para sayo." Sabi ni Andrew at umalis sa upuan.

Tinitigan ko naman ang babaeng ito. Halata sa mukha nya ang pagkalungkot na may halong pagakagalit?

Agad naman akong nakaramdam ng awa sa kanya kahit kaagaw ko sya kay my loves . She's still my bestfriend.

"Bessy, uhmm ayos ka lang ba?" Sabi ko sa kanya. Pero di ata nya ako napansin kasi tila ang lalim ng iniisip nya.

Huwaat !! Iniisnob lang nya ang kagandahan ko? Tsk!

Maya maya ay biglang dumating si Andrew na dala na ang kape.

"Jade oh. Here's the coffee."sabi ni Andrew at nakangiti pa . How I wish na ngumiti din sya sakin ng ganyan.

"A-ah.  Thank you. Sige alis na ako." Sabi nya at parang nagmamadaling umalis. Kaso pinigilan sya ni Andrew.

Sana ganyan din sya sakin.

"Uhmm. Sabay na tayo. Uuwi na din ata si athena eh. Diba athena?" Sabi ni andrew habang hawak ang kamay ni bessy.

Ouch </3

Alam nyo ba yun? Ang sakit sakit na. Palagi na lang ako mukhang kawawa. I think i will say yes to pei. To cooperate with her plans.

"A-ah. Y-yes." Sabi ko habang nakatungo.

"Kung ganun. Tara na!" Sabi ni andrew at inakbayan si Bessy.

How I wish I was her. Nasa likod ako ng dalawa. Grabe! Manhid ba talaga si Andrew?

Pagkalabas namin ng coffee shop.

"Sige bye na. Magtataxi na ako." Sabi ni bessy pero hinila naman sya ni Andrew.

"Wag na sumabay ka na samin." Sabi ni andrew habang nakatingin kay jade. Alam nyo yun? Yung tinging nagmamahal talaga. Nandito naman ako ah? Bakit ba jade sya ng jade!

"No need. Thanks na lang." Sabi ni jade at sumakay na sa taxi.

At pagka alis ni Jade nanatili ang katahimikan. Nanatili kaming nakatayi dito sa harap ng coffee shop.

"Uhmm. Andrew I think kailangan ko na ding umuwi."sabi ko habang nakatingin sa kanya. Ang gwapo talaga nya.

"Ahh ok. Tara na sa kotse hatid na kita sa inyo." Sabi nya at nagsimula nang maglakad papalayo.

Bakit ganun? Si bessy hinahawak nya sa kamay. Bakit ako hindi?

"Thanks for the offer pero wag na. Magtataxi na lang din ako. " sabi ko. Pero inaasahan kong pipigilan nya din ako kaso nagkamali pala ako.

"Ok . Ingat ka na lang." Sabi nya at nagpatuloy na sa paglalakad.

Tumalikod naman ako at nagsimula nang maglakad.

Bakit ganun? Si jade pinipigilan nya. Pero... bakit ako hindi?

Hindi ko namamalayan na may mga luha na pala sa aking pisngi.

Umiiyak nanaman ako ng dahil sa kanya.

-------

(A/n:)

Mianhe(╥_╥) kung matagal nakapag UD. Busy lang po talaga ako sa school dahil kailangan kong bumawi ngayong 3rd Quarter. Mianhe talaga.

Vote and feel free to comment

Kamsa♡♡

Thinking Of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon