Chapter5/ she’s leaving
*after three empty days. Three days na pagmumukmok sa kwarto ko pag gabi, three days na pagwawala ko sa bar tuwing gabi, three days na wala aking ibang inisip kundi sya at three days na pagsubok na tanggapin na wala na sya. Gabi gabi ko sya pinupuntahan sa kanila but she keeps on doing the same thing, she just stared at me. She stared at me coldly. Pinasabog ko na yung phone niya ng text messages and calls pero wala. Wala akong nareceive na replies. Kahit isang ngiti man lang o di kaya kahit blank message. wala. Kaya ayun, after three stupid and cold nights, pumasok ako, ayoko but I have to. I have to show them na kaya ko. Na hindi ako bakla, na hindi niya ko kayang pabagsakin, na okay lang ako, na matapang ako… kailangan kong mabuhay at ipakita sa lahat na hindi ako NASASAKTAN. Na wala akong nararamdaman. Pagdating ko dun sa school. Sinalubong ako nila Carlo at Ivan.
“Whats up pare. Bat ang tagal mong nawala?”
“narinig mo na ba yung balita kay Nadine?”
“….”
“Hoy Jonel. Okay ka lang ba pare?”
“Pwede wag kayong magulo. Ano bang tinatanong niyo? Anung pinagsasabi nyo dyan? Okay lang ako. Bakit? Ano bang meron?”
“Diba magttransfer na sya? Maeengage na si na…”
“I freaking Don’t Care dude. Wala akong pakielam. Pwede tigilan niyo muna ko? Wala akong panahon makipaglokohan ngayong araw”
*umalis na yung dalawa. Tinataboy ko na ata sila palayo. Pagtingin ko sa gilid. Nakatingin sya sa akin, nakatingin sa akin yung makulit na babae. Yung babaeng walang ibang alam gawin kundi ngumiti. Nakakairita. Pero may something sa tingin niya. There really something weird with this girl. Nakakainis. Ayan na tapos na ang klase, Dalawang araw na lang. . .
Isang araw na lang . . .
Aalis na sya mamaya. . . Aalis na yung mahal ko, tuluyan niya na kong iiwan. Magiging Masaya kaya sya dun? Magiging okay kaya sya? Ano kayang ugali ng mapapangasawa niya? Aalagaan ba sya nun? Poprotektehan niya ba ang Nadine ko? Magiging ma. . .
(Kriiiiiing…Kriiiingg)
“uh? Hello?”
“Hoy. Jonel. Paalis na si Nadine, Anong balak mo? Nandito kami sa Airport ngayon. Pumunta ka na dito. Two hours na lang kailangan niya ng pumasok sa loob. Pupunta ka ba? Kani..
*Binabaan ko sya ng Phone. Bat ako pupunta dun? Para panooring Lumakad papalayo yung pangarap ko? Para Tanawin ang pag alis niya? Para Ipamuka sa sarili ko na wala na? Para Makita na iiwanan na niya ko at wala akong magagawa? Sus. Hindi ako Suicidal kaya wag na lang! umalis siya, Go! The hell would I care. Sige! Iwanan na niya ko. Go. Sino ba sya? Ang buhay ko? Ang…ang Pangarap ko? Ang Bumubuo,… bumubuo sa Akin? Sa kung ano…ako? Shit. Di ko kaya to. Kinuha ko yung Jacket at Cap ko. Umalis ako, Sumakay ako ng kotse ko. Pumunta ko ng Dessert Extremes, Isang Famous Dessert Parlor dito sa Manila. Umorder ako ng Madaming Chocolate Icecream. Naalala ko kasi yung nung pinakain ako nung babae nung chocolate, gumaan talaga ang loob ko. Ayan.. Paalis na ko ng counter, dala ko yung Madami kong Icecream.
“AAAAAAAAAHHHH!”
“Oi. Oi. Ice Cream ko T.T”
![](https://img.wattpad.com/cover/920333-288-k241130.jpg)