Nandito ako ngayon sa park kasama ang sarili ko syempre.
Pinapanuod ko ang mga batang naglalaro sa damuhan, ang saya talagang bumalik sa pagiging bata.
Ten years na ang nakakalipas nasan na kaya si Seb?
Bigla namang may lumapit na batang lalaki saakin.
"Ate gusto mo laro tayo?" Aya niya sakin.
"Hmm sige kayo na lang muna mamaya na lang ako sasali." Tanggi ko naman.
"Ah sige po babalikan po kita ha." Tumango naman ako tsaka ko siya nginitian.
Ang sarap nilang tignan habang naglalaro sila.
Gusto ko sanang maglaro pero baka ---
"Ate ito po oh ice cream." Bumalik nanaman yung batang lalaking niyaya akong maglaro kanina but this time may dala na siyang ice cream at syempre tinanggap ko naman yung ice cream sayang eh hahaha.
"Thank you."
"Welcome po." Tatakbo na ulit yung bata pero bigla ko siyang pinigilan.
"Bakit po?" Tanong niya.
"Anong name mo?" Tanong ko pabalik.
Nagpalinga linga muna siya bago sumagot.
"Ah eh Seb po."
Natulala naman ako ng marinig ko ang pangalang Seb.
Kahit ilang taon na ang nakalipas inis na inis pa din ako sakanya.
Hindi niya tinupad ang mga promise niya sakin noon ni hindi man lang siya nagpaalam na aalis na pala siya.
I hate him so much.
Muli akong nabalik sa wisyo ng yakapin ako ni Seb, the little boy. Pagkatapos ay tumakbo na ulit siya palayo.
Ako naman ay unti unti ko ng kinakain ice cream na binigay niya saakin.
Ah. Cookies and Cream my favorite.
Ilang minuto pa akong nagtagal sa bench na kinauupuan ko kaya naisipan ko na ding makipaglaro sa mga bata.
Nakakabagot na din kasi.
Habulhabulan, tagutaguan at patintero ang nilaro namin at ang panghuli ay Luksong baka.
Nang mapagod ako ay nagpaalam na din ako sakanila and omg 4 o'clock pm na pala hindi ko man lang namalayan ang oras.
But ang saya super.
Umupo muna ulit ako sa bench at nilabas ang inhaler ko.
Nasobrahan ata ako sa laro.
Medyo sumakit na din ang buong katawan ko lalo na ang mga binti at braso ko, nahilo na din ako at unti unti ng nanlambot.
Pero stay strong pa din ako sa upuan ko.
"S-shit!"
Nagitla naman ako ng biglang may tumapong tubig saakin.
"Ikaw n-nanaman?!" Inis kong turan.
"Are you okey?" Sabi niya naman sabay haplos niya sa likod ko.
"Bitawan mo nga ako how dare you to touch me huh?!" Pagtataray ko pa.
"Sorry na Ms."
"And excuse me lang ha may pangalan ako!" Dagdag ko pa.
"I know."
"Alam mo naman pala eh bakit Ms. ang tawag mo sakin?!"
"Kasi gusto kong simulan natin lahat sa umpisa yung umpisa na hindi pa tayo magkakilala." Nabigla naman ako sa sinabi dahil omg ngayon nga lang kami nagkakilala ganto na agad ang inaasta nitong lokong to.
"Umpisa na hindi tayo magkakilala? Naririnig mo ba ang sarili mo Mr. eh hindi naman talaga tayo magkakilala eh!" Tatayo na sana ako ng bigla niya akong hilahin ulit paupo ng bench.
"Ano bang kailangan mo?" Inis na tanong ko.
"Ship..." seryoso niyang sagot.
"Huh?"
"Relationship."
Hindi na ako sumagot at agad na akong tumayo at naglakad palayo sakanya.
"Just kidding Ms." Narinig kong sigaw niya pero hindi ko na siya tinignan pa.
Bigla namang lalong kumirot ang mga binti ko kaya nanghina ako at napaluhod sa damuhan.
"Ayan kasi!" Sermon niya sakin.
"Ano ba hindi ko kailangan ang tulong mo!"
"Shh alam kong kailangan mo ako ngayon." Binuhat niya naman ako at iniupo sa bench kung saan din ako galing.
Ilang minuto din kaming natahimik pero siya din ang unang bumasag ng katahimikan.
"We need to talk thats all."
"Then talk." Turan ko.
"I need your whole 1 week."
"Huh? Bakit ko naman ibibigay sayo ang isang linggo ng buhay ko?!" Inis kong tanong.
"Kung yang walang kwentang bagay lang din naman ang sasabihin mo well aalis na ako." Dagdag ko pa.
"Im sorry for everything."
Pagkasabi niya nun ay parang biglang kumirot ang puso ko ng hindi ko alam kung bakit.
Hindi ako pwedeng maging close sa kahit sinong lalaki.
Hindi pwede.
"Isang linggo lang at pagkatapos ay titigilan na kita hindi na ako mangungulit at hindi na kita pagtitripan."
"Offer?" Tanong ko.
"Yeah so ano deal?"
"No! Ano ka sinuswerte hindi pa nga kita kilala eh tapos gusto mo ng isang linggo ko?"
"Are you sure?"
"Yes." Sagot ko.
Muli kaming natahimik ng more than ten seconds but this time ako na ang bumasag sa katahimikan.
"Pag nag deal ba ako susunod ka sa usapan?" Dagdag ko pa.
"Ofcourse."
"Okey deal."
BINABASA MO ANG
Love Before DEATH [COMPLETED]
Fiksi RemajaChildhood memories kaya'y maalala mo pa? Sakit na idinulot sayo non ay kaya mo bang alalahanin pa? Konting na lang ang oras ng iyong buhay konti na lang ang bagay na iyong matutunan. Isang taong nagpaiyak sayo at kaparehong taong bubuo sa yong pag...