As I walked along the sky / Of my dream you came alive / And it feels you're made to change / My whole life
Ano ba yung tumutunog, bakit familiar? Napapakanta tuloy ako.
And I know you will be there / There for me to make me stare / And it will be always and / Forever in my dreams
Ay! Ringing tone ko nga pala yun! Akala ko kasi nanaginip lang ako eh. Teka, hindi naman ako nag-alarm kasi wala akong trabaho ngayon, bakit tumutunog pa rin?
Hinayaan ko na lang, at sinubukang matulog ulit.
Dream, it makes me change but not for real / 'Cause I only see you smiling / In my dreams, that's the only time / I make you feel / What I have for you is real
Pipindutin ko na sana yung dismiss button dahil ayaw pa rin tumigil ng makita ko na may tumatawag pala.
"Sino 'to?" tanong ko. Ke-aga-aga, nanggigising!
"Si Maria."
"Anong kailangan mo? Alam mo ba kung anong oras palang?!"
Ang ayaw ko sa lahat ay yung ginigising ako. Ang himbing pa naman ng tulog ko, tapos ang ganda ng panaginip ko.
"Friend, favor naman oh?"
Hindi man lang nag sorry! "Anong kailangan mo?"
May pagka-suplada ako ngayon dahil una, pangalawang araw ko, at pangalawa, hindi maganda ang gising ko.
"Di ba it's your day off today?" tanong ni Maria.
"Oo."
"Pwede bang pumasok ka?"
"Huh? Bakit?!" Bigla akong napaupo ng mabilis kaya naman sumakit ang ulo ko. Vertigo na naman. Tsk.
"Tumawag kasi si boyie, may surprise raw siya sakin for our first anniversary," kinikilig niyang sabi.
"Ano ngayon?"
"Ih, friend naman eh!" Ngayon naman pangsusuyo na yung tono ng boses niya. "I need your help kasi walang papalit sa duty ko. Sorry, biglaan kasi kaya I didn't get the chance to ask Boss para makapag-absent ako."
"Gusto mo akong magtrabaho sa shift mo?"
"Midshift ako."
"Eh bakit ganitong oras ka tumawag?!"
"Naninigurado lang," sabi niya habang tumatawa. "So ano, pwede ka?"
Isang araw lang sa isang linggo yung opportunity ko para makita si Alden, mawawala pa! Kawawa naman yung kaibigan ko, kailangan niya ng kapalit kaya bilang kaibigan, responsibilidad kong tulungan siya.
"Okay, sige," sabi ko.
"Thank you talaga, friend! May utang niyan ako sa'yo."
"Teka, mag paalam ka muna kay Boss."
"Pumayag na siya," sabi niya, sabay tawa.
"So in-expect mong papayag ako?" tanong ko.
"Of course! Maaasahan ka kaya!"
"Ikaw talaga! Sa susunod—"
"Yes, pagbibigyan din kita."
"Tatandaan ko 'yan."
"You need to have a boyfriend na kasi—"
"Hindi ko kailangan ng lalaki na gugulo lang sa buhay ko."
Kahit na mukhang gusto ko si Alden sa mga asal at pinagsasabi ko, sa totoo lang, hanggang kilig lang ako. Hindi ko kasi nakikita ang sarili ko na makakasama ko siya sa hinaharap. Actually, parang tatanda nga akong dalaga eh. Paano ba naman sa dinami-rami ng mga lalaking na-link sakin, walang naging magandang ending. Puro lang sakit ang dulot sakin.
BINABASA MO ANG
Highway Love Affair (Filipino)
General FictionPaano nga ba ang umibig? Naranasan mo na bang magmahal ng patago? E ang umasa sa wala? Gaano katagal bago mo masasabing nagsasawa ka ng mag hintay? Kung mahal mo ang isang tao, kaya mo bang isakripisyo ang lahat para sa kanya? Iilan lamang ang mga t...