Nagising ako na puro puti alng ang nakikita ko akala ko nga ay nasa langit na ako pero naisip ko marami pa pala akong pangarap hahaha.
Naramdaman ng kamay ako ang isang matigas na bagay sa gilid ko at paglingon ko ay si Joaquin.
Para siyang isang musmos na walang malay kapag siyang nakapikit at natutulog.
Umayos ako ng upo sa kama ko at pinagmasdan ko lang siya.
Pero pag kurap ko ay nakatingin na din siya sa akin napaiwas na lang ako ng tingin at kunyaring kukuhain ko ang aking cellphone sa gilid ng kama ko.
"Pinagmamasdan mo ba ako?" Tanong niya, nanlamig naman ako dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko.
"H-hindi ah bakit naman kita titignan?"
"Dahil pogi ako?"
Napailing na lang ako at muling nahiga sa kama ko.
"Seah pasensya nga pala sa nangyari i mean sa ginawa ng ex ko hindi pa din kasi niya matanggap na hiniwalayan ko na siya." Sabi niya.
"Kasi alam mo na pogi kasi ako!" Dagdag pa niya pero hindi ko pa din siya pinapansin huh may magagawa pa ba ang sorry niya eh nangyari na?
"Tsaka alam niya kasing hindi na siya makakahanap ng tulad ko kaya naghahabol pa din siya hanggang ngayon." Habol pa niya.
"Tss ang lamig nuh?" Sarkastiko kong tanong.
"Hindi naman ah bakit nilalamig ka ba?"
"Oo eh ang hangin hangin mo kasi! Kala mo kung sino kang gwapo eh ke panget panget mo nga." Umiling naman siya at tumingin saakin.
"Pero wag kang mag alala poprotektahan naman kita sa lahat ng mangaapi sayo pangako!"
"Alam mo mister hindi mo na kailangang mangako." Panimula ko. "Dahil una hindi naman tayo, pangalawa hinding hindi magiging tayo, pangatlo hindi naman kita permanenteng kasama isa ka nga lang sa cirle of friends ko eh ni hindi nga kita kaibigan." pagpapatuloy ko.
"Kung alam mo lang ang lahat Seah."-Joaquin
"Pangapat ay isang linggo lang naman ang hinihingi mi sakin kaya pinagbigyan kita kasi nakakaawa ka para kang batang nanghihingi ng pagmamahal mula sa magulang at ang pang huli ay kasi hinding hinding hindi kita magugustuhan."
Magsasalita pa sana siya pero hindi na natuloy dahil biglang pumasok ang nanay at tatay ko kasama ang mga kapatid ko.
"Ikaw siguro ang boyfriend ng ate ko!?" Mataray na tanong Lyka kay Joaquin.
"Diba ang boyfriend trabaho niyang protektahan ang girlfriend niya pero bakit hindi mo nagawang protektahan ang ate ko? Oo alam kong panget at mataba ang ate ko pero dapat ay inaalagaan mo pa din si ate kahit na patay gutom y-- a-arayyy a-att-e!" Hindi na siya natapos magsalita dahil pininhot ko ng napakalakas ang kanya tenga.
Tumakbo naman siya palapit kila mama at umupo sa tabi nito.
"Ma nakakalabas na po ba ako? Ayaw ko na kasi dito eh." Tanong ko kay mama.
"Sabi ng doktor ay pwede na daw lumabas kung ayos na ang pakiramdam mo." Tumango na lang ako tsaka kumagat sa hawak kong mansanas.
"Ah tita magpapaalam na po ako kailangan ko na pong umuwi." Humarap siya kila mama tsaka siya nagmano. Tinanguan naman siya nila mama tsaka na siya tuluyang lumabas ng kwarto.
Wednesday ngayon at hindi ako nakapasok ng dahil sa nangyari ni hindi ko nga namalayan na kahapon pala yun nangyari at panibagong araw na pala ngayon.
Gusto ko ng lumabas dito ano ba naman kasi yung ilang oras na pahinga eh okey naman na ako at isa pa nanghina lang naman ako dahil dun sa sipa at pagsabunot sakin nung hayop na babaeng yun Stella ang pangalan nung babaeng yun kung hindi ako nagkakamali.
BINABASA MO ANG
Love Before DEATH [COMPLETED]
Teen FictionChildhood memories kaya'y maalala mo pa? Sakit na idinulot sayo non ay kaya mo bang alalahanin pa? Konting na lang ang oras ng iyong buhay konti na lang ang bagay na iyong matutunan. Isang taong nagpaiyak sayo at kaparehong taong bubuo sa yong pag...