Confession sa Diary

7K 127 11
                                    

Hello! Pasensya na. Pasulpot-sulpot ako kung sumulat dito. Busy kasi, at walang tiyagang magsulat araw-araw. Pero may kailangan akong ilabas, at ito ang naisip kong solusyon.

May confession ako.

Nung araw na nakita ko si Franco sa mall, may ginawa siya. Sa lubos kong pagkabigla, hindi nag sink-in agad sakin.

Ngayon na tapos na, bumalik sa aking alaala ang ginawa niya.

Hindi ko inasahan na gagawin niya yun. Para tuloy akong istatwa na hindi makakilos ng oras na yun.

Makalipas ang dalawang taon, nagawa na niya ang gusto niyang gawin noon.

Niyakap niya ko sabay sabing, “Na miss kita.”

Ako naman hindi alam ang isasagot. At sa sobrang bigla, pati ako niyakap siya.

Pagkatapos nun, hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyare.

Siguro yung awkward silence na.

Ayaw kong bumalik ang nakaraan pero pilit niyang pinapasok ulit ang tahimik kong buhay.

Pagkatapos ng dalawang taon, pinagtagpo kami ng tadhana.

Tadhana nga ba o coincidence lang?

Yung andun kami at the right time, at the right place? O mas preferable yung andun ako sa wrong place at the wrong time?

Pag-uwi ko sa bahay, binuksan ko agad ang laptop ko at sinearch sa Sound Cloud ang pangalan niya. Hindi ko alam kung bakit ko yun ginawa. Meron lang biglang nag-udyok sakin para gawin yun.

Nang makita ko ang proile niya, pinindot ko yung unang link at pinakinggan ang boses niya. Sa unang salita palang, napatulala na ko. Ang ganda pa rin ng boses niya. Naalala ko tuloy nung—

 

Binura ko ang sinulat ko. Muntik na ngang mapunit ang notebook ko dahil sa sobrang diin ng ballpen dito.

Hindi na pala pwedeng halungkatin ang nakakalungkot na memorya.

Pinagalitan ko ang sarili ko dahil sa ginawa kong pag-search sakanya. Ang nakakainis pa, hindi lang dun nagtapos ang katangahan ko! Tinignan ko pa yung Facebook account niya.

Laking gulat ko nung hindi ko nakita yung, “In a relationship with. . .” sa profile niya.

Hiwalay na ba sila?

Hindi ko napansin na unti-unti akong ngumiti sa hindi maipaliwanag na dahilan.

Kaya ba niya ko niyakap dahil naghahanap siya ng kapalit?

Rebound ba ‘to?

Tinignan ko yung mga photos niya, at dun nakita ko yung picture niya na kasama yung girlfriend niya. Bago pa lang; nung isang araw lang.

Mali ang akala ko.

Sila pa rin pala.

Pagkatapos nun, pinatay ko agad yung laptop at humiga sa kama.

Tigilan mo na siya! Wala kang mapapala dun! Napaglaruan ka na niya noon. Ngayon, matuto ka naman!

Nag buntong hininga ako, at ini-scan ang notebook na aking ginawang diary. Napansin ko ang mga pangalan na nakasulat dito; natameme ako. Ang dami ko nga pala talagang naging crush noon.

Sa isang pahina, andun ang panglan ni Alden, ang date na nakasulat sa itaas ay:

November 17, 2006

Meron pang naka-drawing na puso sa tabi ng pangalan niya.

Ang tagal ko na nga  palang hindi nakikita si Alden. Miss ko na siya.

*****

Para itong special chapter. Once in a while mag po-post ako ng entry mula sa diary ng ating bida. Marami kayong characters na makikilala. :)

Sana nagustuhan niyo! <3 Song: Officially Missing You (Tamia) Cover by Jayesslee. Photo from ninamokaka deviantart account.

Happy New Year! I appreciate you all! Maraming salamat sa lahat! =)

Highway Love Affair (Filipino)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon