Seah's POV
"Anak gumising ka na unang araw mo ngayon diba!?" Natauhan ako ng marinig ko ang boses ni mama galing sa labas ng kwarto ko at oo nga pala unang araw ng school days nanaman ngayon.
Mabilis akong gumayak at dumiretso sa banyo namin sa baba.
Konting ligo ligo lang at ayun tapos na agad ako, hindi naman ako maselan sa pagligo eh. Umakyat na ulit ako sa kwarto at nagbihis ng matino-tinong damit wala pa kasi akong uniform kaya pansamantagal muna na damit.
Pagpunta ko sa sala nakita ko agad si Lyka na nakahiga sa sofa ala mayordoma lang ng bahay ang batang to.
"Please welcome ang sleeping beauty ng taon ate Seah." Panimula niya ng makita niya ako, hmp minsan talaga ang sarap ng patulan ng batang to eh.
"Tse, manahimik ka na nga lang tsaka teka wala ka bang pasok? Monday na ngayon diba?!"
"Eh ano ba eh sa tinatamad ako eh." Hanep talaga minsan hindi ko na napagkakamalang bata pa din ang kausap ko eh.
"Oh anak kain na dali." Pagmamadali naman ni mama sakin na parang siya pa ang mas excited kesa saakin sa unang araw ko.
Pumunta na agad ako sa hapag namin at kumuha ng kanin at ng paborito kong ulam ang bacon at hotdog sosyal noh? Char, hinandaan din ako ng gatas ni mama na para bang ginagawa niya pa akong bata.
Nang matapos akong kumain at uminom ng gatas kinuha ko na agad ang bag ko sa kwarto ko at nagpaalam ng aalis na ako.
"Bye mama!" Pagpapaalam ko.
Nagsimula na akong maglakad papuntang gate ng subdivision namin at nagabang ng tricycle na masasakyan.
Isang napakalakas na busina naman ang nagpatalon saakin. Galing sa isang pulang kotseng nasa harapan ko ngayon, bakit pa ba to tumigil eh hindi naman traffic papansin lang ang peg? Pero after niyang bumusina ay umalis din agad siya may sumilip ngang matabang bata mula sa likod pero di ko na pinansin.
Pagkaalis nung kotse sumakay na din ako ng tricycle papuntang Cecilea high.
"Manong bayad po." Sabi ko dun sa tricycle driver na sinakyan ko, inabutan ko siya ng bente pesos at sinuklian niya naman ako ng limang piso, kinse ang pamasahe? Ang mahal naman nun.
Tinungo ko na agad ang bulletin board para hanapin kung saan ang room ko.
Magara nga ang skwelahang to unang araw pa lang pasabog na may mga nagsa soccer sa field at may mga nagpapakitang gilas naman sa kabilang side ng field meron ding napakalaking sign na "Welcome Back Students."
At nagtataasan din ang mga gusali at iba't ibang kulay pa ano kayang meaning nun?
Nang makarating na ako sa tapat ng bulletin board hinanap ko na agad ang pangalan ko hindi naman ako nahirapan kasi hindi naman siksikan dito sa tapat ng bulletin board.
So Red String building, St. Louie pala ako copy copy.
Pumunta na agad ako sa building na yon kahit hindi ko alam kung saan pero im sure hindi naman ako maliligaw dito kasi may map at may mga sign naman dito.
"Red String" sabi ko out of the blue char.
Kulang red nga siya kaya pala may mga kulay ang mga building dito katabi ng red string building ang Blue Tech building.
Umakyat na agad ako at hinanap ang room ko.
1st
2nd
3rd
4th
Hmm ito na yon St. Louie, Red String building.
Hindi na ako nagdalawang isip na pihitin ang door knob non. Hindi ako makapasok sa sobrang dami ng lumilipad na papel, parang may mga sariling isip ang mga papel jusme.
May mga lalaking nakatayo sa likod at may ilang babae naman ang nagaayos pa make up in short at syempre meron ding loner, nerd at mga tahimik.
Umupo ako sa harapan dahil doon lang ang may bakanteng upuan at hindi masyadong magulo, marumi oo sobra.
Ilang saglit pa bumukas ang pinto at nagsitahimik na ang lahat.
"St. Louie ang ingay niyo nanaman!" Sabi ng isang babaeng maliit na siguro nasa mid 30 na siya, nakatali ang buhok at may hawak na libro.
"Sorry madam." Sabay sabay nilang sigaw.
"Ay oo nga pala may bago kayong kaklase ngayong taon na to dapat galangin niyo siya dahil mas pinili niya dito kahit na pinaka magulo kayo at sobrang iingay pa!" Napangisi naman ako sa mga itsura nila dahil mukha silang mga luging lugi.
"Ms. Vergara please come infront and introduce yourself." Dagdag pa nung hindi ko pa ding kilalang teacher namin.
"A-ahm hi, my name is Seah Hilary Vergara nice to meet you all." Kabado pero tuloy tuloy kong pagpapakilala.
"Yown pre chix." Nagulat ako nung biglang may sumigaw doon sa kung saan.
"Shh Ricardo keep quiet!" Sita ni madam?
"By the way hija ako nga pala si Binibining Roselita Zambe your adviser for this year." Nag bow na lang ako pagkatapos ay bumalik na ako sa upuan ko.
Grabe intense.
Wala namang ibang nangyari pagkatapos nun wala lang parang normal na first day na nagyayari sa buhay natin kada June.
At nung nag recess na pumunta ako sa canteen na maraming tao pero may lalaking nag abot sakin ng pagkain pinabibigay daw yun nakakain ako ng mas maaga at nabusog ako sa burger, palabok, cupcake tsaka coke.
Next nun ay uwian na, malakas ang tunog ng bell kaya naghiyawan ang mga kaklase ko nag unahan din sila sa paglabas kaya di na ako nakisingit pa hinintay ko na lang silang lahat na makalabas.
"Hay panibagong araw." Bulong ko sa hangin.
Ano kayang mangyayari sakin dito? Magkakaroon kaya ako ng kaibigan yung parang bestfriend ko sa dati kong skwelahan yung kalog at handa akong damayan sa lahat ng problema ko?
Jusko hindi naman ata malabo yun friendly naman ako tsaka mabait din, di nga lang maganda.
Bago pa ako sumakay ng tricycle pauwi may tumawag nanaman sa maganda kong pangalan kaya nagpalinga-linga nanaman ako gaya nung sa mall pano kaya nalaman nung lalaking yun yung pangalan ko?
After nung isang sigaw lang naman ay di ko na ulit narinig yung boses na tumatawag sa pangalan ko kaya sumakay na ako para makauwi na din ako.
BINABASA MO ANG
Love Before DEATH [COMPLETED]
Teen FictionChildhood memories kaya'y maalala mo pa? Sakit na idinulot sayo non ay kaya mo bang alalahanin pa? Konting na lang ang oras ng iyong buhay konti na lang ang bagay na iyong matutunan. Isang taong nagpaiyak sayo at kaparehong taong bubuo sa yong pag...