Chapter15/Suitors and Him. Back OFF! She's Mine.

1.5K 29 1
                                    

(Ericka's POV)

*Tatlong araw na rin kami hindi nagpapansinan ni Sungit. Kala niya kasi nakakatuwa yung mga ginagawa niya. Simula rin nung hindi na sya umaaligid sa tabi ko, si Ivan, na nililigawan yung Jessie ba yun? basta yung Scholar. Tapos si Carlo na sabi nila pang walo na daw to, sinubukan ulit ligawan si Cassie. Silang Dalawa na lang yung lagi kong Kasama. Madalas nga silang wala eh. Busy sa Lovelife. Kaya si Cassie, Wala rin. Si nina naman, Busy sa buhay niya. Fixed Marriage daw? Ewan. Inengage kasi sya bigla. Si mikko na lang yung natira sa tabi ko -_-" Tss. Ayun nga, Simula nung nawala na si Jonel sa Tabi ko, May mga namimilit na manligaw sa akin. NAKAKAINIS! tatlong araw pa lang yung lumilipas tapos anim na ata sila? Hay. Namimiss ko tuloy bigla si sungit. At ito na naman, pagdating ko sa Tapat ng Locker ko, May Bear, Chocolate, Bulaklak at kung ano ano na naman. Muka ba kong Santo? Nakakainis. Kinuha ko na yung mga nakaharang sa locker ko, dadalhin ko sa driver ko. Kaso... May nabunggo ako.

"ANO BA NAM... Tss. Ikaw." Si Sungit yun ah?

"Sorry. Hindi kita nakita. Andami ko kasing dala."

"Ok"

*tingnan mo nga naman oh. Diretso bigla ng lakad. Tss. Di man lang ako tinulungan. Nevermind. Naglakad na lang ako. maya maya, may kumuha nung dala ko. 

"Weirdo...."

"..."

"Sorry na... Bati na tayo..."

"..."

"Hindi ko naman sinasadya eh. Gusto lang naman kita maiganti dun sa mga yun. Wag ka ng magalit oh?"

*Is he saying sorry? Waaa. Dapat lang no! pero teka? Ano bang ginawa niya sa akin? Wala naman diba? Pinagtanggol niya nga ako eh. Pero Sa maling paraan. Tama! nagalit ako sa kanya kasi, Pinagtanggol niya ako! Huh? ano ba? Ericka! Bat ka nga ba galit?

"Ui. Weirdo. Sorry na. Please?"

*Nung narinig ko syang nagplease, napangiti ako. Pagtingin ko sa kanya, nakangiti na din sya >.< Namiss ko sya. Ohmy. Kesa mahalata niya na napapangiti ako lalo, binigay ko sa kanya lahat ng Dala ko.

"O. Dalhin mo yan dun sa kotse ko. okay?"

"Bati na ba tayo?"

In Sickness and in Health, Till Death do us part.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon