Vitamin D

8.6K 170 28
                                    

Hindi ako maganda. Alam ko yun. Hindi ito panahon para mag self-pity; I’m just telling the truth. Never din naman kasi akong nasabihan ng maganda  ako. Hindi ko sinasabi na pangit ako. Maraming nagsasabi na cute raw ako. Hanggang dun lang.

Cute. Yung konti nalang maganda na, kaso hindi umabot.

Huwag niyong isipin na kagaya ito ng mga nobelang nababasa niyo, na yung mga bida hindi nila alam na maganda sila, pero pag may gwapo at mayamang lalaki ang maiinlab sakanila, doon lang nila maaapreciate ang tunay nilang ganda.

Naku, naranasan ko na yan. Hindi na tatalab sakin yan. Sa dami ba naman ng mga nabasa ko, pati nga ang ilang libro eh nape-predict ko na ang ending. Well, hindi naman importante yun, dahil mas mahalaga pa rin ang laman ng istorya.

Siguro naging cynical ako dahil na rin sa mga past heartbreaks ko. Paano ba naman hindi ako magsasawa kung ilan beses na kong nasaktan at pinaglaruan. Oo, inaamin ko na minsan may mali rin ako. Most of the time sila ang may kasalanan. Kagaya nalang nung kay Franco na pinaasa lang ako. Nung nagsawa, naglaho nalang na parang bula.

“Balita ko nag-usap daw kayo ni Alden?” tanong ni Aly pagka-pasok niya sa locker room. Tumabi siya sa akin sa harap ng salamin.

“Oo,” sagot ko. “Nakakainis ka no! Hindi ka pumasok nung isang araw, ang dami kayang tao!”

“May emergency kasi sa bahay,” sabi niya, “kaya nag leave ako.”

Inirapan ko siya. “If I know, pinag-usapan niyo lang talaga ni Maria!”

Nagtatampo ako, inaamin ko. Ikaw ba naman ang hindi sabihan na hindi papasok? Psh.

“Sorry na,” sabi niya. Tapos nag pout pa siya. “Ililibre kita sige.”

“Tsk. Hindi ako mukhang libre! Anong tingin mo sakin?”

Ni-link niya yung arms niya sakin. “Ayaw mong ilibre kita sa Fully Booked?“

“Sinong nagsabing ayaw ko ng libre?” sabi ko, sabay ngiti sakanya. “Punta tayo dun after ng shift natin.”

Tumawa siya. “Hindi pala mukhang libre ah.”

“Ano yun?” tanong ko, nakataas pa yung kilay ko. “Hindi ko narinig. Pakiulit nga.”

“Wala,” sabi niya. “Magtrabaho na tayo, para mamaya eh mailibre na kita.”

“Good!”

Pagkatapos ng duty namin, dumiretso na kami sa Mall. Kasama ko si Aly kasi ililibre niya ko, tapos mag shopping din daw siya. Hinatak din namin si Gerald, paano ba naman, gusto niya ulit maging opener to closer, meron naman siyang manager. Napaka-workaholic talaga!

Dalawang oras na rin kaming naglalakad, at sobrang sakit na ng mga paa ko. Ayaw pang pumunta nila Aly sa bookstore, ang sabi ihuli na raw namin, tutal pagdating dun, magtatagal talaga kami. Alam kasi nila na paborito kong lugar ang bookstore.

“Teka nga,” sabi ko. “Pwede ba tayong magpahinga muna?”

“Sige,” sabi ni Aly.

Pumunta kami dun sa harap ng event center kung saan maraming nakalagay na mga upuan na mukhang bench.

“Ang dami mo ng nabili,” sabi ko kay Aly habang tinitignan yung mga hawak niyang paper bags. “Hindi ka pa ba tapos?”

Medyo napagod din ako dahil sa dami ng mga tao kanina sa café.

“Aly, babalik pa ko sa shop,” sabi ni Gerald, sabay tingin sa relo niya.

Binatukan ko siya. “Ano ka ba? Umuwi ka nalang at mag pahinga!”

Highway Love Affair (Filipino)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon