*Nakangiti sya habang naglalakad kami. Nakangiti sya habang dala dala ko yung sampung paper bags ng pinamili nya. Nakangiti sya habang dala dala niya yung malaking manika. Hahahaha! Akala ko hindi ko na makukuha. Naaalala ko tuloy yung nangyari kanina. Hindi ko alam kung bakit pero napapangiti narin ako..
FlashieBackie:
"YES!!!!!"
*yep. Nakuha ko rin sa wakas yung bear na halos kalahati na ng laki nitong si Ericka. Nagulat tlaga ko nung nakuha ko sya. Napatingin ako sa kanya tapos hindi ko alam kung bakit bigla na lang niya akong niyakap. Hahahaha.. nakayakap sya sa akin ng matagal. *end*
* ang korny no? Napayakap lang siya hindi ko alam kung bakit pero napapangiti ako. Inaasaar ko lang sya habang parehas kaming nakangiti na naglalakad.
"Bakit mo ko niyakap? HAHAHA! Siguro may pagnanasa ka sa akin no?"
"natuwa lang naman ako eh. Hindi ko talaga sinasadya."
"Wushu. Crush mo ko no?"
"hindi nu! Ako? Magkakagusto sayo?"
"Hindi yun Imposible no. Sa gwapo kong to? Pero wag ha? Masisira pagkakaibigan natin…hindi pa naman kita type :))))"
"wag ka ngang masyado dyan. Hindi ako magkakagusto sa lalaking mas magaling pa ako magdota nu."
"Ang angas mo talagang weirdo ka."
"Halika na nga. Kumain na tayo."
*ililibre sana ko nitong si Ericka kasi alipin daw niya ko. Sweldo ko daw yun kasi mabait ako? Anu? Utang na loob? Wag ka na. Kaya pinaupo ku nalang siya. Ako na yung umorder. Ang dami naman niyang inorder. Isang Pizza Deluxe na hindi ko alam kung bakit Family Size. Tapos isang Spaghetti Plate tapos Isang Super Strawberry Shake. Samantalang ako, Isang Spaghetti plate lang. pambihira, sinamahan ko na nga lang napagastos pa ko. Ang takaw niya!
"O? himala ata? Bakit wala kang inorder na chocolate ngayon?"
* simula kasi nung umalis si Na.....Yung Nangiwan sa akin. Basta siya. Ayoko na syang maalala. Simula nung araw na yun. Lagi akong umoorder ng kahit anong chocolate pag kasama kong kumakain tong supreme. Pero ngayon hindi ko alam kung bakit hindi ako umorder.
"Ewan. Hindi siguro ako Depress ngayon. Baka Masaya ko."
"That’s new :)) mabuti yan. Buti unti unti mu ng natatanggap na wala na si..."
* bigla akong tumingin sa kanya. muka namang naintindihan niya na ayaw kong pag usapan yung topic na yun kaya iniba niya yung topic.
"Salamat pala ha?"
"Saan na naman?"
"Dito sa bear."
"Ah. Wala yan"
"Hmn. Papangalanan ko syang Sungit."
"Ambaduy mo naman mamigay ng pangalan."
"Ee baduy din yung nagbigay eh :)"
"Babawiin ko yan eh."
"Joke ^, ^v"
*kumain na lang kami nang kumain. Antakaw niya talaga, nakalahati niya yung family Size na pizza. Nakakahiya. Tapos may naririnig akong nagbubulungan sa kabilang table. Bagay daw kami. Sus. Ang Gwapo ko masyado para sa weirdong to nu.
"Waaaa. Sarap naman ng kain ko. Salamat po!"
"Andaya nu? Ikaw nagpasama mas madami gastos ko."
"HALA!? Sabi ko ililibre kita eh. Tss. Ikaw naman kasi yung may ayaw. Babayaran na lang kita."
"Alam mo ikaw. Dalawang beses mo na ko gustong bigyan ng pera. Naaapakan mo na pride ko ee nu?"
"Ang arte mo naman. Tara na. Uwi na tayo."
*hinatid ko sya pauwi. Pagdating namin sa tapat ng bahay nila. Binigay ko na lahat sa kanya. yung kaninang sampu na nadagdagan pa ng tatlo na paper bags tapos isang malaking manika. Kinuha naman nung guard nila yung mga paper bags except dun sa manika at isa pang paper bag.
"Pano ba yan weirdo. Uwi na ko ha? Matulog ka na.. Bawal ang may eyebags sa Supreme."
"Salamat Alipin. Oo nga pala."
*inabot niya sa akin yung isang paper bag.
"Ano to?"
"Sayo talaga yan. Binili ko yan kanina. bagay kasi sayo."
"Ayoko. Hindi ako tumatanggap ng..."
"WALA AKONG PAKIELAM!"
*aba! Linya ko yun ah. Napangiti na lang ako.
"Goodnight sungit. bye!"
* nakakaloko. Sumakay na ko ng Kotse. Pagtingin ko dun sa may paper bag,
"WHAT THE? Ito yung sinukat ko kanina ah? Sabi niya sa akin hindi bagay? Ang weird talaga nung babaeng yun.."
Kinabukasan.
(Ericka’s Pov)
Sa bahay ni Ericka.
BEEEEP! BEEEEP!
"Miss, may naghahanap po sa Inyo sa may labas."
"Ha? Naghahanap? Sino?"
"Ee kaklase niyo daw po eh."
"Sige po. Papasukin niyo na lang po"
* kumakain ako nung oras na yun, tapos bigla akong nabulunan sa narinig ko na boses.
O_____________O
"Good morning Weirdo!"
"What the? Anong ginagawa mo dito!?"
"Sinusundo ka."
"At bakit mo ko susunduin?"
"Ee diba master kita?"
"Ee hindi naman to kasali sa usapan eh."
"Wala akong pakialam. Basta BOSS kita kaya aalagaan kita ngayong linggo. Okay?"
"Tss. Ikaw pa rin ang nasusunod ako na nga yung master. Osya. Kumain ka na muna"
*Ano kaya nakain nitong masungit na to? Hnainan na sya ni yaya ng Pagkain. Nagulat ako sa reaksyon niya kasi hindi sya umangal. Pag sa school kasi andami muna niyang ilalait sa pagkain bago kumain. Pagkatapos naming kumain, Sabay na kami pumasok. Ewan ko ba dito kung bakit sinundo ako. Habang nasa loob pa ako ng kotse niya, nagkakagulo na yung mga babae dun sa may labas. Bumaba na si sungit at sumunod naman ako. Pagbaba ko, LAHAT: O.O ganyan yung mga reaksyon nilang lahat. Parang gusto kong isa isang lamunin nung mga babae. Nakakatakot -_-"
"Wow. Bakit kasabay mo si seatmate? Akala ko ba wala tayong talo talo pare?"
"nakita ko lang sya sa daan kaya snabay ko sya pare. Wag kung anu anu iniisip dyan."
*anong nakita sa daan? Sinundo mo ko eh. Sinungaling ka talaga. Tch!
"Mukang napapadalas na pagdikit mo kay master ah pare?"
"Alipin niya kasi ako ngayon diba? Nagiging mabait lang ako sa boss kong weirdo."
*okay na sana eh, boss daw eh. Tas may karugtong pa rin na weirdo? Kailan kaya niya ako titigilan na tawaging weirdo? Sa mga sumunod na araw, ganun lagi yung nangyayari sinusundo ako ni jonel. Hindi ko din alam kung bakit eh tapos na naman yung isang linggo na kasunduan namin pero sundo pa rin sya ng sundo. Nagiging close na nga kami eh, pero madalas lagi pa rin kaming nagtatalo kahit na wala pa kong panalo sa kanya.
