Chapter 13

11 6 0
                                    

Chapter 13: Unexplainable movement

Someone POV

"Miss, natanggap mo na po yung mga pictures?"sabi ng isang boses sa kabilang linya.

Tiningnan kong muli ang mga litrato at niyukumos ito. Mukhang ang saya nilang dalawa sa litrato ha?! Ang sweet pa nilang dalawa.

"Oo." Mahinahon kong sabi. Binaba ko na ang telepono.

Nanggagailiti akong napasigaw dahil sa inis. Pinagbabato ko lahat ng mga gamit na nandito sa lamesa.

Akala ko ba malinaw na sa kanya ang lahat ng pinag usapan namin? Akala ko ba nagkakaintindihan na kami ?

Binato ko yung niyukumos kong litrato sa basurahan.

Kinuha ko ang aking baril at ikinasa ito. Itinutok ko ito sa isa sa mga tauhan ko.

"M-miss" saad nya.

Ibinalik ko ang baril sa lamesa at umupo sa upuan ko saka napahalumbaba.

Ako pa? Ako pa ang niloko mo? Humanda ka saking lalaki ka. Kayo ng babae mo. Dahil hinding hindi mo na ako maloloko pa.

Athena POV

Maaga akong pumasok dahil trip ko lang. Duhh? nakakapangit kaya ang traffic! Mawala pa ang mala dyosa kong mukha at baka mawalan na talaga ako ng pag-asa kay andrew baby.

Pagpasok ko palang sa beautiful naming school. Bakit wala pa masyadong students? Paano nila makikita ang mala godess kong beauty?

Hayy, I pout as I went to my classroom. But I keep my poise by doing that.

As I enter to my room, may nakita akong guy na nakaub ob sa isang arm chair. Syempre lumapit ang dyosa malamang? Duhh.

Pagkalapit ko, si Andrew my baby!!^O^

Tinitigan kong mabuti ang natutulog nyang mukha. Waaaah!!(≧◇≦)

Ang cute cute nya! Ang cute ng derp na ituuuu!! Bagay na bagay sa dyosang ako. Inilapit ko pa lalo ang mukha ko sa kanya para mapag aralan pa lalo ang bawat sulok ng mukha nya.

Hanggang sa mapatigil ang tingin ko sa labi nya ≧﹏≦.Infairness , kissable lips. ̄ε  ̄ . Ang tangos pa ng ilong. Ang gwapo gwapo.

Maya maya ay gumalaw galaw na sya kaya nabigla ako. Oh my God! What to do? Tumalikod na ako at akmang aalis na ng bigla syang nagsalita.

"Anong ginagawa mo sa harap ko?" Sabi nya. Kaya agad akong napaharap sa kanya. Thanks God nakapikit sya. Kung hindi makikita nya ang pag blublush ko.

"A-ahhh. Itatanong ko sana kung…" sabi ko at tumungo. Aiish, ano bang sasabihin ko? This is the first time na nahiya ako sa isang lalaki. I used to it. I used to flirt guys, pero bakit pag sa kanya na iispeechless ang maladyosa kong mouth?

"Kung?" Sa pagkakataong ito nagmulat na sya at umayos na ng upo. Tumingin sya diretso sa mga eyes ko. Sa beautiful eyes ko.

"Uy guys? May assignment na kayo?" Biglang sigaw ng kaklase ko na kapapasok pa lang ng classroom.

Ano ba yan! Morning na morning sumisigaw! Naririndi ang beautiful ears ko!  Pero thanks na rin at dumating yung classmate ko. Umalis na ako sa harap ni Andrew at nagpunta sa upuan ko.

Maya maya lang ay nagsidatingan na ang mga kaklase kong maliligalig. Ang ilan naman ay binati ako ng good morning. Syempre ako pa! Maganda ako eh(*^▽^*)

"Ang agap mong pumasok ah?" Si jade. Niyakap ko naman sya at kiniss sa cheeks. Ganoon rin naman ang ginawa nya.

"Wala man lang bang good morning beautiful dyan?" Nakangusong sabi ko.

Thinking Of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon