Confession sa Diary, 2

6.3K 126 21
                                    

Ako na siguro ang pinakamasayang babae sa buong mundo.

Sino ba naman mag-aakala na totoo ang high school romance?

Kahit na patay na patay ako noon kay Alden, never ko in-imagine na magkakagusto rin siya sakin. Ito na yung answered prayer ko. Magpapakabait na talaga ako.

Ang laki ng ngiti ko habang patuloy ako sa pagsusulat sa aking diary. Marami akong gustong isulat. Ire-record ko lahat ng nangyari sa nakalipas na ilang buwan.

I still remember that night nung tinanong ako ni Alden kung pwede ba raw niya kong ligawan. Siyempre I said yes! Si Alden yun, si Alden na matagal ko ng crush. Bakit pa ko magpapakipot?

Kitang-kita ko sa mukha ni Alden na masaya siya sa sagot ko. Ako naman todo kilig. Nung gabing yun, parang nag align lahat ng mga bituin sa langit para tuparin ang aking hiling.

Ngayon naiintindihan ko na kung bakit nasaktan ako noon. That time hindi ako aware na inaayos lang at pinapaganda ni Lord yung story ko. Kailangan ko munang maranasan yung lahat ng pinagdaanan ko para matuto ako at ma-realize ko na sa bandang huli, magiging masaya rin ako. Makikilala ko rin ang dahilan kung bakit hindi nag work out sa iba.

Mabuti nalang hindi ako nawalan ng pag-asa. Akala ko kasi noon hindi na ko maniniwala sa love dahil sa mga nangyari sa’kin. I’m glad hindi ako nag give up.

Ang boring kung wala kang pangarap sa buhay. Mas okay na yung mag mukha kang ambisyosa sa dami ng pangarap na gusto mong tuparin kaysa naman sa mabuhay ka ng walang dahilan, walang direksyon, at yung pwede na sa "good enough" dahil ayaw mag take ng risk for something better.

Nag take ako ng risk kay Alden. Pinayagan ko siyang manligaw. Napaka-sweet niya. Every night pinupuntahan niya ko sa trabaho; hinahatid niya ko sa bahay. Tapos tuwing Sunday naman sabay kaming nagsi-simba.

Ang sarap sa feeling, yung lalaki mismo yung gumagawa ng paraan para mapalapit ka kay Lord.

Wala na kong mahihiling pa, nasa’kin na lahat.

Pinakilala ko na rin siya sa mga magulang ko. Una awkward, lalo na medyo strict sila, at alam nilang pag nagka-love life ako e nag-iiba ang ugali ko.

This time, tama na ‘to. Ready na ko to commit. I can see my future with him.

Nagkasundo si Alden at ang Papa ko, pareho kasi silang mahilig sa chess. Ayun, nagkwentuhan sila. Kinakabahan nga nun ako e, siyempre kahit papaano importante pa rin yung sasabihin ng mga magulang ko. They’re still my parents and whether I like it or not, I need to listen to their advice.

Honor your father and your mother is the first commandment with a promise.

Kahit madalas kaming may hindi pagkakaunawaan ng mga magulang ko, iniintindi ko nalang sila. Matatanda na sila, at ayaw ko rin naman dumating sa point na pagsisihan ko ang lahat ng masasamang sinabi ko sa kanila.

Sinabi ko kay Alden lahat ng doubts ko sa buhay, pati na rin ang hindi namin pagkakaunawaan ng mga magulang at kapatid ko. Honest kami sa isa’t-isa, at siya ang naging confidante ko. Sa ilang buwan na pagiging magkaibigan namin, itinuring naming bestfriend ang isa’t-isa.

Si Alden, siya ang nagturo sakin paano maging pasensyosa. Madalas kaming mag-usap ng mga bagay na hindi ko alam kailangan palang bigyan ng pansin kasi kung papabayaan mo lang, mas lalong lalala.

Nung una medyo nahihiya ako mag kwento sa kanya pero naging smooth din ang conversation namin dahil siya mismo, ipapakita niya na interesado siya sa buhay mo at sa kung anong gusto mong sabihin. Aside from that, masarap siyang kausap kasi lahat ng sasabihin niya may sense. Bonus pa yung sense of humour niya.

Highway Love Affair (Filipino)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon