Joaquin

10 5 0
                                    

Maguumaga na hindi pa din ako makatulog ewan ko ba masyado akong maraming iniisip noong mga nagdaang araw.

Pero ang pinaka iniisip ko ay si Seah.

Hindi naging masaya ang bonding namin kanina ay kahapon pala dahil 2 am na at hindi pa din ako nakakatulog.

Nitong mga nagdaang araw ang daming weird na nangyari sa buhay ko o sadyang malas lang talaga ako.

So ganito ang ganap tumayo na lang ako pagkatapos ay dumiretso na ako sa banyo tsaka naligo.

Alam kong masyadong maaga pero wala akong pake.

Pagkatapos ay nagluto ako ng pagkain ko.

Kaso...

Itlog na nga lang, SUNOG pa!

Di bale mabubusog naman na ako nito. Kinuha ko na ang bag ko at sumakay na sa kotse ko.

Habang binabagtas ko ang daanan palabas ng subdivision na tinitirahan ko may mangilan ngilang tao na din ang naglalakad syempre yun yung may mga trabaho na.

Hm, 3:30 na pala so ganun pala ako katagal maligo?!

It's already Tuesday

Pagkalabas ko ng subdivision binagtas ko naman ang daanan patungo sa bahay nila Seah.

Wag na kayong magtanong kung bakit alam ko ang bahay nila kasi most of the time ay sinusundan ko siya.

Hihintayin ko siya dito hanggang mag umaga no i mean hanggang sa lumabas na ang araw.

Hanggang sa makaramdam ako ng medyo konting konting kaantukan lang naman kaya naisipan ko munang umidlip tutal maaga pa naman.

-

Seah's POV

"Ate malelate ka na! alas otso na po kaya!"

"Sige lang alas otso pa lan- alas otso!!!"

Nagising agad ang diwa ko at mabilisang gumayak para maligo.

Shitnesssssssss.

Bakit kasi hindi tumunog yung pisteng orasan na yun! Malaki na tiwala ko dun kasi digital na tapos hayst. hindi na ulit ako bibili ng orasan sa cd-r king kayamot.

hanggang sa matapos akong maligo yung digital clock pa din yung sinisisi ko.

Sinuot ko na ang paborito kong damit tsaka ako bumaba para kumain tomguts na din kasi ako dahil diet ako kagabi.

"Oh anak ayos na ayos ha saanang punta?" tanong ni tatay pagdating ko sa kusina.

"Papasok po ako tay."

"Naku tay wag kang maniwala diyan kay ate may boyfriend na kaya yan!" singit naman ng epal kong kapatid na si bunak, joke.

Pagkatapos kong kumain ay dinampot ko na agad ang bag ko tsaka ako tuluyang umalis.

"Alis na po ako!" paalam ko.

Pag labas ko ng bahay may mga batang naglalaro ng pintura or spraint (spray paint) tapos sa harapan nila may kotseng puro vandal hinayaan ko na lang sila kasi hindi ko naman alam kung kaninong kotse yun.

charottt.

syempre sinaway ko sila tsaka ako tuluyang umalis ng bahay.

Pagkarating ko sa tapat ng skwelahan ko ay agad akong pumasok doon dahil anong oras na.

Dumaan muna ako saglit sa locker tsaka ako umakyat ng room, nakahinga naman akon ng maluwag ng makita kong wala pang teacher na nakatayo sa harapan at halata naman dahil sobrang ingay nila.

"Ms. Vergara asan naman yung future boyfriend mo?!" May pagka sarcastic na tanong sakin ng katabi ko. Well kahit na may isang linggo na din nung nagsimula ang klase hindi ko pa din kilala yung iba sakanila kahit na konti lang kami.

So ayun na nga.

Tinignan ko lang siya tsaka ako ngumiti, wala ako sa mood makipag lokohan ngayon lalo na't masakit ang katawan ko.

"So hindi mo alam? Hm sige ka baka mamaya nambababae na yun hindi ka ba natatakot?" Dagdag pa ni Arat. Ang hatot harot kasi hindi niya pakialaman ang sarili niyang buhay diba. Tss.

Hindi ko na siya pinansin at baka masapak ko pa siya nag focus na lang ako sa binabasa ko hanggang sa dumating na yung first teacher namin.

Syempre kinig kinig.

Lumipas ang recess, lunch break, ICL, home room at iba pa naming subject ngayon araw pero himala! Hindi ko pa nakikita si Joaquin ngayon, uhm.

Bakit ko ba siya iniisip!

Isang subject na lang at uwian na din sa wakas lumabas muna ako saglit ng room kahit na nag didiscuss yung calculus teacher namin thug life diba? Joke nagpaalam ako syempre.

Pumunta ako sa restroom para mag ayos ng sarili feeling ko kasi hagardo versosa na ako ngayon fahil sa calculus na yun.

Bumalik din agad ako ng classroom pero pag balik ko wala ng tao sa classroom.

Whut? Ganon na ba ako katagal magayos ng sarili ngayon!?

Naku baka mapagalitan ako ng bakla bukas, kainis!

Hinayaan ko na lang tutal wala na din naman sila sa room pumunta muna ako sa lugar kung saan madalas akong nagpapahinga medyo dulo na din kasi yun pero dito pa din yun sa loob ng campus.

"Hello world." Bulong ko sa hangin.

Umupo na ako sa ilalim ng puno tsaka ko inilabas ang cellphone ko sabay salpak ng earphones sa magkabilang tenga ko.

Kakasimula ko pa lang na magmunimuni ay nakaramdam na agad ako ng isang presensya mula sa gilid ko pero hindi ko pinansin dahil alam kong si Mr.Joaquin nanaman iyon.

"A-ouuch! Aray!" Reklamo ko. Kasabay ng pag titig ko sakanya ng masama pero hindi niya pa din niya binibitawan ang buhok ko.

"Ikaw ba yung girl na dikit ng dikit sa boyfriend ko?"

"Excuse me?" Sagot ko.

"The hell Joaquin Andrade is my boyfriend wag mong sabihin na hindi mo alam!?" Tinignan ko lang siya ng masama tsaka ko siya tinalikuran sa tingin niya ba may pake ako sa relasyon nila? Fudge.

"Hey bitch wag mo nga akong tatalikuran baka hindi mo ako nakikilala?!"

"Hindi nga bakit sino ka ba?" Sarkastiko kong tanong. Actually hindinko naman talaga siya kilala sino ba siya para alamin ko pangalan niya?

"Sinasagad mo na talaga ako ha!" Sinugod niya ako peri naka ilag ako. Panay ang ilag ko at panay din ang lapit niya hanggang sa maramdaman kong wala na akong aatrasan.

Hinila niya ang buhok ko hanggang sa mapaupo ako sa sahig sunod ay sinipa niya ako hanggang sa tuluyan na akong mapahiga sa sahig.

Hindi na ako makagalaw feeling ko kay katapusan ko na muli niyang inangat ang kanyang paa kaya napapikit na lang ako ng mariin.

Naghihintay pa din ako ng gagawin niya pero wala akong naramdaman kaya hinayaan ko na lang pilit ko mang idilat ang mga mata ko ay hindi ko magawa ang sakit ng buing katawan ko at pakiramdam ko ay kakalas lahat ng buto ko sa katawan.

Hanggang sa marinig ko ang boses ni Joaquin.

"Stella anong ginawa mo sakanya?"

"Wala naman akong ginawa sakanya!"

Napaimpit na ungol naman ako sa sobrang sakit ng katawan ko na parang binabali isa isa ang aking mga buto.

"Pag may nangyaribg masama sakanya ako ang makakaharap mo tandaan mo yan!" Sabi ni Joaquin at naramdaman ko ang pag buhat niya sa akin.

"Sana ay makalimot ka na dahil matagal ng walang tayo!" Pagkatapos nun ay tuluyan na siyang naglakad.

Love Before DEATH [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon