March 17
Monday, 5:17pm-
Watching Princess Diaries
Dear Diary,
I’m very happy because yung crush ko, unang kita ko palang sa kanya, na in love na ‘ko.
Joke lang ^___^
Ilang beses ko na kasi siya nakita pero ngayon ko lang siya napansin. Masyado kasi akong naka-focus sa ibang crushes ko.
Ang lalaking nagpapatibok ng puso ko e si Alden <3 <3 <3 Ang saya saya ko talaga pag nakikita ko siya. Ang gwapo niya, kamukha niya yung gusto kong artista.
Sorry nga pala dahil ngayon ko lang siya naipakilala sa’yo, diary. Medyo naging busy ako kaka-stalk sa kanya hahaha biro lang.
Ang dami kasing ginagawa sa school, projects here and there. Nakakalimutan ko tuloy mag update sa’yo. T___T
Si Alden yung reason kung bakit nakapag move on ako kay Nico. Sila na kasi ni Cathy e, yung kaibigan ko. Hindi nila sinabi sa’kin na in a relationship na sila, ang daya! Si Cathy alam naman niyang naging crush ko si Nico noon. Hmp. Bahala na nga sila, basta ako may Alden na!
Mabuti nalang dahil magkatabi yung mga classrooms namin, ang dali ko lang siya makita. But I’m sad to say, nakilala ko siya ngayong patapos na yung third year. Haay. Bakit ba naman kasi ngayon ko lang siya napansin? :(
Kung kani-kanino kasi ako nagkaka-gusto, nasayang tuloy yung opportunity ko with Alden!
Sana next year magkaklasi na kami. Please Lord, last year ko na naman po sa high school, pagbigyan mo na ko.
Mag-aaral na ko ng mabuti para makapasok ako sa first section. Ang talino niya kasi! Di ko siya mareach sa mga grades ko :(
Alam mo ba, may magandang nangyari. Ikukwento ko.
Kasi, yung friend ko na si Tomy, kilala si Alden. Kaya ayun, binigay ko yung slam note ko sa kaibigan ko at sinabing ipa-sign niya kay Alden. Tinanong ba naman niya kung bakit, e di naman daw niya ko kilala. Na-hurt kaya ako nun :( alam ko naman di niya ko kilala e, kaya nga pinapa-sign ko siya.
Gusto ko siya maging friend. Tapos boyfriend. Tapos husband. Hahaha nagiging advance ako mag-isip.
Yung teacher ko kasi ang sabi, mag plano para magkaroon ng magandang kinabukasan. Ginagawa ko lang naman yung tinuro niya.
Balik tayo sa usapan. Sabi ko nga di ba, good news? Napa-sign nga ni Tomy!!!! \o/ Inuwi pa nga ni Alden sa bahay nila yung slam note kasi hindi niya natapos sagutan. Binalik lang niya kanina.
Kailangan kong ilibre si Tomy sa turo-turo bukas. Okay lang no! Worth it yung bente pesos sa sagot ni Alden sa autograph. Ang dami kong nalaman tungkol sa kanya. Feeling ko nga kilalang kilala ko na siya.
Birthday: March 31
Course: Education! Major Math, secondary
Ambition: To be a successful & good/nice man.
Hobbies: Listening to the radio, playing PC games
Celebrity: Me! Ehe!
Music: (Gospel) -> Love, rock, jazz
Singer: Me! Ehe! All/ Band- Switchfoot
Maraming N/A na sagot.
Walang nakalagay na cell number, pero meron siyang textmate!!! Genevieve yung pangalan! Sino yun? Huhu may gf na ba siya?
</3 </3 </3
Wala daw siyang love pero “shy” tsaka “beautiful” yung nakalagay sa: Describe her.
Si Genevieve ba yun??? Wala naman silang kaklasing Genevieve ang pangalan! Bakit parang may kumirot sa puso ko? Wala naman akong karapatan mag selos.
Kahit two weeks ko palang siyang crush, bakit ganito nararamdaman ko? Ang sakit </3
Ayaw kong umasa, pero kasi. . .
Nung ginawa ko yung FLAMES sa pangalan namin, Lovers ang lumabas. That’s why I hope na magkatotoo. Malay natin, di ba?
Yes, di niya ko kilala ngayon. Pero baka next year maging friends na kami.
Yung sa dedication part yung favorite ko!!! Nag drawing siya ng anime version niya! Ang cute! Tapos ang sabi niya:
Kahit di kita ka close, salamat. Sabi nila kind ka at naniniwala ako dun! Sana matupad mo lahat ng dreams mo.
Kilig to the bones!!! <3 <3 <3
Ibahin naman natin ang usapan, napahiya ako kase 3 lang yung nakuha ko nung nagtest kame sa Filipino, up to 20 yun. Hindi naman ako yung pinaka-lowest pero nakakahiya pa rin. Yung teacher kasi namin, tinawag kami from highest to lowest :(
Tinago ko na yung test paper baka kasi makita ni mama. Sigurado mapapagalitan ako, at biglang hindi ako pasamahin sa closing party ng section namin.
Tapos naglinis lang kame nung afternoon class ko, hindi kami nag Math & A.P. Ligtas ako haha dapat kasi may quiz kame, di ako nag aral.
Ang boring sa school! Buti nalang nandun si Alden.
Haaay, sana may mag-ka crush sakin, yung pogi!
Sana maging masaya na ko!!!
Bye Diary.
Sana walang makabasa ng sinusulat ko dito. Pag naman binuksan to ng mga kapatid ko, lagot sila sakin! Nung kasing minsan nakita ko yung isa, nasa kwarto ko. E diary, kahit di ka safe dito samin ayaw kitang dalhin sa school baka kasi may makakita sa’yo dun.
O sige hanggang dito nalang.
Kailangan ko pang gawin yung assignment ko.
Bye ulit.
Sana pansinin na ko ni Alden bukas.
6:03pm
Doing my homework
*****
Aminin niyo, naging OA din kayo nung nagka-crush kayo nung high school! Haha!
Sana nagustuhan niyo yung update! :) Kung napansin niyo, medyo informal kasi diary entry siya.
Sali kayo sa group sa Facebook: Ilurvbooks Haven
Song for the chapter: Crush by Mandy Moore. Salamat sa pagbasa at pag comment! <3
BINABASA MO ANG
Highway Love Affair (Filipino)
General FictionPaano nga ba ang umibig? Naranasan mo na bang magmahal ng patago? E ang umasa sa wala? Gaano katagal bago mo masasabing nagsasawa ka ng mag hintay? Kung mahal mo ang isang tao, kaya mo bang isakripisyo ang lahat para sa kanya? Iilan lamang ang mga t...