Pero nakita ko nanaman ang picture ni Seah sa ibabaw ng kama ko kaya narelax ako, sa mala anghel niyang mukha, singkit na mata at makinis na balat.
Pagkatapos ay humiga na ako at kinuha muli ang cellphone ko
At syempre routine ko na yun hanggang sa maramdamang kong bumibigat na ang talukap ko.
Tinignan ko ang oras at alas otso na pala.
Kaya nagdesisyon akong matulog na lang at wag ng kumain tutal busog naman ako.
Kinabukasan nagising nanaman ako sa isang napaka lakas na tunog ng bell.
Argh nakakarindi na.
Dali dali akonh bumaba, gaya ng dati para puntahan si lola.
"Good morning hijo." Bungad sakin ni lola.
"Uhm-hm" tipid kong sagot.
"Mag asikaso ka na't mahuhuli na tayo!"
Tumango na lang ako as my response.
Ilang minuto pa ay bumaba na din ako at dumiretso sa garahe, ako muna ako magda drive ng sarili kong kotse ngayon dahil wala ang guard ng lola ko.
Feel free men!
Hindi ko na napansin si lola malamang nagaasikaso na din yun.
Nakarating ako sa school ng maaga kaya naglakad lakad muna ako.
Maraming tree house dito yung iba occupied na yung iba naman vacant pa mas malaki din ang field dito kaysa sa states kaya mas masayang maglaro, nakakaaliw din ang kulay ng mga building nila dito.
ROYGBIV.
Wala nga lang yung indigo, violet at yellow.
Umakyat ako sa isang vacant tree house at nahiga ng saglit.
Ang sarap pala sa pakiramdam pag naging unggoy ka i mean pag nakatira sa puno.
Halos isang oras na ata akong nandito pero tinatamad pa din akong pumasok.
Kaso baka maireport naman ako kaya nagmadali na akong bumaba at tumakbo papuntang building kung saan ang room ko.
*boogsh*
Napasapo na lang ako sa ulo ko sa sobrang sakit.
"Ouch." Reklamo nung nakabangga ko.
"Can you pl--" natigil ako sa pagsasalita ng makita ko ang mukha ng nakabangga ko.
"Ikaw?!" Synchronize na sigaw namin.
Agad akong tumayo para tulungan siya pero she disallow me to hold her hands.
"No thanks kaya ko ang sarili ko."
"S-sorry." Ano ba to bakit ako nauutal argh this girl!
I hate this feeling so much.
Hindi na niya ako sinagot at dire diretso na siyang naglakad sinundan ko naman siya ng tingin kung saan siya pupunta.
So Red String huh?!
After that scenario tumakbo naman ako papuntang office at dire diretsong pumasok doon.
"Oh hijo bakit hapong hapo ka?"
"M-mamita pwede po bang l-lumipat ng building." Hingal na sabi ko.
"Bakit hijo may problema ka ba sa BTB1?"
"Uhm wala naman po i just wanted to--" hindi pa ako tapos magsalita ng magsalita ulit si lolang principal.
"What section?"
"Hmm can you please give me the list of the best section in that building?"
Tumango naman si lola at ibinigay sakin yung list.
1. St. Sebastian
2. St. Louie
3. St. Margarette
4. St. Bernadette
5. St. Cecile"I want here." Sabay turo ko sa number two.
"St.Louie are you sure?" Tumango naman ako pagkatapos ay kinuha ko na ang gamit ko, hinatid naman ako ni lola sa St. Louie na yon.
Hindi ko sure kung nandon siya pero atleast nasa RSB4 na din ako.
Nang nasa tapat na kami ng pintuan unang pumasok si lolang principal at kinausap yung teacher nagsitayuan naman yung mga istudyante para batiin siya well sanay na ako dyan di na ako naninibago o magugulat dahil mula bata ako ay nakikita ko na kung ano ang trabaho niya.
Pagkatapos nilang magusap ay pinapasok na ako nung teacher sa loob.
"Okey this is Joaquin your new classmate for this year he is the only grandson of Mrs. Silva our school principal." Panimula nung teacher.
"Okay Joaquin can you introduce yourself and give us some information about you."
"I'm Joaquin Sebastian Silva Andrade..." pero bago pa ulit ako magsalita ay bumukas naman ang pintuan kaya nabaling ang atensyon naming lahat doon.
"Please take your seat ms.Vergara."
sinundan nanaman ng mga mata ko ang pagkilos niya hanggang sa makaupo siya.
"Mr.Andrade?"
Tsaka lang ako nabalik sa wisyo ng tapikin ng teacher namin ang balikat ko.
"That's all ma'am thank you."
"Okey thank you Mr.Andrade by the way Im Ms. Segovia your class adviser sige doon ka na umupo sa tabi ni Ms.Vergara."
Tumango naman ako tsaka dumiretso sa tabi ni Seah.
"Hello Ms." Sabi ko sa may pangaasar na tono ng pananalita ko.
Hindi niya naman ako pinansin at tutok lang siya sa sinasabi ni Ms.Segovia.
After an hour natapos na din ang class namin, nagmadaling nagayos ng gamit si Seah samantalang ako naman ay nakatingin lang sakanya.
"Please stop looking at me!" Sabi niya naman habang nag aayos pa din ng gamit niya.
"How did you do that may mata ka din ba sa likod ng ulo mo?" Pamimilosopo ko habang hawak hawak ko ang ulo niya.
"Sinabi ko ba?" Sagot niya naman pagkatapos ay inirapan na niya ako at dali daling umalis.
"Hey Ms. Wait!" Sigaw ko habang sinusundan siya palabas.
BINABASA MO ANG
Love Before DEATH [COMPLETED]
Teen FictionChildhood memories kaya'y maalala mo pa? Sakit na idinulot sayo non ay kaya mo bang alalahanin pa? Konting na lang ang oras ng iyong buhay konti na lang ang bagay na iyong matutunan. Isang taong nagpaiyak sayo at kaparehong taong bubuo sa yong pag...