Joaquin

8 4 0
                                    

"Alam kong ikaw yan Sebastian kaya kung maaari lang ay alagaan mo ang anak ko ayokong iwan mo nanaman siya gaya ng dati mahalin mo siya anak dahil hindi na siya magtatagal dito sa mundo pakiusap."

Hinding hindi ko makalimutan ang sinabi saakin ng tatay ni Seah matagal na pala niyang alam ang pagkatao ko at patuloy pa din nila itong itinatago kay Eah.

"Opo tito gagawin ko po lahat para kay Eah." Niyakap naman ako ni Tito tsaka siya pumasok sa kwarto ni Seah nagpaalam na din muna ako kay tito para umuwi muna.

Pumayag naman siya kaya mabilis akong umuwi dahil sa sobrang antok.

Friday pa din ngayon at mamaya ay makakalabas na din si Seah ng ospital nangako akong ako ang susundo sakanya buti nga at ayos na siya kaya napagdesisyunan nina tito na Ilabas na siya kaya mabilis kong tinapos ang ginagawa ko para hindi ako mahuli sa pag sundo sakanya.

Pero pag akyat ko sa office ni dad ay may pina gawa nanaman siya sakin pina arrange niya ang mga documents mula 2010 hanggang ngayong 2017.

The hell.

Mabilis ko namang ginawa yun pero nasa 2013 pa lang ako ay pagod na agad ang mata ko kaya naisipan ko munang umidlip tutal mamayang alas sais ko pa naman susunduin si Eah.

-

Nagising ako ng may umalog saking isang kamay pagkaangat ko ng ulo ko ay yung maid pala.

"Anong oras na po manang?" Bungad na tanong ko sa maid namin.

"Alas otso na po sir."

"What alas otso na? Manang bakit hindi niyo man lang ako ginising?" Inis na tanong ko.

"Eh sir mukhang pagod na pagod po kasi kayo eh." Napailing na lang ako dahil sa Inis.

Hindi na ako sumagot at tumakbo na lang ako palabas ng bahay sumakay ako sa kotse ko tsaka ko tinungo ang bahay nila.

Pagkarating ko sa tapat ng bahay nila ay nandon ang mama niya at si Lyka.

Nalaman naman agad ni tita ang pakay ko kaya pinapasok niya na lang ako sa bahay nila.

Pagpasok ko sa bahay nila ay walang katao tao kaya dumiretso na lang ako sa kwarto niya.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng bigla itong bumukas.

"Hijo." Bati niya nagmano naman ako sakanya pagkatapos ay ginulo gulo niya lang ang buhok ko.

"Tulog na siya." Sabi ni Tito tsaka na siya umalis dahan dahan ko namang pinihit ang seradura ng kwarto ni Seah pagkatapos ay lumapit ako kung saan siya nakahiga.

"Sorry hindi ko nanaman nagawa nag promise ko." Bulong ko.

"Sorry kasi kahit isa sa libong promise ko ay wala pa akong natutupad."

"Sorry kasi hindi ko kayang panindigan lahat ng lumalabas sa bunganga ko."

"Pero isa lang ang kaya kong patunayan sayo yun ay ang mahal na mahal kita kahit anong mangyari." Dagdag ko pa.

Nakaramdam nanaman ako ng antok pero ayoko pang umalis sa tabi niya gusto ko ay lagi ko siyang katabi sa bawat oras at minuto ng buhay ko.

Kaya yumukod na lang ako sa higaan niya tsaka ako pumikit.

Isang pagsabunot naman ang gumising sakin kala ko nga nung una ayaw nananaginip lang ako pero hindi pala.

Hinimas ko ang ulo ko dahil sa sobrang sakit dahil sa sabunot.

Pagangat ko ng ulo ko ay nakita ko si Seah na nakatingin sakin.

"Why are here?" Tanong niya.

"Ah eh binantayan kasi kita kagabi."

Love Before DEATH [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon