Naiinis ako.
Lagi nalang ako ang nakikita sa bahay. Kesyo daw nag graduate na ko, anong balak ko sa buhay ko?
Hindi ba nila alam na nagtatrabaho na ko?
Anong gusto nilang gawin ko?
Akala ba nila laro lang ang trabaho sa coffee shop?
Para naman pinapamukha nila na wala akong silbi, at isa lamang palamunin.
Nagbibigay naman ako ng pera sa kanila. Yung bayad nga ng kuryente sa akin galing. Kulang pa ba yun? Gusto nila lahat ng sweldo ko sa kanila mapunta? Ano pang matitira sa akin? Hindi man nga ako kumakain sa bahay dahil nagtatrabaho ako.
Nakakabwisit.
Pag ako napuno, lalayas talaga ako. Ayaw ko mag rebelde, pero sobra naman sila.
Alam ko rin na nasa Ten Commandments yung ‘obey your father and mother’, pero maiintindihan naman siguro ako ni Lord.
Ang hirap kayang magtimpi lalo na kung araw araw ka nalang pinapagalitan.
Tapos yung mga kapatid ko sumasali pa. Hindi naman kasama sa usapan, kaya lalong lumalaki ang issue. Sobra na, hindi ko na kaya.
Pag talaga nakaipon ako mag-aapartment nalang ako. Kailangan ko ng peace of mind, pero sakit ng ulo ang binibigay nila sakin.
Balak ko sana ngayon sa day off ko, matutulog lang dahil toxic yung week na ‘to sa shop; ang daming tao, walang pahinga. Ang sakit ng katawan ko.
Kaso masyadong magulo sa bahay kaya aalis nalang ako.
Umalis na ko samin ng hindi nagpapaalam, at ngayon nandito ako sa mall, palakad lakad lang.
Gusto kong manuod ng sine, kaso wala akong kasama. Hindi pwede ang mga kaibigan ko; ang iba may lakad, ang iba may trabaho. Friendly na niyan ako at maraming kaibigan pero ni-isa sa kanila wala akong masama sa sinehan.
Ayaw kong magpaka-emo pero nalulungkot ako. Ito siguro yung drawback ng pagiging single. Mag-isa, walang kasama, parang forever alone. Tapos wala pang kakwentuhan, lalo na ngayon na may problema.
Alam ko naman na may benefits talaga yung pagkakaroon ng boyfriend, pero saan naman ako makakakuha nun? Hindi naman basta-basta magkakaroon ka ng ganun, at lalo na hindi yun nabibili sa kahit anong tindahan.
Bahala na nga. Basta manonood pa rin ako kahit ako lang mag-isa.
Bumili ako ng ticket, rom-com papanoorin ko, at pumili ng lugar na maganda sa screen na pinakita ng staff. May ilang minuto pa bago magumpisa ang pelikula kaya naman bumili muna ako ng popcorn at soda.
Pagpasok ko sa sinehan, pinakita ko yung ticket ko sa staff na nandun, tapos tinuro niya yung lugar ko. May nakaupong lovers sa tabi ko. Pero whatever, hindi ko sila papansinin.
Limang minuto bago mag-umpisa yung palabas, may umupong babae sa tabi ko. Mabuti nalang at hindi—
Nang-iinis ba ang tadhana? Bakit ako nakagitna sa dalawang couple?
Lord, sign po ba ito na magkaka-boyfriend na ko?
Gusto ko sanang lumipat sa ibang upuan, kaso may seating arrangement nga pala.
Kaasar.
I have to endure this, tapos romantic comedy pa ang papanoorin ko. I’m torturing myself.
It doesn’t matter. As if naman aalis ako without watching the movie. Ano yun, sasayangin ko lang pera ko?
May narinig akong weird sound, kaya bumukas ang mga mata ko. Hindi ko napansin nakatulog na pala ako. Tumingin ako sa relo ko at nakita na halos mag-iisang oras pala akong tulog.
Medyo boring kasi yung palabas.
Pinakinggan ko ulit yung tunog na gumising sakin, akala ko kalaskas lang ng screen. Bigla kasing humihina, tapos lumalakas.
Pagtingin ko sa tabi ko, may SPG.
Kadiri, dito pa nila napiling mag ganun. Mas mura naman ang bayad sa motel kaysa sa sinehan.
Ano bang nangyayari sa mga kabataan ngayon? Ke bata-bata, anong pumapasok sa isip nila.
Nawalan na tuloy ako ng gana para manood at matulog.
Tumayo ako at lumabas ng sinehan. Irereport ko sana yung couple sa staff, kaso hindi ko maimagine na ikwento yung ginagawa nila kaya hinayaan ko nalang. Sana may ibang tao ang makahuli sakanila.
Pilit kong binubura yung nakita ko kanina; na pollute pa tuloy ang inosente kong pag-iisip dahil sa ginawa nila.
Maglalaro nalang sana ako sa Fun House para mailabas ang frustrations ko ng biglang nakita ko si Alden.
Si Alden.
Biglang lumiwanag ang paningin ko, at lumiwalas ang pakiramdam ko.
Lalapitan ko sana siya ng biglang may babaeng yumakap sa kanya.
Brain freeze.
Napahinto ako sa paglalakad, at napa-atras. Nawala ang ngiti sa aking labi. Nanigas ang mga tuhod ko. Gusto kong lumayo pero hindi ako makagalaw.
Nakatingin lang ako sakanila habang pinapanood ko silang masayang nag-uusap nung babae.
Nang mag-umpisa silang maglakad, pinilit ko ang sarili kong gumalaw at nagtago sa isang shop para hindi nila ako makita.
Alam ko hindi ko gusto si Alden, pero bakit parang may kirot sa puso ko? Ano ‘tong nararamdaman ko? May sakit ata ako. Nahihirapan akong huminga.
Walang namamagitan sa amin ni Alden. Mabait siya, at inaamin kong masaya ako pag kausap siya. Hindi rin naman siya nagbigay ng ibang motibo.
Pero bakit parang part two ito ng nangyari samin ni Franco? Replay ba ‘to? Lagi nalang ba akong maiiwan?
Hindi ako mapapanatag hanggat walang kasagutan sa aking mga tanong. Gusto kong mag-siguro, kaya naman lumabas ako sa shop na pinagtataguan ko at sinundan si Alden at ang babaeng kasama niya.
*****
Pasensya na, maikli, pero sana nagustuhan niyo! :)
Song > Pare Ko by Eraserheads
Salamat! =)
BINABASA MO ANG
Highway Love Affair (Filipino)
General FictionPaano nga ba ang umibig? Naranasan mo na bang magmahal ng patago? E ang umasa sa wala? Gaano katagal bago mo masasabing nagsasawa ka ng mag hintay? Kung mahal mo ang isang tao, kaya mo bang isakripisyo ang lahat para sa kanya? Iilan lamang ang mga t...