SHV

48 6 0
                                    

"Sana naman nakapasa ako para sa scholarship." Medyo kabadong nakaupo ako ngayon sa isang couch ng mamahaling skwelahan dito sa village namin. Masyado kasing maluho si tatay kala naman niya mayaman kami.

Ilang minuto pa akong naghintay na lumabas yung babaeng nagpa-exam sakin kanina nagiinit na nga yung pwetan ko sa sobrang tagal niya eh.

"Ms.Vergara come in." Finally, lumabas din siya agad naman akong sumunod sakanya papasok doon sa loob ng principal's office. Sobrang namangyan ako sa nakita ko as in taga bundok na kung taga bundok pero ang ganda ng loob halos nga yung buong office nung principal eh kasing laki lang ng lumang bahay namin eh.

"Ma'am nandito na po siya." Nabalik naman ako sa wisyo ko ng magsalita ulit yung babaeng kasama ko. Matangkad siya, maganda, mahinhin at medyo mahiyain at ang cute ng boses niya ha siguro nasa mid 30 na siya sa itsura niya pero maganda.

"Please take a sit ms.Vergara." sabi sakin nung principal. Maputi siya, may katabaan, siguro nasa 50 or 60 years old na siya sa itsura niya, makapal ang make up pero bagay naman sakanya at may maikling buhok.

"Thank you Ma'am..."

"I just wanted to congratulate you, nakapasa ka para sa scholarship na gusto mo. Welcome to Cecilea High the school for genius, elegant and clever student." Halos tumalon ako sa kinauupuan ko ng marinig ko ang sinabi nung matabang principal na kaharap ko.

Pagkatapos naming magusap nung principal umalis na agad ako para umuwi na medyo gutom na din kasi ako tsaka gusto ko ng sabihin kay mama ang good news ko para sakanya.

Pero bago ako umuwi dumaan muna ako sa bilihan ng kakanin para bilhan si mama ng paborito niyang kutsinta.

Nang makarating na ako sa bahay...

"Mama! Tatay! Nandito na po ako!" Pakanta kong sigaw.

"Shh anak baka magising ang kapatid mo." Nakangising saway naman ni tatay.

"Sorry po, masaya lang po ako."

"Ay nga pala anak kamusta na pala yung exam mo kanina, anong resulta? Pasado ba?" Sunod sunod na tanong ni tatay.

"Saglit lang tatay kailangan po kasi nandito si mama para malaman niya na rin."

"Oy oy oy ano yan mukhang nagkakatuwaan kayong magtatay ha?!" Bigla namang sumulpot si mama sa likuran ni tatay kaya nagulat siya at nagsimula na kaming magtawanan.

"Mama, tatay." Pagpuputol ko sa tawanan naming tatlo, napatingin naman sila sakin ng seryoso.

"Bakit anak?!" Sabay nilang tanong.

"Nakapasa po ako sa exam!" Masayang sigaw ko, lumapit naman silang dalawa sakin pagkatapos ay niyakap ako.

"Magandang balita yan anak oh ano pang hinihintay niyo nakahain na ang special na palabok ko sa hapag." Nagkatinginan naman kami ni tatay at nagunahan pa kami papuntang lamesa.

Tahimik kaming kumain nila tatay at mama kasama ang bunsong kapatid kong si Jhonny kulang pa kami ng isa si Janice pero hindi na namin nahintay dahil sa sobrang gutom namin nina mama at tatay.

"Ate Seah!" Hmp, speaking of the angel.

"Ay! Kinalimutan niyo na ako, hindi niyo na ako hinintay ate? Mama? Tatay?" At isa isa niya pa kaming tinitignan habang naka nguso pa.

"Lyka Janice Vergara, eh kung umupo kana kaya para makakain ka na din hindi yung magda drama ka pa diyan!" Tinignan ko siya na nakatingin din pala sakin habang naka nguso pa din.

"Naghahanap ng lambing si ate Janice." Asar naman ni Jhonny kay Lyka.

Hinila ko na lang siya sa tabi ko at pinagpatuloy namin ulit ang pagkain.

"Ay mama bukas po pala bibili na ako ng gamit ha!" Pagbubukas ko ulit ng ita-topic.

"Opo mama at sasama ako!" Pagsingit naman ni Lyka.

"Psh, manahimik ka nga diyan Lyka."

"Mama oh si ate!"

"Sige sige na oo na nga diba!"

"Magtigil nga kayong dalawa, sige na anak isama mo na ang kapatid mo bibigyan ka naman ng tatay mo ng pang gastos eh, diba Nard?" Napatingin naman si tatay saamin na para bang sinasabing 'wala akong alam diyan.'

"Mama oh si tatay!" Sigaw ko naman.

"O-oo naman Chi syempre bibigyan ko sila ng pang gastos.

Nabalot nanaman ng katatawanan ang hapag namin sa naging reaksyon ni tatay.

Ang sarap talaga ng buhay.

Love Before DEATH [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon