*Don't Speak

3.9K 105 21
                                    

“Sigurado ka bang okay ka na?”

“Oo naman.”

Ngumiti pa ko para convincing.

Unang araw ng pagbalik ko sa Bean Stalk. Sobrang namiss ko yung lugar; pagkapasok ko, gusto kong yakapin yung counter. Siyempre hindi ko pinahalata dahil alam pa rin ng mga kaibigan ko na may amnesia ako.

Sinalubong ako ni Gerald pagdating ko. “Welcome home,” sabi niya, sabay yakap sa’kin.

Namiss ko rin ‘tong mokong na ‘to.

Binigyan niya ‘ko ng bagong uniform. Wow. Dalawang buwan lang akong nawala, may bagong uniform na agad.

“You’re back!” nagtitili ang mga kaibigan ko, at nag group hug kami.

“Namiss ka namin,” sabi ni Aly.

Tapos tumawa si Maria. “Di mo man kami namiss no?” sabi niya ng nakasimangot. “You don’t even remember us.”

Kinurot siya ni Aly. “Atribida ka talaga!”

Medyo hindi kumportable dahil naging awkward yung atmosphere. Di nila alam paano sila gagalaw around me. Pati yung conversation limited dahil akala nila hindi ko maiintindihan. Nagpakilala pa nga sila isa-isa e.

Kung alam lang nila.

Bigla ko tuloy namiss yung kulitan namin. Bahala na nga, pagkatapos talaga nito, magiging okay na ang lahat.

Gerald claps his hands. “Work, work, work!”

Nag disperse ang mga kaibigan ko, at pumunta na sa kanilang pwesto.

Kami naman nina Gerald at Aly, dumiretso sa may training room.

“Sabihin mo lang pag pagod ka na,” sabi ni Boss, “para makapag-pahinga ka.”

I roll my eyes. “Di naman porke na-ospital ako, mahina na resistensya ko.”

Bumuntong hininga siya. “Just taking precaution.” Tapos nagpaalam na siya dahil may aayusin pa siya sa office niya.

“Cut him some slack,” sabi ni Aly. “Pinuntahan siya ng mama mo kahapon para i-remind na hindi ka pa magaling.”

What?

Gusto na ata ni mama ikulong ako sa bahay. Kainis.

“Over protective talaga mama mo,” remind ni Aly.

Sinabi mo pa.

Si Aly yung nagte-train sa’kin ngayon. Yung basic lang. Medyo boring nga kasi alam ko na naman ‘to. Pati nga yung how to greet the customer, sinabi niya e.

May mga practice equipment sa training room kaya pinag sample niya kong gumawa ng coffee, maglinis ng table, and paano gamitin yung kaha.

Habang tinuturuan niya ko, nagkukwentuhan kami, yung mga memories namin noon, pinaalala niya. Siguro nagbabaka-sakali na may mag trigger na alaala. Sayang nga e, ang dami kong chikka sa kanya, pero saka na, pag pwede ko ng sabihin.

Madaldal kasi si Aly, so pag shinare ko yung secret ko, malalaman na ng lahat. Hindi naman sa di ko siya pinagkakatiwalaan; gusto ko lang makasiguro.

Ilang oras na din ang nakalipas. Ang dami na niyang naituro.

Habang kumakain kami sa may staff room, biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Maria.

“Here oh,” sabi niya, sabay abot sa’kin ng isang malaking envelope.

“Ano yan?” tanong ko.

“Open it para makita natin!” Mas excited pa siya sa’kin.

“Kanino galing?” tanong ni Aly.

Highway Love Affair (Filipino)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon