(ericka's pov)
Dalawang araw na yung lumilipas. Hindi pa rin ako tinitext ni fem. Siguro wala syang load. Kamusta na kaya sya? Dalawang araw na rin pala akong umiiyak. Hindi ko alam kung bakit. ALam ko naman sa sarili ko na hindi naman talaga galit sa akin si fem. Sabi niya lang yun para madala na ko. Pasaway kasi akong girlfriend.. Mamaya sasalubungin ako nun sa school na parang walang nangyari. Tapos magiging okay na kami. Dalawang araw ko na rin pala binabasa ng luha yung damit ni kiko.. Ewan ko ba dun, Mula kasi nung Friday hindi na niya ko tinantanan. okay na rin kasi nalilibang niya ko. Di nga niya alam yung sakit ko eh.. Ang alam niya lang lampa ko. Tss.
-Hoy Eka!! Matagal ka pa ba jan?? Kanina pa ko dito oh??
Speaking of the Squirrel, Nasa baba siya. Sa kanya kasi ako binilin ni kuya. Sya na daw tiga sundo ko.. Galit sila kay fem. Ayaw nilang maniwala sa akin na wala namang masamang ginagawa sa akin si Fem..
-Panira eh nu? Ayan na po.. Pababa na.
Bumaba na ko at pumunta na ko ng School kasama si Kiko. Pagkababa namin ng kotse, Humiwalay muna siya sa akin. Kailangan daw kasi siya sa gym saglit.. Varsity kasi. Tsk. Kaya mag isa na kong pnaglakad papunta ng room.
-Saglit lang ako eka.. May aasikasuhin lang ako okay?
-oo na. Matanda na ko.
-That's right and big girls don't cry.. Okay?
-Oo na nga -______-"
Umalis na si kiko pero hinalikan niya muna ako sa may noo. Sira ulo talaga to. Pero napangiti ako kasi alam ko na concern na concern sya sa akin..
"Akala ko pa naman mahal talaga sya ni jonel."
"Oo nga eh."
"Pero grabe, Hindi pa rin ako makaniwala."
"Kawawa naman sya nu?"
Narinig ko yung apat na babae na naguusap sa may parking Lot. Habang naririnig ko sila, Sumisikip na naman yung dibdib ko.. Nasasaktan ako sa naririnig ko!! Bakit ba ayaw nilang maniwala na mahal naman talaga ako ni Fem??? Tss. Paglabas ko ng parking lot.. May dalawang babae na naman na naguusap.
"nakita mo na ba yung picture??"
"Ha? Alin?"
"Yung picture ni mery at jonel. Grabe, Naiinis ako sa mery na yun! Inagawan niya si Ericka.. Bagay pa naman sila."
"Malay mo hindi naman sya yung mahal ni jonel"
"Kahit pa nu.. Hindi ako naniniwala.. Alam ko na si Ericka pa rin yung mahal niya.. Ang bait kaya niya. Kumpara mo naman sa mery na yun!"
"Ang ganda kaya niya. Hello????"
LAlalala. Tinakpan ko yung tenga ko at nagpanggap na walang naririnig.. Masaya na lang ulit ako na naglalakad. Wala akong naririnig!!!
"Dapat lang sa kanya yan nu!! Kakatransfer nya lang tapos supreme agad sya?? HAHA. Napagtripan tuloy siya ni Jonel"
Lalalala. Wala akong naririnig. Hindi tutulo yung luha ko.. Lalala.
"Ee hindi nga siguro kasi sya mahal"
Whatever. Basta mahal niya ko. Promise niya yun eh.. Mahal niya ko. Wala akong pakielam sa mga sinasabi ng mga tsismosa dito.. Lalala.
"Sana kainin na lang ng alien si mery nu? Mas bagay pa rin talaga sina Ericka at Jonel"
Malabo na yung mata ko dahil sa namumuong luha sa mga mata ko na pinipilit kong wag tumulo pero napangiti ako nung narinig ko yun.. Pero hindi na napigilan nito ang pagtulo nung narinig ko yung boses ni fem..