Diary Entry: Joseph

5K 113 16
                                    

Who are you?

Tumalon ang puso ko. Nag reply siya, ibig sabihin gumagana yung sim.

Edi sinabi ko yung pangalan ko.

Where did you get my number?

Sinabi ko yung totoo, sa classmate ko.

Nagtaka ako nung sinabi niya na:

I don’t know her.

Nakalimutan na niya si Lara?

O baka naman mali yung number na nabigay niya?

Lagot ako nito.

Anong name mo?  Tanong ko.

Joseph.

Joseph?

Joseph?

Ang layo nun sa Alden!

Sasabunutan ko talaga si Lara, niloko niya ko.

Edi hindi ko na nireplyan yung Joseph, malay ko ba, baka matanda na yun, e di ko rin naman kilala, nang bigla siyang magtext.

Kaibigan ka ba ni Alden?

Without thinking twice, nireplyan ko siya ng:

Oo! :)

Tapos dun ko narealize na hindi pala ‘ko kilala ni Alden, so paano kami magiging magkaibigan?

Kuya niya ko.

Whoa, may kuya pala siya.

Teka, bakit yung number yung kuya niya yung binigay ni Lara? Saan niya galing yun?

Hayaan ko nalang nga.

Nagpakilala kami ni Joseph sa isa’t-isa. Nireplyan ko siya kasi ang rude ko naman kung i-ignore ko siya, lalo na kuya siya ni Alden. Siyempre kailangan magpa-good shot.

Nalaman ko na matanda ng dalawang taon si Joseph kay Alden. College na siya, second year IT student sa pasukan.

Aaminin ko, medyo nakakapanibago makipag textmate sa isang taong di mo naman kilala. At the same time nakakatuwa kasi wala kang alam tungkol sa kanya so marami kayong pwedeng pag-usapan.

Si Joseph mahilig sa music, kaya niyang mag play ng drums at gitara. Mahilig din siyang maglaro ng online games, at gumawa ng mga videos, or anything techie.

Habang katext ko siya, duma-damoves ako, nagtatanong ako tungkol sa kapatid niya.

I wonder kung sinabi niya kay Alden na katext niya ‘ko.

Sayang, gusto ko pa man din kausapin si Alden, kaya lang wala akong magagawa. Kuya niya may ari ng sim e.

Mabuti nalang okay si Joseph, hindi boring, yung tipong one word lang ang reply. Siguro di siya busy, baka wala siyang ginagawa kaya ang bilis niyang mag reply sa’kin, tapos interesting pa pinag-uusapan namin. Alam mo yung feeling na pinapakita niya na he wants to know you better?

Ang sarap sa pakiramdam.

Sa kalagitnaan ng summer vacation, akala ko mapuputol na communication namin. Meron kasi silang outing ng family niya. Aba updated ako. Binabalitaan kaya ako ni Joseph. Ang hilig niya magkwento. Pero hindi niya mina-manipulate yung topic dahil gusto rin niya kong magsalita at mag share.

Kinukwento niya lagi yung family niya, kung ano ginagawa ng mga kapatid niya, kung ano mga hilig nila. Panganay siya, si Alden yung pangalawa. Lima silang lahat. Dalawang babae sa gitna, tapos lalaki yung bunso.

Highway Love Affair (Filipino)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon