Chapter9: Her Highness and her slave.

1.5K 34 2
                                    

"hoy Jonel! Takte. Sobrang nakakatamad magklase ngayon magdota na lang tayo nila Ivan."

"Tss. Bad influence ka talaga pare. Kayo na lang ni Jonel."

"Sumama ka na Ivan, Napaka Boring kapag kami lang ni Carlo. Tara na. Hanap tayo kalaban."

"Kawawa naman si Seatmate. Walang katabi."

"Naku oh? Wag niyo na akong idamay jan. Kaya ko mag isa nu"

"Wala namang kakain sa weirdong yan jan eh."

"Oo nga. Magdota na kayo."

"Ayoko. Dito na lang kami ni Seatmate."

"Imba. Ang arte mo Ivan, Ano ka? Boyfriend?"

"Bakit? La naman ako Sinabi eh."

"Tss. Hoy Weirdo!! Sumama ka na nga lang!"

"HA? AYOKO! Mag aaral ako."

"Anak ng. Halika na!"

* Hinila ko Si Weirdo.

"Sabi ko sa inyo wag niyong bibigyan ng choice tong si weirdo eh. Tara na. Magdodota tayo..."

"Pe...pero, Anong gagawin ko dun? Madudumihan yung record ko"

"ano ba? Ilan beses ba naming uulitin na supreme ka na? Walang dudungis ng record mo. mag computer ka. Basta. Wag ka ng umangal."

*tumayo na rin sila Carlo at Ivan. Nakangiti yung dalawa, haha. Nakarating na kami sa computer shop.

"Yeboy. 3v3 tayo. Sinong pwede jan? 2000 isa?" Sigaw ni Carlo sa Computer shop.

"Nice. May kalaban din sa wakas. Sabi nung lalaki sa may gitna. "Hoy Mikko! May kalaban na."

"Apat tayo pare eh."

"Ee tattlo lang kami eh." Sabi ni Ivan.

"Sali ako."

* wew. Nagulat kaming lahat. Bigla ba namang bumanat si Weirdo na sasali daw siya.

(0.o) (o.0) (o.0) (0.o)

"Ano bang sinasabi mo jan Weirdo?"

"Sasali ako. Bawal ba??"

"Bakit? Marunong ka ba seatmate?"

"Basta. Sige na. Please?"

"Hayaan na natin sumali si Ericka pare, kaya naman nating durugin yang apat na yan kahit naman manggulo lang yan si Ericka. Hayaan niyo na. Diba Ericka?"

"Oo nga. Saling pusa lang ako. Pleeeeease?"

"Anak ng. Tara. Umayos ka weirdo ha??"

*matapos ang Laro.

Carlo, Ivan, Jonel, Apat na kalaban: 

(o.o) (o.O) (0.o) (o.o) (o.0) (^,^) (>.<)

(May naligaw na ngiti? Dun yun sa isa, yung mikko ata pangalan?)

"Bakit? Anong ginawa ko? Mali ba yung laro ko?"

"Seatmate anung mali? Imba ang bangis mo. Babae ka ba talaga?"

"Hoy Weirdo! San ka natuto nun. Anung ginawa mo?"

"Pare Nagcheat yan. Tama ba Ericka?"

"Hala? No. I never cheat."

"Imba men. Ang galing mo. Buti na lang talaga Supreme ka na Ericka. Master na kita ngayon."

In Sickness and in Health, Till Death do us part.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon