Vitamin I

5.8K 131 16
  • Dedicated kay Laine Malig
                                    

“Ate, ate!”

Bakit ang ingay? Naramdaman ko na may umupo sa kama ko.

“Ate!”

“Ano ba? Natutulog ako e!”

Nagtalukbo ako at hindi pinansin ang kapatid ko.

“Ate, ate!” Kinuha niya yung unan sa tabi ko at pinalo sakin. “Gumising ka na!”

“Bwisit!” Umupo ako at pinalo siya sa braso niya. “Ano bang kailangan mo? Hindi mo ba nakikita na natutulog ako?”

Sinimangutan niya ko. “May bisita ka!”

“Sino?”

“Boyfriend mo siguro, lalaki e.”

“Wala akong boyfriend,” sabi ko na may pagka-bitter pa.

Ang mga malalapit ko lang na kaibigan ang may alam kung saan ako nakatira. Kaso kung si Gerald yun, kilala naman siya ng kapatid ko.

“Nasa labas siya.”

“Papasukin mo kaya!”

“Ikaw na,” sabi ng kapatid ko sabay alis sa kwarto ko.

Walang manners yung kapatid ko, may bisita pero hinayaang tumayo sa labas ng bahay. Umagang umaga, ang lakas maka-bad vibes.

Tumayo ako sa kama. Hindi na ko nagsuklay dahil wala akong gana. Dumiretso ako sa labas ng bahay namin at may nakita akong lalaki na nakatalikod.

Hindi ko masyadong makita ng maayos dahil sa sinag ng araw.

Anong oras na ba? Bakit ang taas na ng sikat ng araw?

Lalapit na sana ako nang bigla siyang humarap.

Heto na naman ako, nag ha-hallucinate. Kainis. Sinabi ko ng wala na akong pakialam kay Alden, pero bakit patuloy siyang binabalik ng isip ko?

Kinusot ko yung mga mata ko dahil alam kong nagkamali lang ako ng tingin. Hindi pa rin naman kasi ako nakakapag hilamos.

Pag dilat ng mga mata ko, nasa harapan ko pa rin siya, nakangiti.

Kinabahan ako.

Lord, nasa heaven na ba ako?

Lumunok ako.

Ang lakas ng tibok ng puso ko.

“Alden?”

“Good morning,” sabi niya.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko.

Hindi ako makapaniwala hanggang ngayon na kausap ko siya, at nakatayo kaming pareho sa harap ng bahay namin.

“Binibisita ka,” sabi niya.

“Wala naman akong sakit.”

Tumawa siya.

“Paano mo pala nalaman kung saan ako nakatira?”

“Tinanong ko sa mga kaibigan mo,” sabi niya na parang nahihiya.

Teka, naguguluhan ako. Bakit ba talaga siya nandito? Di ba may girlfriend na siya? Ayaw kong maging third party dahil alam ko ang pakiramdam ng niloko. Hindi ko yun kayang gawin sa girlfriend niya. At hindi ko rin expect na kayang mang two-time ni Alden.

“Alden—“

“Pwede bang sa loob ng bahay niyo nalang tayo mag-usap?”

Napansin ko na pinagtitinginan kami ng mga kapit-bahay. Ang dami talagang chismosa sa mundo.

Highway Love Affair (Filipino)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon