September 9
5:22PM
Just got home from school (Bumili muna kasi ng Japanese paper sa bookstore dahil may project kami.
We need to make an air balloon.)
Dear Diary,
Feeling ko alam na ni Alden na crush ko siya.
Halata ba ko masyado?
Do I need to make iwas-iwas na to save face?
Kase whenever he pass by, inaasar ako ng mga kaibigan ko. I told them to stop, pero deep inside kinikilig ako hihi it’s better na asarin ako kay Alden kesa naman sa hindi ko gusto.
Tsaka, does it matter kung malaman ni Alden? Wala rin naman siyang magagawa, right? Kung ako nga pinigilan na yung puso ko, pero wala pa rin nangyare, paano pa siya?
Alam mo ba, sa tuwing nakikita ko siya, napapatulala ako. It’s like, from the anime na pinapanood ko. I didn’t know na nangyayari pala yun in real life.
Ang lakas ng kabog ng puso ko whenever he’s near. Nagtataka nga ako bakit di niya naririnig e.
Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya nitong mga nakaraang araw. \(*w*)/
Una, August 22, kuhanan ng card. I saw Alden and his mom. Gusto ko sanang mag mano at magpakilala as her future daughter in law kaso bigla akong tinawag nung adviser namin. T___T
Pangalawa, August 31, nag eye to eye contact kami ni Alden. I was shocked. My friend Lara kasi called me kaya naman lumabas ako ng classroom. Si Alden pala, nakatambay sa hallway.
What was he doing there? Hindi naman niya ugaling mag tambay sa labas ng room!
Was he making baka sakali na makita ako?
Hahaha I’m so ambisyosa talaga!
Okay, the third one, September 7:
Lumipat kami ng room sa kabilang section, sa room nila Alden. Yung kasing pareho naming teacher, may presentation kaya nakiusap sa mga students na palit muna kami ng room. Naka set-up kase yung papanoorin naming video sa room nila.
DIARY!!!!
I sat on Alden’s chair! \o/
When I found out kasi na lilipat kami ng room nila, mabilis akong kumilos para makaupo sa lugar niya. It was so worth it na magmukhang tanga hahaha at least, naupuan ko na yung chair ni Alden.
I know his chair kasi ilang beses na kong dumaan sa room nila noon para masulyapan siya hahaha
He joined pala on the chess tournament for the Intrams. Gusto ko ngang sumali kaso hindi naman ako marunong =(
Pumunta nga pala ako sa library yesterday. Nandun kasi si Alden, dun siya nagpa-practice for his chess tournament. I’m so excited na for him. Ipagchi-cheer ko talaga siya.
Carlos told me na ipalakpak ko daw yung kamay ko, tapos pag dumikit yung line sa dalawang palad ko, it means na I already met my soulmate.
Nung ginawa ko, dumikit nga!!!
BINABASA MO ANG
Highway Love Affair (Filipino)
General FictionPaano nga ba ang umibig? Naranasan mo na bang magmahal ng patago? E ang umasa sa wala? Gaano katagal bago mo masasabing nagsasawa ka ng mag hintay? Kung mahal mo ang isang tao, kaya mo bang isakripisyo ang lahat para sa kanya? Iilan lamang ang mga t...