Chapter 15: Everything has Changed
Eurydice POV
Pag gising ko pa lang ay agad akong napangiti dahil nakatanggap ako ng text galing kay Andrew.
From: 0939*******
Good morning Jade :* si Andrew 2.
Ayan. Sino ba naman ang hindi mapapangiti sa text na yan? Ang sweet eh! Angg swerte naman ni Athena kay Andrew. Yiieeh! Kaya bagay sila eh. Haha.Agad naman akong bumangon at naligo na.
Pagkatapos kong maligo ay nadatnan ko si Mommy sa dining area na nagkakape. Napansin ko ding nakahanda na ang almusal kaya pumunta ako sa harap nya at kiniss sya sa cheeks.
"Good morning mom." Nakangiti kong bati kay mom.
"Good morning. Sweetie, malapit na palang umuwi ang brother mo. Bakasyon lang sya dito ng 1 week." Sabi ni mom habang nagbabasa ng mga documents sa laptop na may kinalaman sa company namin.
Napatango nalang ako at nagsimulang kumain. Naunang umalis si mom dahil may meeting pa daw sya sa isang investor kaya ako nalang ang naiwan tsaka yung 2 maid namin.
Pagkalabas ko ng gate ay sumalubong sa akin ang isang kotse na pamilyar ang itsura sa akin. Kotse ito ni--
"Good morning Jade." Nakangting bati sakin ni Andrew.
"Good morning din." Nakangiti ko ring sabi sa kanya, so hindi ko na naman pala madadala ang kotse ko? Pssh. Ayos lang para tipid sa gas.
Sumakay na kami pareho ni Andrew sa kotse nya at tumungo na sa school. Pagkapunta namin sa school ay nakita ko si matthew!
Agad akong bumaba sa kotse at tinawag si matthew.
"Bestfriend!" Nakangiting sigaw ko at kumakaway kaway pa. Pero bigla akong nanlumo nung nilagpasan lang nya ako at hindi man lang nilingon. Baka naman hindi nya ako nakita? Pero imposible .
Tumungo na lang ako at dumiretso ng classroom.
"Huy! Jade! Nang iiwan ka naman eh!" Hingal na sabi ni Andrew kaya nagulat ako.
Ay! Oo nga pala? Nakalimutan ko si Andrew. Nagsorry ako sa kanya at tumawa naman sya kaya sabay na kaming pumunta sa room ni Andrew.
"May problema ba si Matthew?" Malungkot na sabi ko. Ito kasi yung first time na hindi nya ako pinansin kaya nalungkot ako bigla.
"Hindi ko alam eh, pero kung meron man, hayaan na lang muna natin sya ha?" Nakangiting sabi sakin ni Andrew. Pinat nya ang ulo ko. Namiss ko tuloy lalo si kuya.
Pagpasok namin sa room ay syempre binati ako ni athena.
Hanggang sa nagsimula na ang klase. Napansin ko ulit na wala nanaman sina Matthew at Cassiopeia. Hindi na ako nagpalinga linga kasi baka mapagalitan na naman ako.
Biglang nagsalita yung adviser namin. "Class, lumipat na nga pala yung dalawa nyong kaklase na sina Mr. Santillan, Matthew and Ms. Maldrigo, Cassiopeia. Pero magiging kaklase nyo pa rin sila sa major subject. So sa lahat ng course subject nyo hindi nyo sila kaklase, sa major lang oo." Sabi ni Ma'am. Kaya nagpatuloy na ulit si Ma'am ng klase.
Nagkatinginan kami ni Athena at bakas sa mga mukha namin ang pagkagulat. Bakit lumipat si Matthew at si Pei? Bakit hindi nagsabi samin si Pei?
Hanggang sa nag lunch break na. Biglang lumapit si Athena sa akin.
"Gosh girl! Bakit nagpalipat si pei? At bakit parang sabay pa talaga sila ni matthew nagpalipat? Mga chaka." Galit na sabi ni Athena.
"Aba malay ko? Kung gusto nyang magpalipat, dapat man lang sinabihan man lang nya tayo hindi yung bigla nalang syang lilipat." Medyo inis na saad ko. Bakit hindi man lang nya kami sinabihan? Kaibigan naman nya kami ah?
Kaya pumunta na lang kami ni Athena sa canteen at narinig nanaman ang mga sigawan at bulungan ng iba, pero may sa medyo huli may napansin akong iba.
"Waaah! Ang sexy talaga ni Athena!"
"I know right!" Sabi ni Athena at kumindat pa.
"Wooh! Pare! Sabi ko sa iyi eh, mapapansin ako ni Athena!"
"Jade ang ganda ganda mo talaga!"
Ngunit pag kaupo namin ay may narinig akong bulungan at ito na iyong sinasabi kong kakaiba.
"Girls alam nyo ba? Nakita ko si Matthew at Cassiopeia na magkasama?"
"Oo nga. Magkaholding hands pa nga sila eh."
"At ang sweet pa nila. Kaklase ko ang dalawang yan sa course subject except sa major subject."
"Yaah! Edi ang swerte mo!!"
"Anong swerte? May cassiopeia na nga diba?"
"Ay oo nga pala. Nakakainggit naman si Cassiopeia"
"Oo nga eh."
"Hey! tama na ang pagiging tsimosang froglet girl, eto at kumain ka na ng magkalaman ang utak mo para mamaya sa business math natin. Harhar." Maarteng sabi ni Athena at umupo pa with poise. Hindi ko alam kung paano ako nagkakaibigan ng malandi -_-.
Natapos na kaming kumain at may natitira pa kaming dalawang subject na itatake. Ang major course.
Naglalakad kami pabalik ng classroom ng biglang makasalubong namin sina Matthew at Pei na nagkukulitan sa daan. Tama sila, ang sweet nga nilang tignan. Pero bakit parang ang sakit nila sa mata?
Hanggang sa mapahinto kami sa harapan ng dalawa.
"Hello pei!" Masiglang bati ni Athena. Pero napansin kong ang kaninang tuwang tuwa na expression ni Pei ay napalitan ng coldness at pumulupot sya kay Matthew. Ganoon din si Matthew, ang kaninang masaya nyang mukha ay biglang naging blanko.
"Bakit?" Halatang cold na sabi ni Pei. Napatingin naman ako sa kanya na may halong pagtataka. Oo, cold talagang magsalita si pei at sanay na kami doon. Pero bakit parang iba ngayon? Bakit parang kung makipag usap sya sa amin ay parang hindi nya kami kilala? At parang ayaw nya kaming kausap?
"A-ah n-nothing." Nakatungong sabi ni athena kaya nagpatuloy na sa paglalakad ang dalawa at malakas na binangga pa ako ni Pei. Nadapa ako at nagkaroon ng sugat sa tuhod at siko. Medyo napasama ang bagsak ng hita at braso ko kaya talagang masakit.
Inalalayan naman ako ni Athena at nakatungong parang walang magawa sa pagbangga sa akin ni Pei. Kahit ako, nawalan ako ng lakas upang komprotahin si Pei. Dahil di ko talaga inaasahan ang mga nangyayari ngayon.
"Ouch." Medyo naiiyak na sabi ko dahil ang hapdi talaga. Inaasahan kong lilingon sa akin si Matthew upang tulungan ako pero hindi. Nagpatuloy lang sila sa paglalakad na parang walang nangyari.
"T-tara, d-dadalhin k-kita sa c-clinic." Medyo nauutal na sabi sakin ni Athena. Magsisimula pa lang kaming maglakad nang madadapa na naman ako ng biglang may sumalo sa akin.
"Eury." Seryosong saad nya. At doon na tuluyang bumagsak ang mga luha kong tila kanina pa nagbabadyang bumagsak.
Binuhat ako ni Orpheus at dinala sa clinic. Nakasunod sa amin si Athena.
"Eury ano bang nangyari?" Nag aalalang sabi ni Orpheus. Ngunit nanatili lang akong walang imik na parang pipi.
Bakit? Bakit biglang nagbago ang pakiktungo nila sa amin? Bakit bigla silang nag iba? Lalo na si Matthew na bestfriend ko. Akala ko ba poprotektahan nya ako at di hahayaang masaktan? Asan na si super matthew?
Pumatak ang huling luha sa mga mata ko at unti unti itong pumikit.
-------
(A/n:)
Waaah! Kakaiyak. Bakit nga ba biglang nagbago ang pakikitungo ni Matthew at Cassiopeia kay Jade? Baka next next next chapter pa lumabas ang side ni Matthew at Cassiopeia.
So stay tuned. At enjoy reading !
Vote na and feel free to comment 😁
Kamsa♡♡
BINABASA MO ANG
Thinking Of You
Teen FictionA memories that just lost because of one mistake, and then she gone. If she came back , will you just forget all the memories you spent together or you will wait until she remember you. But in one condition, you should not fall inlove to her.