Nung pagbalik namin ni Gino sa ospital, ang daming tao sa kwarto ko. Buong pamilya ko sumalubong samin, pati na rin mga kaibigan ko. Bakas sa mga mukha nila ang pag-aalala.
Pagkapasok ko palang, niyakap na ako agad ni mama. “Saan ka galing?” tanong niya, umiiyak. “Akala ko may nangyaring masama sa’yo!”
Lumapit si Gino. “Pasensiya na po,” sabi niya ng nakayuko. “Tinakas ko po si—“
“Alam mo namang may sakit siya, bakit mo pa ginawa?”
Napatingin ako dun sa nagsalita. Yung lalaki, hindi maipinta yung mukha niya. Galit, nanginginig yung mga kamay niya.
Nilapitan ko si Gino at bumulong, “Uwi ka na, ako na kakausap kina mama.”
“Hindi, ako na magpapaliwanag,” sabi niya.
Tinuro ko yung lalaki.
“Aah.” Tumango si Gino. Nakita niya yung ekspresyon nung lalaki, mukhang manununtok. Ayaw rin naman ni Gino ng gulo. “Tita, tito,” sabi niya. Nakaharap siya sa mga magulang ko. “Pasensiya na po talaga. Gusto ko lang pong libangin—“
“Gino!” Kinalabit ko siya. “Alis na.”
Ginulo niya yung buhok ko. “Magpahinga ka na.” Tumingin siya ulit sa mga magulang ko. “Una na po ako.” Lumingon ulit siya sa’kin bago tuluyang umalis.
Ang sabi ni mama, napagalitan daw yung mga staff ng ospital lalo na yung mga guards at nurses na naka-duty kasi hindi nila inaayos yung trabaho nila. May pasyenteng nakalabas ng ospital, hindi man lang nila namalayan.
Buti nalang nag-iwan ng sulat si Gino, kung hindi ire-report ng mga magulang ko ang pagkawala ko.
.
Dahil sa pagtakas namin ni Gino, lagi na kong may kasama sa ospital. Kung hindi ang mama ko, mga kapatid ko, o kaya naman mga kaibigan. Bawal na kong maiwan mag-isa.
As if naman tatakas pa ‘ko.
As if naman makakalusot ako ulit.
As if naman may kasama pa ‘ko.
Dahil sa extreme rides na sinakyan namin ni Gino, may na trigger na ugat sa ulo ko, at dahil dun, kailangan ko pang mag stay ulit ng ilang araw sa ospital. Sa tingin ko nga OA lang ang mga magulang ko, paranoid siguro.
Kamusta naman ang bayarin sa ospital? Parang mayaman kami, ilang linggo na ‘ko dito.
Hindi muna ako dinalaw ni Gino. Medyo hindi pa kasi okay ngayon e, siya yung sinisisi ng mga magulang ko kung bakit laging sumasakit ang ulo ko.
Siyempre pinagtatanggol ko siya.
Hindi ko sinabi na pinilit lang niya ako dahil panigurado, iba-ban siya dito sa ospital. Siya nalang pa man din yung nakakaalam kung anong pinag-dadaanan ko, though hindi niya alam ang rason.
Nung pumunta kami ng EK ni Gino, iba yung pakiramdam, parang bumabalik yung dating ako. Yun nga lang, short lived. Napagalitan ako e, hindi ko na pwedeng ulitin.
Bakit ba Gino ako ng Gino?
Hindi ko siya namimiss. Ang kulit niya kaya, tsaka lagi niya ‘kong inaasar.
Pero at the back of my mind, iniisip ko siya, inaalala ko yung ginawa namin nung magkasama kami. Yung sinabi niya sa’kin na okay lang umiyak. Yung isigaw ko daw lahat ng sama ng loob ko para hindi maipon sa puso ko, baka kasi maging dahilan pa yun ng pagkakaroon ko ng sakit sa puso.
Simula ng araw na tumakas kami ni Gino, minsan nalang pumunta yung lalaki. Hindi na rin niya ko kinakausap. Dati kasi ang kulit kulit niya, pilit niyang pinapaalala yung nakaraan namin. Ngayon nakatingin na lang siya sa malayo, parang wala sa sarili. Hindi na rin siya nag pupumilit na matulog sa ospital. Pag tapos na yung visiting hours, aalis na siya. Magsasalita lang siya para mag paalam.
BINABASA MO ANG
Highway Love Affair (Filipino)
Aktuelle LiteraturPaano nga ba ang umibig? Naranasan mo na bang magmahal ng patago? E ang umasa sa wala? Gaano katagal bago mo masasabing nagsasawa ka ng mag hintay? Kung mahal mo ang isang tao, kaya mo bang isakripisyo ang lahat para sa kanya? Iilan lamang ang mga t...