Seah - Joaquin

10 5 0
                                    

Seah's POV

One week.

Ghad pano niya ba ako napapayag?

I guess dahil na din sa kagustuhan kong lubayan na niya ako argh.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon dito sa room wala na kasi yung mga kaklase ko kasi kanina pa naguwian di ko ba maintindihan kung bakit ayaw pang gumayak nitong katawan ko pauwi.

Ilang minuto pa akong nagtagal doon.

Wala akong ginawa doon kundi tumitig sa board na puro equation ang naka sulat.

Paglabas ko ng campus sumakay agad ako sa tricycle pero hindi papuntang bahay.

Pupunta muna ako sa ospital kung saan ako laging dinadala at kung saan ko unang nakilala si Seb.

Kahit naman inis ako sakanya at hate na hate ko siya, namimiss ko pa din yung mga alaala namin doon.

Pagbaba ko dumiretso agad ako sa garden kung saan kami laging naglalaro ni Seb.

Habang hawak ko ang kapiraso ng bola na iniwan niya sakin naisipan kong gawin ang dati naming ginagawa.

Tumayo ako sa gilid ng isang malawak na ilog basta anyong tubig siya.

At sumigaw ng pagkalakas lakas.

"Seeeeeb!"

Malawak ang ospital na to at sobrang daming puno para nga siya isang mansion sa tuktok ng bundok ganun siya kalaki.

At natutuwa din ako sa tuwing naririnig ko ang echo ng boses ko.

Pumulot ako ng maliliit na bato at sinimulan ko itong hinagis sa tubig.

Ang sarap sa pakiramdam.

Feeling ko kasama ko pa din siya sa tuwing ginagawa ko ang mga bagay na dati ay ginagawa naming magkasama.

Hmm...

Babalik pa kaya siya?

Tutuparin niya pa kaya ang mga pangako niya sakin?

Sana oo pero parang malabo na.

Tatanggapin ko naman ulit siya eh basta wag niya akong paghintayin ng sobrang tagal.

Tumigil na ako sa pagbato dahil nakaramdam na ako ng pagod kaya nagdesisyon na akong umuwi na.

-

Joaquin's POV

"Seeeeeb!"

Nagising ang diwa ko ng marinig ko ang sigaw na yon.

Hindi ako pwedeng magkamali siya yun.

"Eah." Bulong ko sa hangin.

Kaya dali dali akong umayos ng upo sa kinauupuan ko.

Nandito ako ngayon sa isa sa pinaka mataas na puno dito sa garden ng ospital.

Dito ang favorite place namin sa tuwing naglalaro.

Maliit pa tong punong to noon at ginagawa pa namin tong bahay bahayan.

Mabalik.

Buti na lang at nandito ako ngayon sa itaas ng puno at malapit lang ako sakanya kaya kitang kita ko ang mga ginagawa niya.

I know na galit siya sakin.

Pero sana maintindihan niya ang dahilan kung bakit kailangan naming umalis.

Nung inilipat namin ang kapatid ko nun sa ibang hospital then after 1 week she died.

Kaya umuwi si ate dito para samahan ako at para na din bantayan ako.

Alam kong mali ako nun dahil hindi ako nagpaalam pero mas okey na din yun kesa naman sa mahirapan pa akong umalis.

I don't want to leave her but i have to.

At ngayong nakita ko na siya ulit I don't want her to leave me.

Alam kong ang unfair ko.

But ipapangako ko sakanya na hindi ko na siya iiwan ulit kahit ano pang mangyari.

Buti nga at pumayag siya sa one week na hiling ko.

Pagkatapos nun ay hindi naman sa hindi ko na siya guguluhin pero babantayan ko siya.

Kahit saan siya pumunta o ano pang ginagawa niya.

Gusto ko siyang bantayan habang buhay kahit na may asawa't anak na siya.

Gagawin ko to para maging masaya siya.

Pero hindi ko alam kung paano sasabihin sakanya kung sino talaga ako.

Pano kung hindi na niya ako tanggapin? O kaya naman ay ireject niya ako.

Alam kong marami siyang tanong sakin at handa akong sagutin yun lahat lahat kahit abutin pa kami ng isang buong araw.

Pag umiyak siya yayakapin ko siya.

Pag gusto niya akong saktan hahayaan ko siya.

Pag nanghina siya aalalayan ko siya.

At pag pinanghihinaan siya ng loob papalakasin ko yun.

Ganun ko siya kamahal.

Napansin ko namang unti unti na siyang umaalis at ng tuluyan na siyang umalis ay bumaba na din ako para umuwi.

i miss her so much.

Love Before DEATH [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon