Chapter 17: Evil
Eurydice POV
Hayy. Salamat at walang pasok ngayon kasi sabado. Napatitig naman ako sa kisame at napaisip.…
Bakit nga kaya kailangan pang lumipat sa ibang room nina Pei at Matthew? Dami nilang alam eh. May palipat lipat pang nalalaman.
*tok tok*
Napabalikwas ako sa higaan at muntik pa akong malaglag sa kama. Aissh. Nakakagulat kasi!
Babangon pa lang ako ng biglang bumukas ang pinto at lumapit sa akin ang kuya ko.Umupo sya sa kama ko at pinagmasdan ang kwarto ko.
"Wala pa ding pagbabago ah?" Nakangiting sabi nya habang nililibot pa rin ng tingin ang kwarto ko.
Tuluyan na akong bumangon at dumiretso ng banyo upang maghilamos. Ayaw kong magsalita sa harap ng kuya ko ng hindi pa nagmumumog.Kadiri kaya.
Pagkalabas ko ng banyo ay saktong napatingin siya sa akin. "Akala ko kailangan pa kitang kaladkarin sa banyo para mag ayos ng sarili mo, salamat naman at may pagkukusa ka na."
Inirapan ko lang sya saka tumawa. "Sige kuya tawa pa. Umuwi ka lang ata para asar asarin ako eh." Sabi ko tsaka nagpout habang umuupo sa tabi nya.
"Haha. Hindi ah? Namimiss ko na kayo eh." Sabi nya tsaka inakbayan ako. Niyakap ko naman sya. Ang bango bango talaga ng kuya ko hahaha.
"James! Jade! Sali naman si Mommy sa yakapan nyo!" Sabi ni mommy at nakiyakap din.
"Tara na, tama na yan. Kumain na muna tayo ng breakfast at kailangan ko pang pumasok sa work." Nakangiting sabi ni mom at kiniss nya kami sa cheeks namin ni kuya at nauna na siyang pumunta sa dining area.
Tumayo na rin si kuya at inilahad ang kanyang kamay. Inabot ko naman ito at nagtungo na kami sa kusina.
Pagkatapos naming magbreakfast ay kaming dalawa nalang ni kuya ang naiwan sa bahay dahil pumasok na si mom sa work nya.
Pareho kaming nakahilata ni Kuya sa salas habang nanunuod ng t.v , ano kayang magawa dito? Wala naman kaming assignment kaya wala akong mapag-abalahan .
Bigla akong binato ni Kuya ng unan sa mukha."Kuya! Ano ba!" Inis kong sabi. Ang sakit kaya. Tumawa naman ng malakas si kuya, kaya lalo akong nainis.
"Samahan mo akong mamasyal. Alam kong naboboringan ka din dito sa bahay." Sabi nya. Ayun! Salamat at hindi lang pala ako ang nakakaramdam ng pagkabagot dito sa bahay. Pero, bakit kailangan pang mangbato ng unan sa mukha? May hangin ata ito sa ulo eh.
Pumunta kami ni Kuya sa mall at nag uli. Parang tanga kasama si kuya eh , nasa loob ng mall nakashade? Ang taas naman ata ng araw dito tsk. Two years lang ang pagitan namin ni kuya pero mukha kaming magkasing edad.
"Saan tayo?" Tanong ni kuya at tumigil muna kami sa paglalakad. "Nasa mall." Pilosopong sabi ko. Nagtaka naman si kuya sa sinabi ko.
"Huh? Anong pinagsasabi mo diyan? Tara na lang sa arcade." Sabi nya saka ako inakbayan habang patungo sa arcade area.
Pagkarating namin ay dumiretso agad si kuya sa basketball. May court naman sa tabi ng bahay namin ah? Bakit hindi na lang sya dun magshooting ng basketball? Sosyal sya ha, gusto may aircon pa.
Napaupo naman ako sa may parang tekken? Ah, ito yung nilalaro ni Andrew nung dating pumunta kami sa mall.Naghulog ako ng token at sinimulang maglaro ng tekken. Nagpipindot lang ako na parang sisirain na itong tekken na ito. Malamang, hindi naman ako marunong maglaro nito. Nacurious lang ako kung bakit nila nagustuhan itong larong ito ay ang pangit pangit naman.
Biglang may kumuhit sa akin at pagkaharap ko ay si Orpheus pala. Bakit sya nandito? Ay ang tanga ko pala malamang mall ito. -_-||
"Mukhang sisirain mo na yan ah?" Natatawa nyang sabi saka tumabi sa tabi ko. Ngumiti naman ako na parang nahihiya. Nakakahiya kasi, hindi naman kasi talaga ako marunong nito hehe.
"Hindi kasi ako marunong nito." Pag amin ko da kanya. Wala eh, huli na sa akto.(´ヮ')
Bigla naman syang tumayo at nagtungo sa likod ko. "Huwag kang mag alala, tuturuan kita." Sabi nya tsaka kumindat. Dumikit naman sya sa likod ko at hinawakan ang kamay ko.
Tinuturuan nya ako kung paano maglaro ng tekken ng biglang…
"Ehem!" Malakas na pag ubo ni kuya kaya agad kaming napalingon ni kuya sa kanya. Umalis naman sa likod ko si orpheus at tumingin kay kuya.
"Bakit pre? May problema ba?" parang inis na sabi ni orpheus. Hala! Baka bigla nyang awayin si kuya? Ay! Hindi pa nga pala nya kilala si kuya.
Lumapit naman ako sa tabi ni kuya at ipapakilala ko na sana sya sa kuya ko ng biglang magsalita si kuya at inakbayan ako.
"Wala naman. Masyado ka kasing malapit sa girlfriend ko" sabi ni kuya saka ngumisi. Hindi na ako nabigla sa sinabi nya kasi ganyan yan pag may lumalapit na lalaki sa akin na hindi nya kilala.
Nakita ko naman ang pagkabigla sa mukha ni orpheus at maya maya lang ay napalitan ito ng ngisi at masamang tinignan si kuya mula ulo hanggang paa.
Hala! Anong problema ni Orpheus at may paganyan pa syang eksena? "Masyado na ba akong naging mabagal at may naunahan ako ng ugok na ito?" galit na sabi nya.
Nagulat naman ako sa inasta nya. Bakit ganyan sya? Parang hindi sya si Orpheus? Maging si kuya ay nagulat din pero napaltan ito ng ngisi.
Mas lalo akong inilapit ni kuya sa kanya. "Wala eh, pagong ka siguro kaya naunahan ka ng ugok na ako. Ang kaso nga lang ay hind bagay sa gwapo kong mukha ang salitang ugok, baka sayo?" Sabi ni kuya at ngising ngisi pa kay orpheus. Siniko ko naman si kuya. Aishh hindi pa kasi alam ni kuya na kaibigan ko si orpheus!
"Tara na nga mahal, hayaan na nating isa isip nya na sya yung ugok sa aming dalawa." Malakas na sabi ni kuya at hinigit na ako paalis. Nanlaki naman ang mata ko sa gulat dahil sa sinabi ni kuya. Naghahanap pa ata si kuya ng away eh!
Lumingon naman ako sa likod para tignan si Orpheus kung nandoon pa sya. Hayss. Itetext ko nalang sya mamaya na kuya ko itong kinausap nya at hindi boyfriend.
Ngunit pagkalingon ko ay agad akong napakapit ng mahigpit kay kuya at nanginginig na hinigit si kuya na makasakay na sa elevator.
Pagkapasok namin sa elevator ay bigla akong napahawak sa dibdib ko sa sobrang takot. "May problema ba? Namumutla ka !" Nag aalalang sabi ni kuya. Ngunit hindi ako makapagsalita sa sobrang takot.
Hindi ako makapaniwala sa nakita ko kanina nung lilingunin ko sana si Orpheus. O-oo n-nandoon sya pero… nung makita ko sya. Sobrang sama ng tingin nya sa amin ni kuya at bigla syang ngumisi na parang d-demonyo. Na parang may b-balak sya sa aming m-masama.
B-bakit sya naging g-ganoon? H-hindi na sya yung O-orpheus na nakilala ko.…
Yung totoo, ano na bang nangyayari sa mga tao ngayon? Feeling ko tuloy nasa panganib ang buhay namin ni kuya.
Orpheus POV
Boyfriend nya yun? Huh!! Ugok pala ha?!
Masama kong tinignan yung kasama ni eury ko. Boyfriend pala ha? Hayaan mo, hindi kayo magtatagal dahil sa gagawin ko ay ikaw mismo ang makikipaghiwalay kay eury ko.
Sa akin lang si Eury ko! Akin! Akin lang!
Biglang tumingin sa akin si Eury ko at nakita na akong masamang nakatingin sa kanila. Ngunit bigla syang namutla at nanginginig na hinigit yung lalaking kasama nya paalis.
Hala! Natakot ata sa akin si Eury ko! Ang tanga ko talaga! Masyado akong nadala sa galit ko.
Huwag kang mag alala eury ko. Mapapasa akin ka rin. Dahil akin ka naman talaga. Aking LANG.
-------(A/n:)
Ito po yung kuya ni Jade.
Vote na and feel free to comment 😁
Kamsa♡♡
BINABASA MO ANG
Thinking Of You
Teen FictionA memories that just lost because of one mistake, and then she gone. If she came back , will you just forget all the memories you spent together or you will wait until she remember you. But in one condition, you should not fall inlove to her.