Natakot ako bigla ng biglang magsalita si Seah akala ko ay kung ano ng nangyayari sakaniya.
Naaalala niya pa din talaga ang mga pangakong sinabi ko sakanya kasalanana ko talaga to ng dahil sakin ay nasaktan siya at hanggang ngayon ay naaalala niya pa din ang mga bangungot ng nakaraan.
Nang makauwi ako kahapon dito sa bahay ay hindi ko pa din makalimutan si Eah hindi ko alam kung pano siya papakalmahin ng mga oras na yon pero naalala ko dati na kapag umiiyak siya ay hinahaplos lang ng nanay niya ang kanyang buhok at tatahan na siya.
Mahal na mahal ko siy Eah kaya ayoko ng siyang saktan pa sa pangalawang pagkakataon.
Gusto ko sanang sa loob ng isang linggo ay maalagaan ko siya at maipadama ang pagmamahal ko kasabay nun ang pagamin ng kung sino talaga ako.
Kaso imbis na saya ang ibigay ko sakanya ay puro na lang pasakit at lungkot sa tuwing nakikita ko siyang umiiyak ay nadudurog ang puso ko pero hindi ko pa din siya masisisi kung hindi niya talaga makalimutan ang batang nangako sakanya ng matagal na panahon pero hindi naman tinupad.
Hindi ko pa nga alam kung kelan ako aamin ng buong pagkatao ko basta ngayon ang alam ko lang ay kailangannko siyang alagaan.
Mamaya ay babalik ako sa ospital para bantayan siya.
Bukas pa kasi siya pwedeng lumabas ng ospital sabi ng nanay niya kahit na ayos naman na daw ang lagay niya, atat na atat na nga din si Eah dahil sawa na daw siyang mamalagi sa iba't ibang ospital pero wala kaming magagawa dahil sa pagkakaalam ko ay palala na ng palala ang kanyang sitwasyon.
Kaya sa lahat ng panalangin ko araw araw ay kasama siya.
Ayokong mawala pa siya sakin ulit, ayokong kung kelan nandito na ulit akonpara sakanya ay siya naman iyong mawawala gusto konlahi ko siyang kasama at lagi ko siyang katabi kung maaari ngang mag apply ako bilang personal body guard niya ay gagawin ko makasama ko lang siya ng matagal.
Bumaba na ako sa salas para kumain tsaka para mag muni muni ako lang kasi magisa ngayon dito kaya tahimik.
Day off ng mga maid namin tapos yung driver naman nina mom at dad ay kasakasama nila at ang driver ko naman ay may emergency leave kaya ako lang talaga ngayon dito.
Pagkatapos kong kumain ay sumakay na ako sa kotse ko tsaka ako dumiretso ng supermarket.
Bibilhan ko muna ng pagkain si Eah bago ako dumiretso sa ospital.
Pagpasok ko hinanap ko kaagad ang bilihan ng mga biscuits at fruits binilisan ko na ang pagkuha ng mga bibilhin ko tsaka ako dumiretso sa ospital kung nasaan si Seah.
Pagkapasok ko sa kwarto ni Seah ay wala akong naabutang bantay niya at mahimbing siyang natutulog.
Umayos naman ako ng upo sa tabi ng kama niya tsaka ko siya pinagmasdang maigi.
"Hindi naman talaga ako umalis Eah nataon lang na kailangang kong pumunta ng ibang bansa para doon ako magpagamot." Bulong ko.
"Hindi kita kayang iwan at gusto ko na matupad ko ang pangako ko sayo, lahat lahat ng pangako ko."
Naramdaman ko naman ang pag galaw ng kamay niya kaya agad ko itong hinawakan.
"Nandito lang ako lagi para sayo Seah."
"S-seb?" Napailing na lang ako dahil hanggang ngayon ay ang batang ako pa din ang hinahanap niya.
"Seah ako ito si Joaquin." Napamulat naman siya ng dahan dahan tsaka siya tumingin saakin.
"Ayos ka na ba?" Tanong ko. Tinanguan niya lang ako kaya naging kampante na din ako.
"Gusto mo bang kumain o uminom?" Taning ko ulit pero tinignan niya lang ako.
BINABASA MO ANG
Love Before DEATH [COMPLETED]
Teen FictionChildhood memories kaya'y maalala mo pa? Sakit na idinulot sayo non ay kaya mo bang alalahanin pa? Konting na lang ang oras ng iyong buhay konti na lang ang bagay na iyong matutunan. Isang taong nagpaiyak sayo at kaparehong taong bubuo sa yong pag...